Liham

2.7K 129 12
                                    

Hi! This is Dan, author of this story.

Natapos din tayo sa wakas.

Thank you nga pala sa mga nagbabasa ng novel ko na kahit kakapost ko palang ng kabanata ay agad na nilang vini-view at vino-vote, pati na sa mga nagcocomment ng mga positive feedback about my story. Thank you! Thank you! Thank you! 😭

Sa totoo lang ay nahihiya talaga akong mag-reply sa comments, hehehe. That's why I will leave this message to send my deepest gratitude for those who complimented my novel and send their opinion regarding it. I love you, all! Hindi ko ito maipagpapatuloy hanggang sa dulo kung wala kayong ipinaparamdam na suporta throughout my journey

Para nga pala sa mga medyo naguluhan...

FAQs

1. Ano yung halimuyak na inilalabas ni Dakum kapag may nangyayaring 'milagro' sa kanila ni Aparo?

- Ang tawag doon ay "pheromones" at kadalasang inilalabas yun ng mga hayop para makapang-akit ng iba (knowing na kalahating lobo si Dakum). Sadly, wala akong nakitang tagalog translation nito. Ayon kay Aparo, pulang rosas ang amoy ng "pheromones" ni Dakum, at ayon naman kay Adamin ay mahilig si Aparo sa halimuyak ng pulang rosas. Bakit coincident? Because they are made for each other. Nakatadhana na maakit si Aparo kay Dakum, gamit ang kaniyang "pheromones" na naaayon sa paborito niyang halimuyak.

2. Bakit sinasabi ni Dakum na si Aparo ang nakatandhana sa kaniya? Dahil ba alam na nila na sila ang main characters?

- No. Kung nagbabasa ka ng mga werewolf stories, meron silang 'mate principle' kung saan ang moon goddess ang magdidikta sa kanila kung sino ang nakatadhana para sa kanila. Mase-sense nila ito through instinct na kadalasang nangyayari sa unang pagkikita. Hindi sila pipili ng taong mamahalin. Kailangan lang nila hanapin yung 'soulmate' nila.

Makakaramdam sila ng matinding pagmamahal sa maiksing panahon. Kahit mamatay pa ang isa sa kanila ay hindi pa rin sila mangangaliwa, sapagkat walang makakapantay ng pagmamahal na nararamdaman nila sa kanilang soulmate.

At isa pa, hindi ko binreak yung fourth wall. Of course, hindi nila alam na main characters sila hehehe.

3. Anong nangyari kay Dilim at bigla siyang naglaho sa kuwento?

-Ewan ko kung may concern pa ba sa kaniya hahaha! I included this question just in case na may malito, since hindi ito gaanong napansin. Ayon sa liham ni Tarim, pinugutan niya ng ulo si Dilim nung mga panahon na hindi siya mahanap sa kanilang nayon. Nangyari iyon pagkatapos mapaslang si Lineya. Nagtago si Dilim sa kakahuyan dahil alam niya na nabigo siya sa kaniyang plano, ngunit nadakip siya ni Tarim sa kaniyang pinagtataguan.

4. Paano mo naisip yung pangalan ni Aparo at Dakum?

-Nung una ko 'tong sinulat, yung Aparo ay dati talagang "Isparo" na kinuha sa "Sparrow" na sa tagalog ay ibong maya. I eventually changed the name kasi medyo awkward pakinggan, kaya binago ko ito ng kaunti at naging "Aparo", which is pretty cool.

Sana nabasa niyo yung part na sinabi ni Dakum na ang pangalan ni Aparo ay parang isang ibon na lumilipad sa himpapawid, dahil nga 'Isparo' ang sinulat ko dito dati, inspired by ibong Maya. Hindi ko na ni-revise yung part na yun kasi feeling ko rin ay parang pangalan din ng ibon yung "Aparo" hahaha. Pero feeling lang naman.

Yung "Dakum", ewan ko ba huhuhu.

5. Minadali mo ba yung ending?

-Nope. It was planned. Habang sinusulat ko yung kalagitnaan ay nagtetake down notes na ko kung paano ito tatapusin. Actually, plano ko talagang umabot lang ito sa 15 chapters pero lumagpas pa ako ng hindi inaasahan.

6. Bakit parang nag-iba yung writing style mo kumpara sa simula?

-Actually, sobra akong mahirapan na ituloy ito. December 14 ang huli kong update sa 'ikapitong kabanata'. Sobrang pormal at wild pa ang pagkakasulat nito sa simula. I guess, January 2-4 bago ko ito tinuloy. Sobra akong nangapa dahil halos hindi ko na matandaan yung mga sinulat ko.

This is the reason why I waited so much to start again. Feeling ko may mga errors akong hindi napansin. That scared me.

But! Ready ako na i-revise ang mga ito. Kaso matagal pa 'yon. I'm very sorry kung meron man kayong natagpuan na mali. I'm going to fix it soon, promise.

...

Siguro hanggang diyan nalang yung mga ilalagay ko. Pero kung may tanong kayo, pwede naman kayong magcomment <3. Try ko sagutin if ever.

Nagkaroon sila ng happy ending afterall. It was a different happily ever after.

I'm looking forward to write more supernatural queer novels in Tagalog. It doesn't matter for me kung kaunti ang nagbabasa since medyo bihira lang ang may interes dito. I'm very thankful to those who stayed till the end.

Hindi pa dito magtatapos ang lahat. Just wait for the book 2 and a side short story to be published near soon.

-Danmax

---

Total Chapters:
25 + Katapusan

Word Count:
51,000 - 52,000 words (synopsis and author's note are not included)

Most impressive ranking:
Rank 3 in #pride out of 1,010 stories.

Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon