BOOK 1. Hindi kailanman matutumbasan ng salitang "sorry" ang nangyari sa gabing iyon, na kahit ang pagluhod at pagluha ng dugo ay hindi nito mapapawi ang sakit na kaniyang naramdaman. Tyra Nicole Fajardo, isang simpleng babae na nagnanais makamit ang pangarap para sa kaniyang ina na mag-isa na lamang niyang kapiling sa buhay. Paano nga ba mababago ang buhay niya sa oras na makilala niya ang lalaking ninakaw ang lahat sa kaniya? Gayong pangarap, puri at dignidad, ang kaniyang ina, at kahit ang mumunting pag-asa sa puso niya ay naglaho dahil sa isang gabing hindi niya kailanman inaasahan na mangyayari. Mananatili pa rin ba ang dating babaeng mapagpatawad? O tuluyan na nga ba niyang iiwan at ibabaon sa nakaraan, kasama ang masalimuot niyang alaala? Don't copy, plagiarism is a crime. © adeyyyow