18

4.4K 154 2
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magsimulang manligaw sa akin si Ariyo, nakasanayan ko nang kausapin siya sa normal na paraan i mean hindi na ako nauutal at naiilang plus sinasanay niya ako sa presensiya niya lalo na at lagi kaming lumalabas kahit na oras pa din ng trabaho namin he always takes me on a date o kaya parehong kaming tumatambay sa bahay at doon na siya nagpapalipas ng oras, mas feel at home pa siya sa bahay kaysa kay Kino na mukhang nagtatampo na sa akin dahil hindi kami nagtatagal mag usap dahil kay Ariyo na naiinis kapag nakikita kaming dalawa mag kasama

Sinabi ko din kay Ariyo na limitahan niya ang galaw niya pag magkasama kami lalo na kapag nasa Humania company kami baka pagchismisan kami ng mga kapwa katrabaho ko at maliitin si Ariyo....you know mga homophobic sila? Baka lang ayaw nila sa mga ganitong circle of love, but hey it's already 2020 kailangan na nilang tanggapin ang third sex

Pinunasan ko ang pawis ko matapos akong magwalis sa bakuran namin, lumapit ako sa isang maliit na lamesa na gawa sa kahoy at kinuha ang nakapatong doon na baso na may lamang malamig na tubig at isahan iyong nilagok

"Si Leon...."
"Ngayon ko nanaman siya nakita"
"Hindi niya kasama si Kino?"
"Hi Leon"

Dumaan sa harapan ng aming bakuran ang tatlong babaeng taga dito lang din sa lugar namin, ngumiti ako ng tipid sa kanila

"Ang init ng panahon pero nagwawalis ka? Sayang yung balat mo Leon" sabi ng isang babae

"Oo nga, gusto mo tulungan ka na namin?" Segunda ng isa

"Ahh hindi na kaya ko naman" ngumiti sila ng malawak saka ako kinawayan bago umalis sa harapan ng bakuran namin

Maya maya ay sumulpot si Kino sa harapan ko kaya agad akong napaatras, narinig ko naman ang malakas na pagbagsak ng itak sa kahoy kaya napalingon ako kay Ariyo na nangangalati na sa galit hindi niya ako magawang lapitan dahil mukhang ginawa siyang apprentice ni tatay sa pagbibitak ng kahoy

Sinamaan niya ng tingin si Kino, kaya i tell him to stop doing it at mag focus sa ginagawa baka maitak niya ang kamay niya.

"Pumunta ako dito para hindi agawin si Leon" sabi niya kay Ariyo

"Tsk, i don't trust you" kita ko ang pag nguso nito kaya natawa ako ng mahina "Leon sabihin mo lang sa akin kapag may sinabi siya sayong hindi mo gusto"

"Hindi ka matatapos diyan Ariyo kung papangunahan ka ng selos" sabi ni tatay kaya labag sa kaloobang nagsibak muli ng kahoy si Ariyo

"Bakit ka nga pala nandito Kino?" Tanong ko at sumilong kami sa ilalim ng puno

"Mamaya na yung birthday ni Britzel dude pupunta ako, pumunta ka ahh?" Binangga nito ang braso ko gamit ang siko niya nakarinig muli kami ng pagdadabog ni Ariyo "nakakainis bakit kasi lagi na kayong magkasama ehh nanliligaw palang naman siya"

"Pabayaan mo na nga Kino" suway ko dito

"Tsk nakakainis lang, tsaka wag mo na sa kaniya ipaalam na aalis tayo mamaya baka hindi ka nanaman niya payagan, ikaw ang nagmamay ari ng buhay mo you can do whatever you wan't to do Leon ang pangit na parang sa pagtagal ng panahon humihigpit siya sayo" napatigil naman ako sa sinabi niya

"Sinasabi ko lang naman kasi ngayon palang hawak ka na niya ehh, paano pa kaya kapag naging kayo na? Baka sakal sakal na niya ang leeg mo" dagdag pa nito

"Im sure he won't do that oo seloso siya at mapag angkin pero i think he can't do that, kung ganun man ang gawin niya ay hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan siya" sagot ko

"Sabi mo hinahangaan mo lang siya diba?" Tumango ako kay Kino "magkaiba ang hinahangaan sa pagmamahal, baka nalilito ka lang"

"Ano ba ang nakain mo at kung ano ano ang sinasabi mo ngayon Kino?" Natatawa akong napailing

Tumahimik ang pagitan namin dalawa, hanggang ako nalang din ang pumutol ng katahimikan

"Hindi ko naman siya hahayaang manligaw kung h....hindi ko siya g.....gusto" namumula akong napakamot sa aking batok "i....i want this t...too, Kino"

Bumuga ito ng hangin saka tumalikod akala ko ay aalis na siya ngunit muli siyang nagsalita

"Nag aalala lang naman ako sayo dude, matagal na tayong magkakilala at ni kahit isang beses hindi pa kita nakitang umiyak o kaya ay malungkot at hindi ko kaya kapag makita kang ganun" naglakad na siya papaalis kaya nilagay ko na sa gilid ang walis tingting saka pumasok sa loob ng bahay

Nag aalala pala ang Kino na iyon? Nakakatuwa nanaman halatang seryoso siya sa sinabi niya totoo naman kasi ang sinabi niyang hindi pa niya ako nakikitang umiiyak hindi dahil hindi naman talaga ako umiiyak at nalulungkot, kasi kapag umiiyak man ako patago hindi ko pinakikita dahil nag aalala sila--lalo na si nanay at kapag malungkot naman ako hindi din naman nakikita ni Kino dahil hindi ko pinakikita sa kaniya at kala nanay ko iyon pinakikita


"Baby!!" Sigaw na tawag sa akin ni Ariyo kaya mabilis akong lumabas

Hindi agad ako makapag react ng makitang wala nanaman itong pang itaas na damit, the shining shimmering abs....his wet hair, the muscles, he's perfect

"Baka matunaw naman ako niyan Leon" mapang akit nitong sabi

"Bakit mo ako tinawag?" Ang mapang akit na mukha nito ay napalitan ng pag nguso

"Im so tired and tour tatay didn't want me to stop baby, what should i do? I really want to hug you right now and rest myself on your arms" napangiti naman ako

"Tumigil ka na nga sa pagsisibak, hinanda ko na ang damit mo na pang palit maligo ka na" nilapag na nito ang itak sa gilid saka ako nilapitan

"Ano pala ang pinag usapan niyo ng lalaking kaibigan mo? Bakit kailangan pa niyang banggain ang siko mo?"

"Nag aalala lang siya na baka umiyak ako dahil sayo" sagot ko

"Wag na siyang mag alala pa dahil hindi naman kita paiiyakin, i love you Leon....at itatak mo iyan sa utak mo"

Tumango ako at ngumiti

"Tatandaan ko iyan Ariyo, dahil lagot ka talaga kala tatay kapag pinaiyak mo ako" he chuckled yayakapin na sana niya ako ng umatras ako at tinuro ko ang basang basa niyang katawan

"You're wet too baby, so let your Ariyo hug you" hinapit nito ang bewang ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap

Ang bango pa din niya kahit na pawis na pawis....






















Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon