chapter 2

8 0 0
                                    

-2-

Bangag lang te?

Yang ang bungad sakin ni Audrey ng bigla na lang syang nag appear sa harapan ko. Kasalukuyang nandito ako ngayon sa coffe shop ng university. Hindi ko napansin ang pag dating nta dahil masyadong abala ang isip ko sa pag muni muni ng mga magandang nangyari sakin nung nakaraang linggo.

"Ay kabayong may peklat!" gulat ko ng bigla akong sampalin ni Audrey. "Grabe ka naman! Maka sampal ka dyan wagas. Kulang nalang matanggal 'tong panga ko sa lakas ng sampal mo." nasapo ko tuloy ang pisngi ko. Ouch! Ang sakit.

"Tama lang tang ginawa ko sayo. Concern lang naman ako eh." sabay paliwanag nya sakin habang tinatapik ang balikat ko.

"Ano? Anong tama dun? Eh bigla kang nananampal dyan. Pano na lang kung nalaglag ang panga ko? Edi wala na akong mukhang ihaharap kay L A nyan?" Angal ko dito. Tengeneng na yan. Kelan pa naging tama ang manakit ng kapwa? Ang masaklap pa dun eh bestfriends mo pa? Tsk tsk tsk. What a nice friend.

"Ah? Kaya naman pala kanina pa kita tinatawag eh hindi mo ako pinapansin hanggang sa makaupo na ako dito't lahat lahat eh bangag ka pa rin dtan sa kinauupuan mo, yun pala occupied nanaman pala ni L.A yang utak mo. Nakuh Sissy, malala ka na. Magpa doctor ka na nga."

"Oi!grabe ka naman! Purket hindi ka lang napansin at medyo napapatulala pa ako dahil hindi ako maka get over sa nangyari sakin nung nakaraang linggo eh malala na agad? Hindi ba pwedeng sinasariwa ko lang ang sweet memories namin ni L.A?" Di ba?tama naman ako? Dapat ang mga magagandang pangyayari sa buhay mo ay inaalala mo para hindi mawala sa isipan mo. Para mas lalo kang ganahang mabuhay at ipag patuloy ang buhay.

"Sus! Malala ka na!" Giit nya sakin. Napasimangot ako sa kanya at ibinaling ang tingin ko sa brown envelop na hawak nya.

"Teka? Ano ba yang hawak mo?" agad namang syang napatingin dito at tsaka lang nya naalala na may dala pala sya. Tsk! Ulyanin na.

"Ay! Oo nga pala." Inabot nya sakin ang envelope. Ok? Ano naman ang gagawin ko sa envelope na yan? Curious na tanong ko sa sarili ko. "Pinabibigay yan sayo ni Warren. Nakasalubong ko kasi sya kanina." Teka? Si Warren? Eh taga kabilang building yun ah. Sa pagkakaalam ko team mates sya nila Liro sa basketball. At sa pag kakaalam ko din eh bukod kay Liro my future eh kinalolokohan din sta ng mag kababaihan pero like Liro, mailap din sya sa mga babae. Pareho sila ni Liro na mapili. Hay sarap gahasain ng mga yan eh. Mastadong pakipot.

Kinuha ko ang envelope at saka binuksan. Ano naman kaya ito? Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko kung ano ang laman nun. Bigla na lang akong napangiti ng wagas at pinipigilan ko ang sarili kong hindi mapatili dahil nakakahiya sa madlang tao.

"Ano ba yan?" At kagaya ko ay nanlaki din ang mata ni Audrey sa nakita na at hindi makapaniwala. It was a picture of me and Liro doon sa kasal na pinuntahan ko. Eto yung moment na nilalagay ni Liro ang garter sa legs ko. Grabe, naiisip ko pa lang ang moment na 'to kanina tapos ngayon nasa harap ko na. Gustong gusto ko talag ang moment na 'to. Yung moment na nakatingin sya sakin at nakangiti. Oh my gosh! Im melting. Nakakalusaw ang tingin nya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong wag mapatili, ganun din sia audrey kaya sabay kaming napatili.

"Kyaaa!!/Waaaah!!"

tiningnan ko ang likod ng picture at doon ko nalaman kung kanino galing ang mga iyon. Kinuha ko ang phone ko at nag txt.

Thank you po sa picture! :)

At isinend ko iyon kay Miss Zyrene.

------

Dito ako ngayon sa lab. at busy sa pag be-bake ng heart shape cupcakes. Wala lang, naisipan ko lang mag bake ng cake para ibigay kay L.A para maiba naman. Puro na lang kasi love letter at chocolates ang binibigay ko sa kanya. Nag babakasakali lang ako na baka kapag binigyan ko sya ng isang bagay na pinaghirapan ko talaga eh baka mapansin na rin nya ang effort ko at sagutin na rin nya ako.

I was started courting him when i was in grade school. Palagi ko syang binibigyan ng food na niluto ni monmy wich is para talaga sakin. Tiniis kong wag kainin ang favorite kong macaroons na bake ni daddy para lang ibigay yun sa kanya dahil alam kong paborito nya tin yun. Tapos palagi ko syang kinakantahan kapag nag pupunta kami sa burol tuwing walang pasok.

Masaya ako kapag nabibigyan ko sya ng mga simpleng bagay at lalo akong natutuwa kapag tinatanggap nya yun at ngingiti sya sakin habang nag te-thank you.

Nakakataba ng puso ang mga ngiti nya lalo na ang mga mata nyang kumikinang kapag natawa sya. Hindi naman nya ako pinag tatabuyan kapag nalapit ako sa kanya at lalong hindi naman nya ako pinipigilang ligawan sya.

Yeah hindi nta ako pinigilan nung tanungin ko sta na kung pwede ko ba syang ligawa. Ok lang naman daw sa kanya yun kasi wala nama daw syang nililigawan. Sabi pa nga nya sakin na kapag wala syang ibang nakitang babae na makakapag patibok ng puso nya ay ako na lang daw ang mamahalin nya at mag papakasal kami pag dating ng panahon.

Yan ang pangako nya sakin noong nga bata pa kami. Pinanghahawakan ko ang pangako nyang yun kaya nga hanggang ngayon ay nililigawan ko parin sya at umaasa akong tutuparin nya ang mga pangako nya sakin kahit na nga na wala naman akong kadiguraduhang mangyayari pa yun.

Kahit na nakakaramdam na ako ng pagod at halos nawawalan na ako ng pag asa na mangyayari pa ang pangako nya sakin. Pero sa tuwing makikita ko na sya ay bigla naman akong mabubuhayan ulet ng loob.

Pero minsan napaisip ako, hanggang kelan kaya ako paaasahin ng mokong na yun? Hanggang kelan pa kaya ako aasa sa mga pangako nya? Ilang love letter pa kaya ang dapat kong ibigay sa kanya? Kelan kaya nya ako sasagutin? Or sasagutin pa nga ba nya ako at tutuparin nya ang pangako nya sakin?..

Hay ewan. Hindi ko din alam ang sagot sa mga katanungan ko. Hmm siguro kapag natikman na nya ang binake ko ay baka sagutin nya ako. Haay, sana nga.

Inayos ko na ang cupcake na ginawa ko at inilagay sa packging nito. Nilagyan ko pa yun ng red ribbon at may kasama pang note. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng lab at nag tungo sa gym.

Pag dating ko sa gym ay nagulat ako dahil sa dami ng estudyanteng naroon. Mga nag hihiyawan at kinikilig pa. May sumigaw pa nga na 'sagutin mo na sya', hmmm? May proposal sigurong nagaganap sa gitna ng gym. na curious ako sa pinapanood nila kaya nakisiksik na rin ako sa kanila at naki isyoso na din.

Nung makalapit na ako sa unahan kung saan ay kitang kita ko ang pangyayari sa gitna ng gym ay ganun na lang ang pagka gulat ko.

Biglang nanikip ang dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Humihigpit na rin pang pagkakahawak ko sa box ng cupcake na dala ko. Hindi ko na din maigalaw ang mga paa ko at parang nadikit na sa floor. At nag iinit na din ng gilid ng mga mata ko na nag babadyang kumawala ang mga luhang unti unting namumuo sa mga mata ko.

Nanatili akong nakatingin sa kanila. Hanggang sa hindi ko na talaga nakayanan at bigla ko na lang nabitawan ang hawak ko at agad na kumaripas ng takbo kahit pa halos nabangga ko na ang mga taong naroroon.. At kasabay ng pag takbo ko ay ang pag patak din ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan at patuloy na nag pi-play sa utak ko ang eksenang dahilan ng pagkadurog ng puso ko.

"Shanee, will you be my girlfriend?"

"Yes, yes Liro, sinasagot na kita."

"Nooooo!!!"

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon