IX

5.9K 241 5
                                    

ᜁᜃᜐᜒᜌᜋ᜔ ᜈ ᜃᜊᜈᜆ
Ikasiyam na Kabanata

Hindi ko alam kung bakit labis pa rin ang kaniyang pagngiti kahit na kanina ay napahandusay na siya sa sakit ng aking pag-atake. Tinanong ko siya kung saan ako makakaligo sapagkat nakakapit pa rin ang kaunting amoy na pumalibot sa akin kagabi. Nagpapaalala lang ito sa akin tungkol sa nangyari.

Habang binabaybay namin ang mga kabahayan matapos naming lumabas sa kaniyang tahanan, lahat ng mga mata sa paligid ay sa akin nakatingin. Sanay ako na titigan ng ganito ngunit ang nagdulot ng aking kaba ay yung mga bulungan nila na kapansin-pansin. Ayaw ko sa mga lihim lalo na kapag batid kong tungkol iyon sa akin.

May iba naman na nakita kong nakangiti sa akin na para bang nasisiyahan. Tulad nalang ng isang matanda na nadaanan namin.

"Adang Mata!" bati ni Dakum sa kaniya. Ngayon ay naaalala ko na ang pangalan niyang Dakum.

"Magandang araw," ngiti ni Adang Mata bilang tugon sa kaniya. "Nasasaksihan ko na ang kapalaran ng ating nayon."

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng matanda. Bakit niya iyon nasabi? Dahil ba sa pagkakahuli sa akin ni Dakum na nagpakita  ng kaniyang labis na kapangyarihan? Ang tanging iniisip ko sa sinabi niya ay ang kawalan namin ay siyang nagbigay ng kapalaran sa kanila.

"Hindi ko na maitatanggi ang galing mo sa pagtingin sa hinaharap. Nawa'y magpatuloy pa ang kakayahang inihandog sa inyo ni Amang Gabay," ani Dakum.

Hindi ko na pinili na sumabat sa kanila, baka marahil ay para sa kanila lang ang pagkakaintindihan na iyon. Nilagpasan din namin ang matanda pagkatapos.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa idinala niya ako sa isang malinis na lawa sa gitna ng kagubatan. Pagkapunta namin doon ay tumalikod ako sa kaniya upang hubarin ang aking kasuotan at mabilis na lumusong sa tubig upang hindi niya makita muli ang aking katawan.

"Ano pa bang itatago mo sa'kin, Aparo? Nakita't nahawakan ko na ang kabuuan ng iyong katawan," panunudyo niya sa'kin.

Nagpatuloy ako sa pagtunton sa gitna hanggang sa umabot na sa leeg ko ang tubig. Bahagya akong gininaw dahil sa lamig ng tubig.

Hindi ako humarap sa kaniya.

"Anong asal mayroon ka upang halos ipagsigawan mo ang kabastusan mo? Hindi ka ba nangangamba na may makarinig sa'yo," tanong ko sa kaniya na may bahid ng galit.

"Matibay ako na pinuno, Aparo. Hindi ako mapapabagsak ng kahit anong uri ng panghuhusga dahil lang sa kabastusan ko. Mas ikakatuwa ko pa na gawin ang mga bagay na nais ko."

"Inasahan ko na sasabihin mo 'yan. Tutal, pinagsamantalahan mo nga ako ng walang paalam at pagpapatawad," ani ko sa kaniya.

"Ano bang gusto mo? Tatanungin pa kita kung nais mong bayuhin kita, tapos hihingi nalang ng tawad pagkatapos dahil nasaktan ko yung ilalim mo? Ganoon ba?"

Agad binalot ng matinding pamumula ang aking mukha dahil sa kabulgaranng kaniyang mga sinasabi.

"Maaari bang tumahimik ka nalang?!"

Lumingon ako sa kaniya at pinanlisikan ng mata, at tumalikod muli dahil naiirita ako sa pagmumukha niya. Nakaupo siya sa isang malaking bato sa tabi ng lawa at nakatingin sa akin.

Tumawa siya ng malakas, at aaminin ko na parang kaliti sa aking tainga ang magandang tono ng kaniyang boses, ngunit nabulabog nito ang ilan sa mga ibon na nagsiliparan mula sa mga puno na kanilang pinagtatambayan.

"Nakakaaliw kang panoorin," medyo mahina niya itong sinabi ngunit sapat na para marinig ko.

"Nakakairita kang tingnan," pambabara ko sa kaniya.

Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon