L I A
Ang galing naman. Ang galing galing.
He just confessed to me last Sunday tapos ngayon may bago na siya. Tangina lang friend.
Napabuntong hininga na lamang ako saka nagdesisyon buksan ang binata ng kwarto ko para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.
Pakiramdam ko sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga nangyayari. Sinunod ko naman yung option ni Akihiro eh, para di masira yung friendship namin. Eh kahit naman pala ata sabihin kong gusto ko siya, wala din eh.
Pinauwi ko na rin sila Luke since panay ang alis niya. Edi dun siya tangina niya.
May pasabi-sabi pa siya na wag maa-awkward tapos siya naman pala yung lalayo. Malamang Lia, anong aasahan mo? Magagaya kayo sa dati after niya lantarang sabihin na gusto ka niya? Ay jusme.
Pero at the same time, paano kaya kung sinabi ko rin sa kanyang gusto ko siya? Hahantong kaya sa ganito ang lahat?
Minsan naiisip ko kung bakit ko ba nagustuhan din yung lalaking yun? And to answer my own question, he's sweet. As in sweet siya sa mga girls na close niya. Like his mom. Sobrang cute niya kapag nakikipag-usap siya sa mama niya.
Honestly speaking, he had been my crush since middle school. Eh dahil nga sa lagi kaming magkaaway nung time na yun, maybe.. Maybe natago ko sa puso ko yung feelings na yun. Pero ew lang Lia ha! Ang corny naman ng mga pinagsasabi ko.
Pero ayun, ayun ang totoo eh. Sino ba naman kasing matinong nilalang ang di magkakagusto sa taong yun. Eh sa sobrang sweet nun, pwede ko na siyang gawing candy at ipamigay sa daan.
Hindi niya nakakalimutang i-chat at kamustahin ako bago pumasok. Alam kong wala dapat na malisya yun pero takte, bakit ganun?
Pakiramdam ko kase mali yun noon, any opposite gender na mag-bestfriend, they are not allowed to fall in love with each other. Yun ang pananaw ko sa sarili ko but as time passed by, kahit ano atang pigil ko sa lecheng feelings na 'to mas lalo lang lumalala eh. Parang Diarrhea lang pfft.
Kahit anong pigil mo na huwag siyang lumabas, darating at darating yung point na sobrang sasakit yung tiyan mo at hindi mo na matiis.
Pfft, kung ano ano ng kadugyutang naiisip ko jusme.
Napaupo na lang ako sa study table ko na nasa tapat rin ng bintana. I could see the lights in his room. Buti naman at nakauwi na siya.
I opened the drawer of my study table saka kinuha ang isang box ng chocolate. Well, hindi talaga chocolates ang laman nito. It was his letters for me. Ito yung regalo niya nung 7th birthday ko. Sabi niya, nahihiya daw kase siyang mang-hingi sa mama niya and wala din siyang pangbili ng laruan para sa akin.
Yung sulat niya pa dito, hindi pantay-pantay pfft. Tapos naka-capitalize yung mga letters kahit dapat small letters yun. Jejemon lang? Hahahahahaha.
I just miss the old days. I miss him
Bakit kase kailangan na dumating sa puntong ganito? Nalilito ako. Should I really go to him at sabihing gusto ko rin siya, or should I just remain silent para hindi masira ang pagkakaibigan namin.
Napatingin ako sa papel na hawak ko at nakitang may patak ng luha iyon. Ang O.A mo talaga, Lia!
"Anak?" kaagad kong pinahiran ang mata ko saka dali-daling niligpit yung regalo ni Ethan at ibinalik sa loob ng drawer.
"Anak, are you okay? Are you crying?" tanong ni Mama sa akin. Pilit akong ngumiti bago humarap sa kanya.
"Oo naman po. May naalala lang" nakangiting sambit ko. I saw my mom sighed. Nahahalata niya kaya?
"I am your mom, Philia. You know, you can tell me everything that keeps bothering you" napababa ang tingin ko and still doubting if I really should open this thing up.
"Philia, don't be scared" muling umangat ang tingin ko kay Mommy as I hugged her. I miss her hugs so much. Andami na palang nangyare.
"Mom, I rejected him" panimula ko.
"Who?"
"Si Ethan po. He confessed to me that he likes me" nakita ko namang natawa siya. Teka, hindi ba siya magagalit?
"Aren't you mad?"
"Why would I?"
"K-kase po hindi muna dapat ako nag-iisip tungkol sa ganitong bagay" she just smiled saka hinimas ang buhok ko.
"Ethan's not a bad guy tho. I like him for you, Philia. Isa pa, matagal na rin kayong magkasama. I like him for you not because her mom was my bestfriend. But I can truly see how he adores and likes you so much" I am so speechless right now. Nakakasisi.
"Isa pa, may tiwala ako sa inyong dalawa na hindi kayo gagaya sa ibang kabataan ngayon. I can see that Ethan's not that type of guy. Humble siya, saka maalaga especially to his family. Bonus na lang siguro na gwapo siya" Bahagya akong natawa sa sinabi ni Mommy. Yes, tama.
"When I was at your age, ganyang ganyan din ang nararamdaman ko. Your father and me used to be bestfriends too when we are in highschool. Ang pinagkaiba lang, masyado kong pinairal ang takot ko noon kaya we seperated ways nung nag-college kami"
"Buti na lang talaga, pumayag siyang pumasok sa pinagtatrabahuhan namin ng mama ni Ethan so we saw each other again. Hanggang ngayon di ko parin maiwasang manghinayang sa mga oras na nawala. Kaya anak, gusto ko ngayon na pakinggan mo ang puso mo. You can still be friend and stil do the things you used to do"
"Pero mommy, paano kung one day, mawala na lang lahat bigla. Let's say we broke up, paano na lang yung friendship namin?" tanong ko.
"Anak, stop being so negative. When you love, hindi pwedeng hindi ka masaktan. When people are destined for each other, kahit sino pa ang humarang sa inyo, no one wil ever break your relationship. If people are meant to stay, they'll stay. Wag ka manghihinayang" The same thing Avielle said to me.
Should I really try this time?
Should I really tell him that I love him too?
TO BE CONTINUED..

BINABASA MO ANG
❛Philia❜ ┇ C.JS x C.SB✔️
Fanfic[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❛Philia❜ (/ˈfɪliə/) ➤ Philia love accounts for the type of love that you feel for parents, siblings, family members, and close friends. ❬sʏᴘɴᴏsɪs❭ ➳ Wherein Ethan Choi thought that his bestfriend loves him as his bestfrien...