Maraming nagsasabi na kapag panganay ka ay gusto mong laging nasa ayos ang lahat dahil kapag wala ang mga magulang, sila ang nagsisilbing tagapagbantay sa mga kapatid.
Ang mga panganay ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga kapatid. Marami ring nagsasabi na dapat laging presentable, malakas, matino, at matalino tignan ang mga panganay dahil sila raw ang magdadala sa pamilya nila.
Bata palang ako ay nakatatak na sa utak ko na kailangan kong magsipag dahil ako ang panganay. Kaya naman simula kinder ay palagi akong naghahakot ng award dahil gusto kong laging maging proud sa akin sila Mama.
Masayang-masaya kasi si Mama tuwing umaakyat siya sa stage kasama ako. Kitang-kita ko rin na proud na proud siya sa akin kaya hindi ko siya pwedeng biguin. Nasanay narin ako na bata palang ako ay may award na akong pinapakita sa kaniya.
First year college na ako ngayon at ang kinuha kong course ay Bachelor of Secondary Education Major in English. Mas lalo kong sinisipagan ang pag-aaral ko dahil gusto kong magturo sa ibang bansa.
"Sige na, Tres. Tulungan mo nalang akong magdikit nito sa mga bulletin board." sabi ko sa kaibigan ko.
"Sure ka ba? Teh, remind lang kita na college na tayo, ah? Baka nakakalimutan mo lang." sabi naman ni Tres.
Nagpapatulong kasi ako sa kaniya na magdikit ng mga pina-print ko para idikit sa bulletin board.
"Wala naman kasing masama kung ita-try niya. Malay niyo kasi kahit nasa college na pero hindi parin sila seryoso sa pag-aaral?" sabi naman ni Aqua.
"Pinagpala kasi sa katalinuhan 'yang kaibigan natin kaya shine-share niya na." sabi naman ni Dos.
Umiling nalang ako sa kanila at nagpatuloy nalang sa pagdidikit sa bulletin board. Gusto ko lang naman rumaket, dahil ayoko naring umasa kila Mama at Papa. Tsaka kahit hindi nila sabihin sa akin ay alam ko naman na may problema sila financially kaya gumagawa narin ako ng paraan para kumita ako para sa sarili ko dahil ayoko narin dumagdag pa sa gastusin sila since nasa college naman na ako.
Gusto ko na kasing matutong kumita sa sarili kong paraan para hindi narin ako mahirapan sa future. Tsaka panganay ako kaya dapat ay alam ko na yung mga ganito.
Napatingin naman ako sa nakasulat doon sa papel. May magkaka-interest kaya ro'n?
Nahihirapan ka ba sa pag-aaral? Like nahihirapan ka sa pagsagot sa mga activity mo? Nahihirapan kang humabol sa mga lesson niyo? Or hirap kang alalahanin yung mga ni-lesson ng prof niyo dahil hirap kang mag focus? Hala! Baka ako na yung kailangan mo!
Ysabel Dizon, your personal tutor at your service. Open for all grade level.
1,000 per hour. If you are interested pls contact me:
09*********
fb: Ysabel Dizon
ig: unozon
twt: unozonBahagya pa akong natawa dahil kumpleto yung nilagay kong info ng acc ko sa lahat ng socmed. Sana lang talaga ay pera yung lumapit sa akin at hindi lalaki, dahil wala akong panahon makipag-landian sa mga 'yon. Pera ang kailangan ko hindi ang pagmamahal nila.
Tsaka kung gusto talaga nila ako ay mag-antay sila hanggang sa maging successful na ako sa buhay. Ewan ko lang talaga kung makapag-antay sila ng gano'n katagal.
YOU ARE READING
Hold Me, Uno (Fierce Series #1)
Teen Fictionfierce series #1 Maraming nagsasabi na kapag panganay ka ay gusto mong laging nasa ayos ang lahat dahil kapag wala ang mga magulang, ang panganay ang nagsisilbing tagapagbantay sa mga kapatid. Ang mga panganay ang nagsisilbing pangalawang magulang n...