15

4.6K 182 5
                                    

Pagkababa ko ng Taxi bumungad agad sa harapan ko si Denisse at bigla akong niyakap ng mahigpit saka paulit ulit na nagpapasalamat dahil pumasok daw ako ngayon, well papasok naman talaga ako dahil baka tanggalin na ako ni Boss sa Humania Company, kailangan ko pang mag ipon ng pera unti nalang din ay makakabili na ako ng malaking lupa para magtirikan ng bahay na ipapagawa ko para sa amin nila nanay at tatay at i-e-explain ko pa kay Boss ang tungkol kahapon, dahan dahan kong nilayo si Denisse sa pagkakayakap sa akin dahil pinagtitinginan na kami ng mga co-workers namin baka kung ano pa ang isipin sa aming dalawa

Ayokong pinag chichismisan ako dahil nakakailang iyon

"Bakit ka ba nagpapasalamat Denisse?" I asked

Sabay kaming pumasok sa loob at dumiretso sa kakabukas palang na elevator, hinayaan ko siyang pindutin ang paglalabasan namin, sumandal ako sa gilid at tinignan siyang nakangiti ng malapad at nakahawak pa sa dibdib

"Kahapon ng umaga kasi nung wala ka ok naman si Boss inuustusan niya ako na ipagtimpla siya ng kape but hours passed pinabalik niya ako sa opisina niya nanlilisik ang mga mata at hawak ang cellphone niya na halos masira na at mag crack dahil sa higpit ng pagkakahawak nito, tsaka nagulat nalang ako ng bigla niyang ibinigay sa akin lahat ng mga folders i re-type ko daw lahat ng iyon kaya hating gabi na ako nakauwi......nakakapagod pala ang trabaho mo Leon, kaya please wag ka ng a-absent sa susunod ayoko ng mapag utusan muli ni Boss lalo na kapag galit siya" ngumuso ito saka tinapik ang aking balikat

So...ibig sabihin ng time na iyon nag te-text siya sa akin at tinatanong kung saan ako o kaya ay kung magkasama na kami ni Britzel? Hayyss Leon umuurong nanaman ang mga binti ko gather yourself up, just explain and leave

Bumukas ang elevator at lumabas na si Denisse kaya naiwan akong mag isa, i tap my fingers at my bag and stare at the ceiling.....sana naman good mood si Boss ngayon dahil kahit na hindi ko pa siya nakikitang nagagalit ay natatakot na ako, sabi kasi ni nanay kung sino daw ang mabait at masayahin iyon daw ang taong kapag galit bumabaliktad lahat ng kabaitan, ganun din daw ang tahimik....

The elevator door open kaya lumabas na din ako tsaka nilagay ang bag sa table ko at pumumta agad ng pantry para ipagtimpla ng kape si Boss na laging maaga napunta dito sa Humania Company, matapos kong mag timpla ay naglakad na ako papalapit sa harapan ng kaniyang pintuan pipihitin ko na sana ang doorknob ng magdalawang isip ako, nanginginig ang tuhod ko at parang gustong umatras nawala lahat ng lakas loob ko kanina at napalitan ng kaba at takot

Muli ko sanang hahawakan ang doorknob ng umatras na ako at saka pinilig ang aking ulo, Relax Leon.....bumuga ako ng hangin saka binuksan ang pintuan i saw him sitting to his swivel chair at pinaiikot niya iyon ng marahan habang nilalaro ng dalawa niyang kamay ang ballpen he look's so cool doing that posture para lang siyang nag mo-model ngayon

"Akala ko ay magtatagal ka pa sa harapan ng pintuan ko Leon" nakangiti ito ngunit halatang sarcastic ang tono ng boses niya

"Magansang umaga Boss" yukong lumapit ako sa table niya at nilapag ang kape sa harapan niya saka lumayo muli at bumalik sa pwesto

"Walang good sa umaga ko Leon, alam mo naman kung bakit....sit first and tell me some stories about your date with that girl" lihim akong ngumiwi saka umupo sa upuang nasa harapan ng kaniyang lamesa

Hindi kami mag date ni Britzel dahil nang nakarating kami sa bayan tinawag siya ng mga sosyalin niyang kaibigan wala pa sanang balak iwan ako ng sabihin kong pupunta ako sa karnehan at isdaan kaya wala ng siyang choice kundi sumama na sa mga kaibigan niya, she's born with a golden spoon on her mouth at mukhang pipiliin pa nun mamatay kaysa pumuntang wet market

"Your thinking about her right now....it's obvious" sabi nito sa akin

"Hindi po B...Boss" nilaro ko ang mga daliri ko dahil kinakabahan ako at pinagpapawisan kahit wala pa naman siyang ginagawa sa akin ngayon "H..hindi na po mauulit Boss"


"Hindi na talaga, dahil hindi na ako papayag pa Leon....look at me and stop playing with your fingers learn how to focus when im talking to you....don't make me lose my patience right now baby im telling you....." nag angat agad ako ng tingin at nilabanan ang kaniyang mga titig sa akin



Bakit niya nagagawang kumalma ehh halata naman na gusto niyang magalit?


"Explain" he said and crossed and arms


"W...Walang kami ni Britzel---"



"Britzel is her name" tatango tangong pagputol nito sa sasabihin ko "continue"


"M...Manliligaw ko po siya---" gusto kong sumimangot ng putulin nanaman niya ang sasabihin ko


"Tsk....what a shameless person"


.....and i tell him about Britzel at sa ginawa namin kahapon, binaba nito ang hawak hawak paring ballpen saka tinukod ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa at pinatong ang pisngi sa isa niyang palad


"Anong gagawin ko para layuan ka ng mga tao? Hmmm Leon? Sawa na akong makita silang hinahangaan ka....."


"Hindi naman po Boss, K...Kaibigan ko lang po sila" tukoy ko kay Denisse at Britzel


"Kung kay Ms.Denisse kampante pa ako dahil nababantayan ko ang kilos niya but that Britzel girl? Nah--wala akong planong ipamigay ka sabihin mo sa kaniya na sa akin ka kung ayaw mo ako ang magsasabi give me her number i call her right now--" umiling agad ako kaya napatigil siya


"M....Magsasawa din si Britzel sa akin Boss" tinaasan ako nito ng kilay


"Kailan pa? Bukas? Sa susunod na bukas? Ilang bukas pa bago siya magsawa sayo?" Napakamot ako sa aking batok at nag iwas ng tingin


"Tsk...." napahilamos ito sa mukha gamit ang palad kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng madako ang tingin ko sa labi niyang namamasa ngayon "just text me or call me of she comtinue nagging you"


"Y....Yes Boss!!" Mabilis kong sabi


Tumayo na ako at nagpaalam ng makita siyang tatayo baka lapitan nanaman niya ako at halikan, nakalimutan kong naiilang pa pala ako sa kaniya at nahihiya, hayyss Leon wala ka ng kawala pa dahil Secretary ka niya at talagang lagi kayong mag kakausap at magkikita kaya wala ka ng magagawa pa doon


(3:19 AM wala pang tulog and it's christmas na talaga im so happy kahit na kami kami lang ang nag ce-celebrate, it's so fun to open some gifts and watch movie in the middle of the night with family, sana sa susunod na pasko ayos na......sana hindi magkatotoo ang zombie apocolypse kung magkatotoo man ready na ang gang ko at talagang gagayahin namin ang mga bida sa walking dead hahaha, but honestly i hate zombies sana walang zombies na magkalat kawawa ang mga bata tsaka maliit pa kapatid ko, trust god tayo....)

Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon