Chapter 5

3 1 0
                                    

Nandito kami sa McDo ngayon dahil nagka-ayaan silang mag date raw kaming apat tsaka para small celebration narin daw dahil may first client na ako.

Nai-kwento ko na kasi sa kanila na may nag message sa akin at sa sabado na kami mag me-meet ni Jana yung first client ko.

"Dapat masaya tayo ngayon dahil may first client na si Uno, pero bakit parang binagsakan kayo ng langit at lupa?" tanong ni Tres habang sumusubo ng fries.

Hindi ko ba alam pero parang wala akong energy ngayon. Simula kasi ng nakausap ko yung lalaking 'yon ay nag-iba yung ihip ng hangin sa akin.

Ngayon kasi ay si Tres lang yung may ganang magsalita nang magsalita. Kanina pa nga siya nag sasalita, eh. Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin.

Tapos maliban sa akin ay tahimik din yung dalawa naming kaibigan at hindi ko alam kung bakit.

"Siguro pagod lang ako? Ang dami ko kasing costumers these days. Hindi naman ako nagre-reklamo. Actually, masaya nga ako dahil may swerteng pumapasok sa akin, sadyang pagod lang ako." sagot naman ni Aqua.

"Girl, uso rin kasing magpahinga. Mamaya niyan ay magkasakit ka pa, paano ka makakabenta kung may sakit ka, 'di ba? Mamaya ay mahawa pa yung mga client mo." sabi ni Tres sa kaniya.

"Alam niyo naman na hindi uso sa akin 'yan. Ayokong magpahinga dahil sayang lang yung oras kung wala akong gagawin." sabi ni Aqua habang umiinom ng coke float niya.

Tumingin si Tres kay Dos kaya naman napatingin din ako sa kaniya. "Eh, ikaw. Ano namang problema mo?"

Parang nagda-dalawang isip pa si Dos kung sasabihin niya ba sa amin yung dinadala niya. Huminga siya ng malalim nang makitang nasa kaniya yung atensyon naming tatlo at alam kong wala na siyang magagawa roon kundi sabihin nalang yung nasa isip niya.

"Actually, binigyan ako ng form for exchange student sa New York." panimula nito.

Nanlaki naman yung mata ko dahil sa narinig. "Omg! Really? Congrats!" nakangiti ko siyang binati.

"Iba talaga ang talino mo teh, pang New York na. Congrats." biro ni Tres dito.

"Congrats, Dos. You deserve it. We're so proud of you." nakangiting bati ni Aqua rito.

Pero kahit binigyan namin siya ng masayang reaksyon ay yung malungkot na reaksyon niya parin talaga ang nanalo.

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Tres sa kaniya.

"Eh, kasi nag da-dalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba or hindi. Sagot naman na ng School yung tickets ko and yung apartment. Bali yung daily expenses nalang yung iisipin ko kung sakaling tatanggapin ko."

"Oh, bakit hindi tanggapin? Magandang opportunity narin 'tong binibigay sa 'yo." sabi ko sa kaniya.

Mas lalong nalungkot yung mukha niya. "Gusto ko. . . gustong-gusto ko siyang tanggapin kaso ang mahal kasi talaga. Ayoko rin namang mangutang pa si Mama at Papa para lang doon. Ayokong mabaon kami sa utang."

Tumango ako sa kaniya at hinawakan ko yung kamay niya. "Bakit kasi ang hirap maging mahirap? Bakit kasi kailangan pa nating magsipag at paghirapan ang lahat. Kaya namang gumawa ni Lord ng mayaman na tao, pero bakit hindi niya tayo sinali ro'n? Ang unfair, ha."

Habang tumatanda ay mas nare-realized kong sobrang hirap mabuhay sa mundong 'to. Parang wala ka kasing choice kundi bitbitin ang problema ng buong mundo. Tsaka nakakapagod dahil kahit anong sipag mo at kayod mo ay parang hindi parin sapat 'yon para umangat sa buhay ang isang tao.

Nandito ako ngayon sa shop nila Ms. Barbie para magpaayos dahil may photo shoot kami ngayon para sa Mr. & Ms. Intrams. Naka white t-shirt and jeans na ako, pero naka rubber parin ako. Hindi ko muna kasi sinuot yung heels ko dahil alam kong sasakit lang yung paa ko.

Hold Me, Uno (Fierce Series #1)Where stories live. Discover now