❴ twenty-three ❵

234 17 26
                                    

L I A

I was walking dahil balak ko na sanang umuwi ngayon when I saw Luke in front of the locker room. Tumakbo ako agad papunta sa kanya saka tinawag siya.

"Luke!" napadpad ang tingin niya sa akin saka kinawayan ako with his biggest smile.

"Hi Lia! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"Ahh, napadaan lang ako. Saka gusto ko sana itanong kung nakita mo ba si Ethan?" tanong ko.

"Ahh si Ethan. Nagpa-iwan sa court. Kausap pa kase siya ni coach" napatango naman ako saka nagpaalam na pupuntahan ko muna siya.

Naglakad ako patungo sa court at nakita kong seryoso siyang nagpapractice mag-isa. Masyado niyang pinapagod ang sarili niya. Tahimik akong naglakad papunta sa canteen para bilhan siya ng makakain at energy drink. Gusto ko din siyang samahan sa pagpa-practice.

After nun ay bumalik ako sa court para puntahan siya. Tinignan ko lang siya at napawi ang ngiti ko dahil mukhang pagod na pagod na siya. Naawa naman ako saka pumunta sa harap niya.

Muntik na akong matamaan ng bola pero buti na lang ay agad ko rin itong nasalo. I saw his eyes widened nang makita niya ako.

"L-lia" I immediately smiled at him.

"Should we eat first?" yaya ko sa kanya. Hindi niya ako inimikan pero ramdam kong sumunod siya sakin papunta sa bleachers.

"I told you not to go here right?" seryosong sabi niya. There's a art of me na bahagyang natakot sa tono ng pananalita niya. He was so serious.

"Ethan.." magsasalita na sana ako  pero nakayuko lang siya.

"Ethan naman"

"I wanted to play so bad, Philia. I am trying hard to learn this freaking game pero hindi parin sapat lahat. Napapagod na ako, nahihirapan na rin ako sa totoo lang" napatigil ako saglit dahil sa sinabi niya.

"Sabi ni Coach I wasn't still that good pero I am really trying. Gusto ko lang naman makapag-laro for our school" pakiramdam ko ay nasaktan din ako para sa kanya.

Ethan is very playful and cheerful person. Hindi ako sanay ng ganito siya.

"Are you tired?" Mahinang tanong ko. This time I heard him sobbing. This really softened my heart. He was so fragile.

"Yes. I am" sagot niya sakin.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka hinila siya papalapit sa akin.

"Ethan, remember when told me that you wanted to learn basketball since Grade 3? And you wanted to be a famous player? Yung tipong mala-NBA na yung sasalihan mo pfft. Remember that?" I felt that he nodded his head. He was still sobbing habang ako ay tinatapik lang ang likod niya.

He still smells good kahit pawisan

Argh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. This isn't the right time para sa ganyang bagay, Lia.

"I know you are already tired, Ethan. But this doesn't mean na dapat kang sumuko. I know you can do better. I believe in you. I am your number 1 supporter. Well, number 4 pala kase your parents is number 1 and 2 while your brother is your 3" narinig ko namang humagikhik siya.

"I will always support you, Ethan. Don't lose hope. Magpapaturo pa kaya akong mag-basketball sayo" I said cheering him up.

"You really mean it right?" tanong niya. I smiled and nodded at him.

"You can teach me kapag malakas ka na. We'll play" sabi ko habang tinatapik ang balikat niya. Bumitaw siya sa yakap and it feels really good that he was now smiling.

"I love you, Ethan. Just keep on going. I will always be here for you" I don't know why it feels different nung sinabi ko yung unang sentence. Hindi naman ako ganito dati eh.

"I love you too. Thank you, Lia" Ngayon ko lang napansin, he was really handsome lalo kaag malapit.

"Mukhang pagod ka na. Mabuti pa, kumain ka muna" sabi ko saka ibinigay yung sandwich saka energy drink na binili ko para sa kanya.

"Yaaay! Thank you for this Lia. Nag-abala ka pa" mukha siyang bata nung tinanggap niya yung pagkaing binili ko. Cute

"Syempre! Number 4 supporter mo nga ako diba? Kaya talagang mag-aabala ako para sayo" He smiled at me saka kumagat sa sandwich.

"Kaya pala ayaw mo akong papuntahin eh. Maiintindihan ko naman, Ethan" sabi ko sa kanya.

"Yah, diba sabi mo manlalaki ka? Kaya di rin kita pinayagan" sabi niya while munching his food.

"Oo na hindi na nga tss. Isa pa, don't talk if your mouth is full. Pasaway ka talaga" sabi ko saka naglabas ng tissue at pinunasan yung gilid ng labi niyang may mayonnaise.

Bahagya akong nailang sa tingin niya nung pinunasan ko yung labi niya for some uncertain reason. Ewan ko ba.

"You stare too much. Lika na nga. Bukas ka na mag-practice. Alam kong pagod ka na" Sabi ko saka isinukbit ang bag ko sa balikat ko at naunang naglakad papalayo.

"Philia, wait for me!" rinig kong sigaw niya. Napangiti lang ako ng patago saka hindi siya pinakinggan.

TO BE CONTINUED..

❛Philia❜ ┇ C.JS x C.SB✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon