L I A
Lahat kami ay naglakad papalapit sa limang lalaki na nakapalibot sa ring. Nanonood naman ako ng mga basketball games sa tv kaso lang feeling ko kase ang hirap pag ako na mismo yung naglaro.
Inexplain ni Eros samin yung mechanics and luckily medyo na-gets naman namin iyong apat.
Sabi nila magpair pair daw muna kami at tuturuan nila kami ng good posture sa pag-shoot ng bola.
"Pair ko si Avi!" nakangiting sambit ni Eros.
"Eww no. Pwede bang si Ethan na lang yung partner ko?" nandidiring tanong ni Elle. Napanguso naman si Eros saka kunwaring nagtatampo kay Elle. Pfft.
"Wag ka na maki-epal. Kay Philia na yang si Ethan. Akin ka na lang" napairap si Elle since wala na rin namang choice.
"So si Freya and Hiro. North and Lauren" turo ni Eros sa dalawang pair. Both of the pairs ay tumango lang at walang nilabas na side comments.
"Luke and Ash. Kayo mag-pair"
"Wait wait! Why do I have to be paired with this guy? Si Hiro na lang pair ko" reklamo nito.
"Don't worry. I am the best player in our school, wala ka bang tiwala sakin?" tanong niya kay Ashley. Natawa lang ako sa dalawa. Kailan kaya sila magkakasundo?
"Sila Freya saka Lauren nga, hindi nagreklamo sa pair nila eh. Tanda tanda mo na dami mo pang reklamo" saway ni Elle sa kanya.
"Because their pairs are good"
"Eh yung akin? Mukha bang matino yung partner ko?" Ashley didn't answer her. Oo nga naman.
"Sabagay. Fine! Just this time. This will be the last time"
Ilang sandali lang ng diskusyon nila ay nag-desisyon na rin kaming mag-simula. Nasa kaliwang part ng open court sila Luke, Ashley, Freya, at Hiro. Habang kami naman ni Lauren, North at Ethan yung nasa kabilang ring. Si Eros at Elle, ewan ko sa dalawang yan pero mukhang tinuturuan siya ni Eros ng mga ball tricks.
Naatingin ako kay Lauren at North na nagtatawanan dahil hindi nashu-shoot ni Lauren yung bola sa ring.
"Uhh sooo.." napatingin ako sa kanya saka dali-dali ring ibinaba ang tingin ko. Ang awkward shemay
"You should teach me some good posture" sabi ko still avoiding looking at him.
"Philia" I saw him walked towards me. And I just wanted to run dahil sobra na yung kabang nararamdaman ko.
"H-huh?" kunwaring tanong ko.
"Are you avoiding me?" tanong niya. Tumikhim ako saka iniangat yung tingin ko sa kanya. Sa mga oras na iyon ay muling nag-flashback sa utak ko yung nangyare kagabi. Nakita pa kami ni Elle kagabi. Nakakahiyaaaa!
"Hindi ah? Bakit naman? Sige na, turuan mo na ako daliii! I want to play" nagpapa-cute kong sabi pretending like nothing happened that night. Tama yan, Philia.
"Sure ka ah?" nginitian ko siya saka ako tumango.
Hindi ko rin alam sa sarili ko eh. Simula nung nangyare yung kagabi, pakiramdam ko nag-iba na yung tingin ko para sa kanya. I know this is wrong but I just can't help myself to like him. Nagsisimula na akong kabahan kapag nakikita ko siya. I just can't explain that feeling in my heart kapag nakikita siya.
Nginitian niya ako, he seems satisfied now at my answer. Naglakad siya papunta sa likod ko at nagulat ako nang dumampi ang kamay niya sa braso ko pababa sa kamay ko because I was holding the ball.
We used to hold each other a lot before pero sa pagkakataong 'to, I felt an unfamiliar sparky feeling when our skins touched. Philia, calm yourself down, baka naman naiinitan ka lang kaya ka ganyan.
"You should bend your knees a little" sinunod ko siya and I kinda feel my knees are shaking. Mukhang nakikita niya sa mukha ko ang pamomroblema sa tuhod ko dahil muli niya akong tinanong.
"Philia, are you alright?" tanong niya.
"A-ahh, yes. Okay lang. M-my knees are just s-shaking" nauutal na tugon ko sa kanya. Nagulat ako nang bumalik siya sa tapat ko saka lumuhod at hinilot ang tuhod ko.
How can I even avoid this man?
"Are you okay now?" tanong niya. I smiled automatically and nodded.
"Thank you, Ethan" nakangiting sambit ko.
"Welcome beb" Even our endearment sounded different in me. What's wrong with you Philia?!
Bumalik siya sa likod ko para alalayan ako. Guiding my hands again.
"Don't just throw the ball. This needs timing. Once you heard the whistle of the referee, pwede mo na yun ibato" I nodded trying to stay focused on shooting the ball.
Sobra akong nadidistract dahil pakiramdam ko ay ang lapit lapit niya sakin. His chin were into my shoulders at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Geez! No!
"You can count 1 to 3 saka mo i-shoot. Just adjust your hands up" tumango ako sa kanya.
"You can try it" First try is failed. Medyo kapos yung pagkabato ko sa bola. Kinuha niya muli yung bola saka ibinigy ulit sa akin.
My second attemp is also failed. Nilakasan ko na yung bato pero tumama lang iyon sa ring.
"It's okay, Lia. Try harder. Makukuha mo rin yan" Napangiti ako. This is one trait I like about him also. He never lets me down, palagi niyang pinaparamdam that I can do everything.
Huminga ako ng malalim saka muling bumwelo for my third attempt.
Thankfully, my third attempt, the ball finally went straight to the ring. Sobrang saya pala nito. Lalo na kapag nagawa mong i-shoot. Next time, aayain ko sila Elle nito.
Napatalon ako saka unknowingly hugged Ethan. Sobrang saya talagaaaa! Third attempt pa lang ay nagawa ko na agad. And it is because of his help.
"Thank you" tanging nasabi ko.
"YIEEEEEEEEEEE! SANAOL NIYAYAKAP!" rinig kong kantyaw nila Luke sa amin kaya agad rin akong bumitaw sa kanya.
"You also helped me to learn basketball. Kaya thank you din" he said smiling and showing off his cute dimple.
Cute..
TO BE CONTINUED..

BINABASA MO ANG
❛Philia❜ ┇ C.JS x C.SB✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❛Philia❜ (/ˈfɪliə/) ➤ Philia love accounts for the type of love that you feel for parents, siblings, family members, and close friends. ❬sʏᴘɴᴏsɪs❭ ➳ Wherein Ethan Choi thought that his bestfriend loves him as his bestfrien...