"Lumayas ka na ngayon! At wag na wag ka nang babalik pa!" sigaw ni tiyang at marahas akong hinila patayo at tinulak sa labas ng bahay. Tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko habang tinitingnan si tiyang na galit akong tiningnan bago pumasok sa loob ng bahay. Pagbalik niya ay dala-dala niya na lahat ng damit ko at basta-basta na lamang itong itinapon sa harapan ko. "Wag ka nang babalik dito kung hindi mapapatay kita!" aniya bago niya pabagsak na isinarado ang pintuan. Nanlulumong napaupo ako sa lupa. Lumuluhang pinagpupulot ko ang mga damit ko. Tapos na ba ang paghihirap ko? Nakakapagod na kasi e!