Nakahiga na ako sa kama ko habang nag i-scroll lang sa facebook. Hindi kasi ako makatulog. Siguro, dahil excited akong ma-meet yung client ko? Ewan ko ba, pinipilit ko naman pero vibrate kasi nang vibrate yung phone ko.
Pano ay kanina pa mention nang mention sa akin yung mga kakilala ko. Pinost na kasi sa University page yung photo shoot namin kanina at mukhang kanina pa nakaabang yung mga tao roon dahil nung pagka-post na pagka-post palang ay marami na agad nag react doon.
Chineck ko nalang kung ano yung pinagkakaguluhan nila sa comment section doon sa picture ko. Natawa naman ako nang makita yung comment ng mga kaibigan ko lalong lalo na yung kay Tres. Talagang napaka-supportive nila lalo na kapag nagpa-pageant ako.
Tres Vincencio
sarap mo teh, pls apakan mo akoDos Alonzo
keep slaying! we are so proud of you, ily uno! 🫶🏻Aqua De Lana
yey, the queen is back! 👑Napatakip naman ako sa bibig ko nang makita ko kung gaano na karami yung nag react, nag comment, at nag share roon sa picture ko.
Kanina lang ay shinare ko yung picture ko at naglagay ako ng caption na "hair and make up by Barbie House." minention ko pa yung acc ni Ms. Barbie para lalong rumami yung maging client niya dahil deserve niya 'yon. Ang galing galing niya kasi!
Luxer Campollo
nag react na ako Ysabel Dizon wag kana mag pm para utusan akoLuxer Campollo
hart back po pls 💞Luxer Campollo
mga bro Maximilian Navarro Amir Pangilinan Juno Constancia pakita niyo naman yung support niyo sa amin dahil kami ni uno mag uuwi ng korona, itaga niyo pa sa mga ulo niyo.Tawang-tawa talaga ako sa comments ni Lux doon sa picture ko. Parang tanga kasi yung lalaking 'yon dahil yung picture ko pa yung pinagtripan, hindi nalang siya mag ingay roon sa picture niya.
Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw yung kamay ko at pinindot yung pangalan ni Juno kaya naman napunta ako sa profile niya sa facebook.
Wow! Naka-public kasi yung account niya at makikita mo rin na marami rin siyang followers sa facebook. Hindi siya mahilig mag shared post dahil ang laman lang ng feed niya roon ay puro pictures niya na post ng page ng basketball. May iilan din siyang post ng sarili niya.
Hindi ko alam na semi social butterfly pala siya. Akala ko ay anti social media siya, hindi kasi halatang pala-post siya. Tsaka ang tahimik niya kaya lagi.
Pinindot ko naman yung IG niya na nakalink doon sa facebook niya kaya naman napunta ako sa IG feed niya. Napanganga naman ako dahil sa nakita. Tangina ang dami niyang post at yung iba pa roon ay topless siya at hindi ko alam na ganito pala kaganda yung katawan niya.
"Grabeng midnight snack 'to, nakakabusog." bulong ko.
jyuno
10 post – 100k followers – 10 following
Nakita ko namang may story siya kaya naman tinignan ko 'yon. Alam kong makikita niyang nag view ako sa story niya pero hayop sa dami niya ba namanh followers mahahalata niya pa kayang nag view ako?
Napakunot yung noo ko nang makita ko yung story niya dahil picture iyon ng photographer na busy sa pagkuha ng picture sa isa sa candidates. Hindi ko kilala kung sino 'yon dahil natatakpan yung mukha niya tsaka yung katawan.
Hindi ko rin alam na nandoon pala siya nung time na 'yon? Hindi naman siya representative like Lux kaya bakit nandoon siya? Unless, may sinisilayan siya ro'n.
May napansin kaman akong sobrang liit na message roon. Hindi ko alam kung sinadya niya bang paliitin 'yon para walang makapansin dahil mapapansin mo lang talaga 'yon kapag tinitigan mo nang mabuti. Pero dahil malinaw yung mata ko ay napansin ko kaagad 'yon.
YOU ARE READING
Hold Me, Uno (Fierce Series #1)
Ficção Adolescentefierce series #1 Maraming nagsasabi na kapag panganay ka ay gusto mong laging nasa ayos ang lahat dahil kapag wala ang mga magulang, ang panganay ang nagsisilbing tagapagbantay sa mga kapatid. Ang mga panganay ang nagsisilbing pangalawang magulang n...