❴ sixty-three ❵

208 18 16
                                    

THIRD PERSON'S

"Ethan hijo, naparito ka?" nakangiting tanong ng mama ni Lia sa binata.

"Hello po Tita! Susunduin ko lang po si Philia" nakangiting tugon nito. Well, alam niyo na kung bakit wagas makangiti yung mommy ni Lia. Supportive mommy in da hauz

"Ay, may lakad ba kayo? Halika, pasok ka muna. Hintayin mo si Philia sa sala" sabi nito kay Ethan saka pinagbuksan ito ng pinto.

"Meron po. Sasamahan ko po magpagupit" bahagyang natawa ang mama ni Lia.

"Mabuti naman at nag-desisyon nang magpagupit yun. Mukha na siyang bruha sa buhok niya" they both laughed.

"Kahit naman po bruha siya, maganda parin" pagbibiro nito. Makahulugan siyang tinignan ng babae saka tumawa.

"Kaya inaanak kita eh"

"Ahh tita. Nga po pala, sabi po ni Mommy if gusto niyo daw po sumama ni Philia. Outing daw po. Miss na daw po kayo ni Mommy" natatawang sabi nito.

"Omg! Talaga iyong babaitang iyon. Sure! Kailan ba?"

"After daw po ng school year. Baka summer po"

"Ay aba sige. Sasabihan ko na lang si Philia. Ah eh, teka. Ang bagal talaga ng babaeng iyon. Sandali lang ha" nakangiti itong tumango baka mamataan ang mama ni Lia na patakbo na paakyat sa kwarto nito.

Samantala..

"Liaaaa! Aba ikaw na babae ka, dalian mo na at hinihintay ka na ni Ethan sa babaaaa!" sabi nito habang kinakatok ang banyo.

"Hala! Andyan siya? Sabi ko i-chat ako eh!" dali daling nagbanlaw si Lia saka nagbalot ng towel sa katawan bago lumabas at mag-bihis.

"Anak, magpaganda ka ha! Para mas lalo kang magustuhan ni Ethan yieeee" napatawa ito sa reaksyon ng mama niya. Kahit kailan talaga ay napaka-supportive ng mommy niya sa kanya.

"Ma! Wag ka ngang maingay dyan. Baka marinig ka ni Ethan. Nakakahiya!" saway nito sa kanyang mommy.

"Okay okay. Bababa na ako. Dalian mo na dyan. Philia, ayusin mo sarili mo ha!" napailing na lamang ito saka ngumiti.

Since ayaw niya naman paghintayin si Ethan sa baba. Dali dali itong nag-bihis at naglagay ng light make-up bago bumaba.

"Ikaw talaga! Sabi ko mag-chat ka eh!" sabi nito habang pababa nang makita niya si Ethan na tahimik na nakaupo sa sala.

"Sorry na" tanging nasabi nito saka tumawa.

"Alis na tayo?" tanong sa kanya ni Ethan. She nodded at him.

"Tita, alis na po kami. Wag po kayong mag-aalala, iingatan ko po si Philia" lihim na nakaramdam ng kilig ang mommy ni Lia saka ngumiti kay Lia.

"Nako, dapat lang. Mag-ingat kayong dalawa ha!" nakangiti nitong sambit.

"Haaaays. Naalala ko bigla yung kabataan ko" nakangiting sambit niya sa sarili saka tinuloy ang paghihiwa.

"Ang corny mo talaga. Kainis ka" sabi nito habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng bus papuntang mall.

❛Philia❜ ┇ C.JS x C.SB✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon