-3-
"Tagay pa!" bottoms up kong inimon ang alak matapos kong makipag cheers kay Audrey. Andito kasi kami ngayon sa bar at nag papakaluno sa alak. Were celebrating the most special day in my life. The day when my heart broken.
"Odeth, tama na yan. Look, lasing ka na." Pag awat nya sakin. Pero the hell! Hindi pa nga ako lasing patitigilin na nya agad ako? Ni hindi pa nga ako nakakramdam ng pagka manhid eh, until now ay ramdam ko pa rin ang sakit dito sa dibdib ko. Hindi ko kasi matanggap na hindi pala talaga ako kayang mahalin ng taong pinaka mamahala ko simula pa man noon.
Pero hindi ko magawang sisihin sya dahil alam ko namang may mali din ako, dahil hinayaan kong lubusang mahalin sya at hindi man lang ako nag tira para sa sarili ko. Dahil kahit na alam kong wala akong kasiguraduhang susuklian nya ang pag mamahala ko sa kanya ay umasa pa rin akong mamahalin nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Oo na! kasalan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon dahil, dahil sa katotohanang hindi mo magagawang pilitin ang isang taong mahalin ka lalo na't may iba naman pala itong minamahal.
Muli ay nilaklak ko ulet ang halos kalahati pang laman ng alak sa bote.
"Sabihin mo nga sakin Audrey, panget ba ako? Mahirap ba akong mahalin? Nag kulang ba ako sa panunuyo ko sa L.A na yun? Ha? Tell me." hindi nya ako kinibo, hinayaan nya lang akong mag salita at ilabas ang lahat ng sama ng loob. "Siguro nga nagkulang ako sa pagpapakita ng pagmamahal ko sa kanya, siguro dapat eh reypin ko na lang kaya sya para mas lalo kong maiparamdam sa kanya kung gaano ko sya ka mahal. Tama! Dapat ko syang halayin haha! Ano sa tingin mo Auds? " para na akong baliw na bigla na lang tatawa tapos iinom ng alak tapos iiyak ulet. Siguro nga baliw na ako. Nabaliw ako sa labis kong pag mamahal sa L.A na yun. Kung bakit ba naman kasi paasa ang L.A na yun. Kung hindi nya sana ako pinangakuan edi sana hindi nadududrog ang puso ko ngayon.
"Alam mo Odeth lasing ka na kaya kung ano ano na yang pinag sasasabi mo. Mabuti pang umuwi na tayo at nang makapag pahinga ka na. Bukas na lang tayo mag usap kapag nasa matinong pag iisip ka na." Hinila na nya ako palabas ng bar kahit ayaw ko pa.
Ayoko pang umuwi dahil gusto ko pang magpakalasing! Gusto ko pang mag celebrate! Gusto kong mag saya! Gusto kong makalimot! Kaya mag lalasing ako at mag papakasaya! Dahil finally! Finally ay malaya na ako! Malaya na akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin ng walang L.A na inaalala.. Malaya na ako sa pag kakakulong ko sa pag mamahal ko kay Liro.
Pakshet! Ang tanga tanga ko lang at hinayaan kong makulong sa isang bagay na hindi ko naman karapat dapat na maging kulunga ko. Dahil kahit kailan ay hindi naman ako ang nakalaan sa kulungan na yun..
Pero mahal ko kasi sya kaya ako kusang sumuko at nagpakulong ng sarili ko sa kanya.
----------------
Kinabukasan.....
"Hi Claudeth." Nakangiting bati sakin ni??? Sino nga ba sya? O well wag ng pag aksayahan ng oras na alalahanin pa nya. I smiled back at her and say hi too. Wooo! Plastick ka Odeth!
Don't get me wrong. Kahit naman siguro sino ang nasa sitwasyon ko eh gagawin din yun. Sige nga? Asan ang respeto mo sa sarili mo kung iirapan, tatarayan at hindi kikibuin ang taong wala namang ginawa sayo kundi ang batii ka lang? Oh? I forgot sya lang naman ang taong pinili ng taong mahal mo. Kaya wala syang kasalanan sakin para sya ang pag buntungan ng sama ng loob ko. Naumay naman akong isipin yun.
Oh well broken hearted lang naman ako pero wala pa naman ako sa puntong reresback ako at babangasan ko ang mukha ng isang 'to. Ayoko nga ma tsismis sa buong campus at manheadline sa bullitine board ng..
"Maria Claudeth Santiago: Nanapak dahil nabigo sa pag ibig."
Just wow! Perfect yun ah. Pero hindi ako baliw para gawin yun at hayaang pag pyestahan ako ng mga scooper dyan noh!. Kahit naman na BH ako eh may respeto naman ako sa sarili ko. Ano yun? Bigo na nga, miserable pa ang buhay? Naman! Asan ang hustisya dun?! Ayoko namang masira ang reputasyon ko sa eskwelahang ito noh. Para saan pa't naging honor student ako kung magigibg basagulera lang ako.
Di ko na sya pinansin at pumasok na ako ng classroom at naupo sa seat ko. Haaay. Sa daminga naman ng taong makikita at babati sayo ng umagang ito eh yang panget na yan pa ang nakita ko. Sinulyapan ko sya at inirapan ng palihim . Hmmp!
Hindi ko napansin ang pagdating ng oh my so very concern bestfriend ko na si Audrey baby. Naupo sya sa katabing silay ko at saka ako binulungan.
"Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang pinag luluksa na yan ngayon ni Liro your labs mo." Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan. Hmp! Wala talagang ka concern concern ang bruhang 'to.
Pero ano nga ang sabi nya? Kung nakakamatay ang tingin ko eh malamng pinag luluksa na sya ni liro ngayon? Oh well how i wish na capble nga na mangyari yun, baka mag pa-pyesta pa ako pag nagkataon dahil single na ulet si liro at ako na ang papalit sa trono nito bilang lucky girlfriend. How pathetic.
"Wag mo akong demontohin dahil baka hindi ako makapag pigil at magawa ko ngang paslangin ang isang yan sa pamamagitin ng matalim kong tingin. Pabor din naman yun sakin." Sarkastikong tugon ko dito. Naiiling na lang sya sa naging reaction ko.
Buong maghapon akong wala sa mood makinig ng lessons namin. Buti na nga lang at wala kaming activity sa lab ngayon dahil kung nagkataong meron ay baka yun pa ang ika bagsak ko. I always remember what my mom told me about baking. " baking is a passion, karugtong sya ng mood ng isang tao. Kapag masaya ka at good vibes eh masarap ang kalalabasan ng ginagawa mo, pero kapag your not in mood at masama ang loob mo eh wag ka nang mag bake dahil kasing paet ng itsura mo ang kalalabasan ng ginawa mo."
Pero anak ng baking soda naman oo. Masama na nga ang loob ko, kumikirot pa ang puso ko at sabayan pa ng matindinding sakit ng ulo ko dahil sa hang over eh itong si Liro umaarangkada, well nasa labas lang naman sya ng room namin at inaantay ang psg labas ng jowa nya. Wow ha! Wala man lang syang konsiderasyon sa damdamin ko at talagang nagawa pa nyang halikan sa labi ang sa harapan ko ang girlfriend nyang mukhang hipon.. Yung totoo? Nananadya ba sya? Eh kung sipain ko kaya sila papuntang mars ng magkaroon naman sila ng privacy. Kaloka!
Great! Just great!
"Excuse me nga!" Pang iistorbo ko sa kanilang dalawa. "Nakaharang kayo sa daanan." Tiningnan ko ng masama si Liro at saka inirapan.
Napa 'Ohhh' naman ang mga ka klase kong kasabay kong lumabas. Peste sila. Pasabugin ko mga bungo nila eh.
Pero binalewala ko yun. Taas noo akong nag lakad na parang sinasabing.
'Tumabi kayo dyan! Dadaan ang dyosa ng kagandahan.'
at hindi pinansin ang mga tingin ng ibang estudyanteng mapag masid. Oh well mga tsismosa sila.
Naiinis akong padabog na sumalampak sa couch nila Audrey at nilantakan ang ice cream na binigay nya sakin. After school eh dumiresto kami dito sa bahay nya para mag bake ng strawberry gallete para sa presentation namin bukas sa baking.
"Nakita mo yun Auds? Mga lapastangan sila! Talagang.. oh my gosh! Sa mismong harap ko pa talaga sila nag halikan. Urrgh! Kainis!" Frustrated na maktol ko habang pinag bubuntungan ang kawawang ice cream. Siguro nga kung nakakapag salita lang ang ice ream baka minura na ako nito sa pang momolestya ko sa kanya.
"Ikaw naman kasi eh. Binalaan na kita noon dyan kay Liro, pero anong ginawa mo? Umabante ka pa talaga ng todo at hindi man lang nag preno. Oh! Eh ano ka ngayon? Nganag! Nasagasaan yang puso mo pati na ang pride mo." Inismiran ko sya ng bongga.
Oo na nga eh. Di ba inamin ko naman na sa sarili kong kasalanan ko naman dahil hindi ako nag paawat sa pag papakita ng damdamin ko kay Liro. Pero anong magagawa ko? Nag mahala lang naman ako. At umasang mamahalin din ako. Pero pinaasa lang naman pala ako.
Huwaw huh! Ibigti ko na lang kaya ang sarili ko?
"Tama na yang emote at mag bake na tayo!" Binato ako ng trowpillow ni Audrey saka tumayo at nauna ng pumunta sa kitchen para mag bake.. Tumayo na din ako ay sumunod sa kanya.
"I need insperation not destruction."
BINABASA MO ANG
Dear Future Husband
RomansMeet Maria Claudeth Santiago ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang pinaka sanaberong kababata nya na Si Liro Angelo Ong. Para kay Claudeth ay wala na syang ibang mamahalin pa kundi si Liro lamang. Kaya naman ay kahit na palagi syang...