fierce series #1 Maraming nagsasabi na kapag panganay ka ay gusto mong laging nasa ayos ang lahat dahil kapag wala ang mga magulang, ang panganay ang nagsisilbing tagapagbantay sa mga kapatid. Ang mga panganay ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga kapatid. Marami ring nagsasabi na dapat laging presentable, malakas, matino, at matalino tignan ang mga panganay dahil sila raw ang magdadala sa pamilya nila. Buong buhay ni Ysabel Dizon ay nakatatak na sa kaniya lahat ng iyon. Panganay siya at kahit ma-pressure, ma-stress, or ma-depress siya ay wala siyang karapatang mag reklamo hangga't wala pa siyang napapatunayan sa pamilya niya. Malakas ang kalaban niya lalo na kung sarili niya iyon. Hindi niya alam kung saan siya maaring humawak or kung may magnanais bang humawak sa kaniya. "Kapag kumapit ba ako sa kanila, is there a chance that they will hold me back?" - Uno.