ᜁᜃᜆ᜔ᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ
Ikatlong KabanataSa likod ng kurtina ay nagpakita ang isang matangkad at makisig na lalaki. Kulay tanso ang kaniyang pantay na balat na kumikinang habang tinatamaan ito ng takas na sinag ng araw. Sumisigaw ang kaniyang pagiging brusko malaking pangangatawan at sa makapal na katad niyang bahag na maharlika lang ang tanging nakakapagsuot.
May mga marka siyang puti at ginto sa kaniyang balat, katulad ng mga alagad niya. Marami siyang gintong palamuti sa katawan na matatagpuan sa ulo, balagat at baywang.
Ang lahat ay lumuhod sa kaniyang harapan, ang mga kawal na humuli sa amin at mga alipin na kasalukuyang pabalik-balik na naglalakad dahil abala sa pag-aayos ng mga gamit sa paligid. Agad ding nakisabay kaming mga nabihag.
"Sino naman ang mga taong ito? Bakit niyo sila dinala sa pamamahay ko?"
Malalim ang kaniyang boses habang seryoso ang kaniyang pagtanong sa aming harapan. Walang may isa sa amin ang nagsalita hanggang sa humakbang ang isa sa mga dumakip sa'min upang tumugon.
"Pinuno, nahuli namin sila sa ilog kung saan tinabunan natin ng maraming bato. Nadatnan namin silang nagtatago roon at para bang nagpaplano ng mga hakbang kung paano nila tayo lulusubin."
"Nasa amin ang kanilang mga dalang sibat at kalasag. Sapat na 'tong ebidensya para patunayan na may binabalak silang masama sa atin," sabi naman ng isa pa sa kanila.
Tumango ang kanilang pinuno. Nagtama ang kaniyang paningin sa aking mga mata. Nagtitigan kami sandali, ngunit bago ko inihilis ang aking paningin ay para bang napansin ko ang kaniyang pamimilog ng mata, pagkatapos ay napalitan ito ng pagiging matalim.
Para saan ang mga makahulugang tingin na iyon? Ano naman kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?
Sana hindi niya ako paghinalaan sa tunay kong katauhan.
"Nasaan ang pinuno niyo? Bakit hindi niyo siya isinama rito?"
Bigla akong napahinga ng maluwag. Ibig sabihin ay hindi niya alam kung sino talaga ako. Wala siyang kamalay-malay na isa sa amin ang pinunong nais niyang isama rito.
Naramdaman ko ang kanilang mga mata sa akin. Ang iba naman ay umiwas ang tingin upang hindi ako mahuli at mapaghinalaan. Marahan akong umiling upang ipabatid na huwag nila akong ituro. Ginawa ko ito sa pamamaraan na walang ibang may makakapansin maliban sa mga kasamahan ko.
Seryoso lang ang aking mukha at hindi naglalabas ng kahit anong emosyon ngunit tumingin ako sa kanan at nakita ang isa kong kasamahan na binulungan ng isang kawal. Nakita ko ang panggagalaiti sa kaniya nito, samantalang nanginginig siya sa takot.
Pagkatapos no'n ay dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. Napansin ito ng kawal at napatingin din sa direksyon ko. Marahan itong tumango. Huli na bago ko pinilig ang aking ulo upang hindi niya ako mapansin.
Patay na. Alam na ng panig nila kung sino ako. Masama ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.
Agad na tumabi ang kawal sa trono ng kaniyang pinuno.
"Pinuno, siya raw po ang hinahanap niyong pinuno nila! Mukhang nag-anyong dukhang kawal ang lalaking ito para hindi maitago ang kaniyang pagkakakilanlan bilang maharlika," turo sa akin ng kawal. Lumingon ako sa aking kasamahan na nagturo sa akin. Nakayuko siya at napakagat sa kaniyang labi dahil sa pagkamuhi.
Mahabagin! Anong na ang dapat kong gawin ngayon?!
Mariin na tumitig sa akin ang pinuno nila at sinuri ang aking buong katawan.
"Ikaw ba talaga ang pinuno nila?" tanong niya, at sa aking pagtataka ay medyo huminahon ang kaniyang boses, ngunit malalim pa rin ito.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ay magiting na tumindig.
BINABASA MO ANG
Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (COMPLETED) ✔️
RomanceWARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na...