Chapter 2

2 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko parin naku-kwento kay Aqua yung tungkol sa nag me-message sa akin sa twitter dahil hindi ko naman 'yon sine-seryoso.

Iniwan ko nga ulit na seen 'yon, eh. Kahit naman nag goodluck siya sa akin, pero ang weird niya parin. Pwede niya namang gamitin yung main account niya pero mas pinili niya pang mag message sa akin using dump account.

Natapos na yung vacant namin kaya naman pumunta na kami ni Aqua sa next class namin. Nagbigay sa amin ng surprise quiz yung prof namin buti nalang talaga at nag advance reading kami ni Aqua sa library kanina kaya naman matapang naming sinagutan 'yon.

Pagkakita na pagkakita ko palang sa mga tanong ay napangiti na agad ako dahil lahat 'yon ay alam ko kung ano yung sagot. Nakangiti akong sumagot doon dahil alam kong mape-perfect ko 'yon.

Nang matapos yung class namin ay sabay na kaming lumabas ni Aqua dahil ayon na yung last na klase namin sa araw na ito.

"Marami bang nag order sa 'yo para bukas?" tanong ko sa kaibigan ko.

Pababa na kami ng building namin ngayon. Med'yo marami naring taong nagkalat sa kung saan dahil for sure ay tapos narin ang klase nila kaya naman maingat kaming naglalakad ngayon ni Aqua.

"Med'yo? Hindi ko pa nache-check, siguro mamaya na lang sa bahay." sabi nito habang hawak-hawak yung mga folder niya.

"Akin na nga 'yan. Bakit kasi dinadala mo pa 'to? Hindi rin naman hinahanap 'yan ng prof natin." sabi ko sa kaniya at kinuha yung ibang folder sa kaniya para naman hindi na siya mahirapan sa pagbibitbit.

"Ayokong iwan sa bahay. Alam mo naman kung gaano kagulo sa bahay, mamaya ay gawin pa nilang pamay-pay 'tong folder ko. Edi nawalan ako ng grade." sabi nito sa akin.

"Ako nalang mag uuwi niyan, tutal may sarili naman akong kwarto sa bahay." nakita ko pang parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. "Tsaka hindi 'yan mawawala ro'n, takot lang talaga nila sa akin." sabi ko pa.

"Pero. . ."

"Ano ka ba, Aqua. Parang hindi tayo magkaibigan, ha?" biro ko rito. Tumango nalang siya bilang sagot dahil alam niyang wala na siyang magagawa kapag ako na yung nagsabi. "Nga pala, gusto mo bang tulungan kita sa pag be-bake mamaya? May free time naman ako." bumaling ako sa kaniya.

"Huwag na, kaya ko naman, eh. Tsaka, asikasuhin mo nalang yung pageant na sasalihan mo." sabi nito sa akin.

"Matagal pa naman 'yon."

"Kahit na ba. Kailangan ready ka parin tsaka dapat kabogera ka ro'n, ha?"

Natawa naman ako sinabi niya. Madali lang naman makahanap ng pwedeng rentahan ng gown. Tsaka meron na akong shop na pwedeng pwedeng puntahan dahil suki na nila ako ro'n. Tuwing may pageant kasi ako ay sa kanila lang ako tumatakbo at alam na nila agad kung anong gagawin.

Bff ko na nga si Miss Barbie, eh, yung may-ari nung shop. Super gaganda rin kasi ng design ng mga gown niya tapos nag o-offer pa siya sa akin ng promo. Edi, mas napapa-mura ako tsaka dahil din sa akin ay dumadami lalo yung nagiging costumers nila dahil tuwing nagpo-post ako sa socmed ko ay hinding-hindi ko nakakalimutan na i-tag yung name ng shop nila.

Habang naglalakad kami sa building namin ay may bumangga sa balikat ko kaya naman nahulog yung mga folder na hawak-hawak ko.

"Sakit no'n teh, ah?" sabi ko sa bumangga sa akin.

Hindi ko naman kung sino 'yon dahil yumuko na agad ako para kunin yung mga folder. Buti sana kung sa akin yung folder, pero hindi, eh! Kay Aqua 'yon at organized siya sa lahat ng bagay niya dahil ayaw niya ng may makalat at may mali.

"Sorry." boses iyon ng isang lalaki

"Hala, tol, may nabangga ka?" boses palang ay kilala ko na kung sino yung nagsalita.

Hold Me, Uno (Fierce Series #1)Where stories live. Discover now