Hindi ako masaydong nakatulog dahil mas nag focus lang ako sa pag aaral kagabi. Gusto ko kasing makakuha ng mas mataas pa. Alam ko rin sa sarili ko na may itataas pa ako. Matalino ako at kaya kong abutin 'yon.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Namamaga yung mata ko na para bang umiyak ako buong gabi hanggang sa makatulog ako kahit yung totoo naman ay kulang lang talaga ako sa tulog.
Sinuklay ko nalang yung mahaba at straight kong buhok. Ayokong itali 'yon para natatakpan niya rin yung mata ko kahit hindi ko naman alam kung sa paanong paraan. Tinatamad narin kasi akong magtali, ayos na 'yan. Maganda parin naman ako kahit anong ayos.
Sumakay na ako sa jeep. Mabuti nalang talaga ay may nakita agad akong jeep at hindi rin ito puno. Kadalasan kasi kapag papasok na ako ay maliban sa punuan ay wala ring gaanong dumadaan dito.
Nilabas ko yung phone ko dahil nag v-vibrate na naman 'yon. Ano na naman bang kaganapan sa gc namin at nag iingay na naman ang mga eababes ko
Messenger
eababes
Aqua:
@Ysabel Dizon girl, wait mo ako sa gate. patulong ako dahil marami itong dala ko, hindi ko expect na gano'n pala karami yung mag o-order sa akin, tyl 🥺🫶🏻
(❤️2)Tres:
bakit kapag kay Aqua totoo ang himala tapos pagdating sa akin, walang himala? survey lang guy's
(😂3)
Ysabel:
masama raw kasi ugali mo
(🤬) (😂2)You replied to Aqua:
gew teh, malapit narin ako sa school w8 kita
(❤️)
Nasa tapat na kami ng University kaya naman bumaba narin ako. Pumuwesto ako sa gilid ng gate para antayin si Aqua. Nagchat narin ako sa gc namin na nandito na ako.May narinig akong tumikhim sa gilid ko kaya naman napatingin ako ro'n at nakita ko si Rajo.
"Buti nalang nakita agad kita rito. Samahan mo akong tignan yung mga booth and players." sabi nito.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Pwede bang mamaya konti? Inaantay ko kasi Aqua, marami siyang dala, eh." sabi ko rito.
Napahinto siya sa sinabi ko bago unti-onting tumango. "Sure. Antayin nalang natin si. . . Aqua."
Tahimik lang ding nag aantay si Rajo dito sa gilid ko. Napatingin ako kay Rajo, pogi naman 'tong isang 'to marami rin siyang admirers pero ni-isang beses ay wala pa akong nakikitang kasama niyang babae maliban sa aming student council.
"May girlfriend kana ba, Rajo?" alam kong ang random ng tanong ko pero gusto ko lang itanong sa kaniya 'yon.
Nakita ko naman kung paano namula yung pisngi niya. Ang cute niya naman para siyang bata.
"W-wala. . . bakit mo naman natanong?"
Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil parang ibang Rajo yung kausap ko ngayon. Yung Rajo kasing kilala ko ay halimaw mag salita pero itong kasama ko ngayon ay halos mautal-utal pa.
Umiling ako. "Wala naman, curious lang ako. Ang pogi mo kasi, eh."
Tumingin nalang ulit ako sa phone ko at nagbabakasakaling mag reply si Aqua pero wala parin talaga. Ano na kayang nangyari sa babaeng 'yon? Sana naman ay maayos niyang nabitbit lahat ng dala niya.
"Uno!" napatingin naman ako sa lalaking tumawag sa akin at nakita kong si Lux pala 'yon.
Kasama niya si Amir, Max, at yung isang lalaking nakabangga sa akin kahapon.
YOU ARE READING
Hold Me, Uno (Fierce Series #1)
Teen Fictionfierce series #1 Maraming nagsasabi na kapag panganay ka ay gusto mong laging nasa ayos ang lahat dahil kapag wala ang mga magulang, ang panganay ang nagsisilbing tagapagbantay sa mga kapatid. Ang mga panganay ang nagsisilbing pangalawang magulang n...