5

6K 256 5
                                    

Nag inat inat ako ng braso at saka tumayo na sa pagkakaupo sa swivel chair para lapitan ang pantry nagtimpla ako ng gatas na binili ko talaga dahil puro kape ang nakikita ko sa paligid, ang tikas tikas ng pangalan ko pero umiinom ako ng gatas? Funny right? Napatigil ako sa pagbalik sa table ko ng makita ko ang isang lalaking parang tamad na tamad maglakad, ang mga mata nito ay parang nanghihina papasok na sana ito sa opisina ni Boss ng mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso nabigla ako ng makita siya ng malapitan mas lalo akong kinabahan dahil wala man lang makikitaan ng emosyon sa kaniyang mukha at talagang parang pagod na pagod na siya he have a black hair and a rare purple lazy, sleepy, and emotionless eyes mabagal din ang mga kilos nito pati na ang pagpikit ay mabagal


"Im Leon secretary ni Boss Ariyo, sa akin muna kayo humarap at para tawagan ko si Boss sa phone kung papapasukin po ba kayo o hindi" dahan dahan itong tumango


He is so weird, i press the button ng phone na para lang talaga sa secretary ni Ariyo at narinig ko ang boses ni Boss Ariyo kaya hindi ko mapigilang tahimik na kiligin, hindi talaga ako magsasawang pakinggan ang boses niyang nagpapakalma sa akin--i mean nagpapagulo sa puso ko



"May bisita po kayo Boss" sabi ko at tinignan ang lalaking nakatitig sa akin



"Anong pangalan?" Tanong nito sa akin



Nilayo ko ang phone para hindi nito marinig ang pagtatanong ko



"Ano pong pangalan niyo?"



Dahan dahang bumukas ang kaniyang nakatikom na bibig hindi ko maiwasang mapanganga at magawa sa kinikilos niya ngayon, wala bang ibibilis ang galaw niya? He looks like a student for me lalo na din at nakasuot siya ng Uniform....



"Im...........Psyche" nginitian ko siya, sa wakas sa ilang minutong paghihintay ko ay may lumabas na ding boses sa bibig niya




"Boss, Pyche daw po ang pangalan" i heard him chuckled



"Kaya pala matagal ka muling nagsalita, papasukin mo siya he is my friend" binaba ko na ang phone at pinasunod ko na siya sa akin



Binuksan ko ang pintuan ng opisina ni boss at sinenyasan siyang pumasok tumango ito ng mabagal bago tamad nanamang magsimulang maglakad, i saw Boss Ariyo smirking at me isasarado ko na sana ang pintuan ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin nabasa ko naman ang gusto niyang iparating kaya, agad akong nagtimpla ng maiinom para sa Bisita....Pysche.....malapit nang mapunta sa Pyscho, napailing na lamang ako ng maalala ang mata ng batang iyon....sa pagkakaalam ko ay talagang maraming kaibigan si Boss Ariyo at iba iba ang mga ugali at trabaho kaso ay hindi ko pa naman sila nakikita, siguro iba din ang kulay ng mga mata ng iba pa niyang kaibigan katulad ni Psyche.



Yuko kong nilapag sa lamesa ni Psyche ang juice na tinimpla ko



"He is Psyche isa siya sa mga kaibigan ko siguro nagtataka ka na kung bakit ganiyan ang kilos niya diba?" Nahihiya akong tumango "pinaglihi talaga iyan sa kabagalan at katamadan sa lahat ng bagay kaya pagpasensiyahan mo na"


Natawa si Boss Ariyo kaya nahawa na din ako ngunit ngiti lang ang ginawa ko dahil baka mainis sa akin ang kaibigan niya


"Siya pala si Leon secretary ko...." tumango ito sa akin "wag mo siyang takutin Psyche"



"Im......not" ngumiwi ako at nagpaalam na din sa kanilang dalawa



"Huy!!"



"Wag ka ngang nanggugulat diyan Kino!!" Hinampas ko ang tumatawang si Kino "bakit ka nandito? Nakapasok ka nanaman sa Humania company"



"Masama bang bisitahin ka?" Tinaas baba nito ang kaniyang dalawang kilay



"Lunch break mo na?" Tumango ito saka may nilabas sa kaniyang dalang bag



"Binili ko iyan sa harapan ng kompanya na ito balita ko masasarap daw pagkain na niluluto nila ehh" i agree, dahil nung inutusan ako ni Boss na doon bumili ng pagkain ay talagang unang tikim ko palang sa ulam nasarapan agad ako, sumubo na ako gamit ang plastic na kutsara sumandal naman ito sa gilid ng table ko



"Alam kong may kailangan ka kaya gumaganyan ka sa akin" napakamot ito sa batok at ngumiti ng malapad



"Hehehe may date kasi ako mamaya kulang yung dala kong pera baka pwedeng humingi kahit isang libo?" I tsked saka humugot ng isang libo sa wallet ko



"Date, date, date ka diyan tapos kinabukasan iiwan mo dahil nalasahan mo na tsaka another date nanaman na mauuwi sa kama?!"



"Hindi ka na sanay sa akin? Tsaka babayaran naman kita next week naman na sahod ko talagang nakalimutan ko lang na magdala ng lera ngayon" ang ganda ng bahay pero wala man lang pera sigurado akong hindi nanaman siya binigyan ng parents niya dahil laging pinambababae


Aalis na sana si Kino ng bumukas ang pintuan ng opisina ni Boss agad na nandilim ang mga mata nito sa amin kaya nalunok ko kaagad ang nginunguya kong karne



"Sige ako na bahala doon Psyche" sabi nito sa kaibigan



Hindi sumagot si Psyche at dahan dahang pumasok sa loob ng elevator



"Mukhang walang enerhiya ang batang iyon ahh" sinipa ko ang tuhod niya dahil lumalagpas na siya sa linya



"What are you doing here?" Boss Ariyo said at lumapit sa amin



"Binigyan ko lang ng pagkain tong kaibigan ko namamayat na kasi ehh" aakbayan niya sana ako ng sikuhin ko siya



"I can do that too....no need your help" nakangiti si Boss ngunit halatang naiinis siya kay Kino, i don't know why.....



"Ahh o sige aalis na din ako" talon talong pumunta si Kino sa kakabukas palang na Elevator kumaway ito sa amin at pinakita pa ang isang libo na binigay ko



"Stop eating that" hinila nito ang tupperware at pinalitan iyon ng silver plate na may lamang chicken, shrimp at broccoli "that's good for your health"



"B...baka po sa inyo ito Boss?"



"Makita lang kitang kumakain ayos na ako pero yung may kausap kang ibang lalaki maliban sa akin ay hindi ayos....im going inside now baka kung ano pa ang magawa ko sayo" tumalikod na ito hanggang mawala na siya sa paningin ko



Bakit si Psyche hindi naman siya nag gaganiyan sa akin, loko si Kino ahh? Baka siguro may inagaw si Kino na babaeng natitipuhan ni Boss pero ayos naman sila ng unang pagkikita nila......

Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon