12

4.8K 195 17
                                    

"Nakung bata ka hindi ka man lang nag paalam sa amin na hindi ka pala uuwi dito nag aalala kami sayo buti at pinuntahan kami ni Kino at sinabing hindi ka makakauwi!!"


"Aray nanay" hinimas ko ang braso kong hinampas niya

"Aray aray ka talaga naku....." ginulo ni nanay ang kaniyang buhok at tinalikudan ako "sa susunod na hindi ka magpapaalam sa amin ng tatay mo ay hindi na kita pagbubuksan pa ng pinto"



Nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat aalisin na sana niya iyon ng pigilan ko siya at ngitian, parang kaya naman ni nanay gawin ang sinabi niya ehh kapag nagkatampuhan kami hindi lang ako nakakain ng isang beses umiiyak na siya paano pa kaya kapag sinaraduhan niya ako ng pintuan at hindi na muling pagbuksan? Nakakalimutan ba niyang pwede akong pumasok sa loob ng bintana ko dahil wala naman iyong lock? Si nanay talaga....kapag nagagalit kung ano ano ang lumalabas sa bibig


Dahan dahan kong kinasahe ang kaniyang batok, nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya ngayon


"Nanay kasama ko naman si Boss, im safe"


"Oo nga kasama mo siya pero ang main reason kung bakit ako ganito sayo ay dahil hindi ka man lang nag text sa amin" ngumiwi ako at napakamot sa batok


"Hindi ko na ulit gagawin iyon nanay kaya huminahon kayo" huminga ito ng malalim bago kumuha ng maiinom na tubig


Pumunta ako sa sala at umupo sa mahababg upuan na gawa sa kawayan, hindi na ako nagpaalam kay Boss maaga akong umuwi dahil nakakahiya naman kapag nakita niya akong tulog pa din, hinatid naman ako dito ng isang driver kaya nagpapasalamat naman ako......


Nilibot ko ang tingin ko sa buong sala, mga medals ko ay nakasabit sa dingding pati nadin ang nga litrato ko, ang bubong namin ay may butas kaya kapag umuulan tumutulo dito sa loob ng bahay ang tubig kaya naglalagay talaga kami ng mga timba para doon bumagsak ang tubig na nanggagaling sa bubong na may butas, kunting kayod nalang magpapatayo na ako ng bahay na titirhan namin nila nanay mas malaki at komportable malaki naman ang sinasahod ko sa Humania Company, nangako akong bibigyan ko sila ng magandang buhay gusto kong palitan lahat ng mga ginawa nilang pagpupursigeng mag trabaho para lang makapagtapos ako


Ngumiti ako......


Napatingin ako sa pintuan namin ng marinig ang kalabog


"Balak mo bang siraan pintuan namin Kino?" Hindi ako nito sinagot, mabilis niya lang akong nilapitan at pinagmasdan ang buo kong katawan "bakit?"


"Sinuko mo na ba ang.....bataan---i mean hindi ka naman babae kaya hindi bataan, pero sinuko mo na ba?!" Praning nitong niyugyog ang dalawa kong balikat kaya tinulak ko siya papalayo sa akin


"Dadamay mo pa ako sa madumi mong isip Kino, walang nangyari sa amin porket ba nalaman mong hinahangaan ko yung boss ko ibig sabihin magpapasuko ako? Walang nangyari!!" Umupo ito sa gilid at tinaas pa ang dalawang paa at pinatong sa lamesang gawa sa kawayan


Tinapik ko ang paa niya ngunit hindi niya ito pinansin


"Sa tanang buhay nating dalawa kagabi kalang talaga umuwi ng umaga" he said "parang bad influence na tingin ko diyan sa Boss mo Ariyo"


"Nagpasama lang naman Kino"


"Sinamahan mo din bakit hindi ba niya kayang pumunta mag isa doon sa party ng kaibigan niya at talagang kailangang kasama ka pa?!" Ang mukha nito ay parang inis na inis talaga kay Boss Ariyo


"Matanong nga kita Kino bakit ba parang hate mo si Boss ehh parang nung una lang na pagkikita niyo eh ayos naman kayo?" Umismid ito sa akin


"Seloso ang lalaking iyon, mukhang gusto pa ata ikaw ilayo sa akin.....anong akala niya may gusto ako sayo? Kahit may itsura ka Leon babae pa din hanap ko, ang kitid ng utak ng Boss mo pati ako pinagseselosan pa kaya nainis ako!!" Tinaas nito ang kamao sa ere


"Masama ba iyon?" Nagulat ito sa tanong ko at napaayos ng upo


"Wala akong gusto sayo Leon!!" Sinipa ko ang tuhod niya kaya sinamaan niya ako ng tingin


"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ang gusto kong sabihin kung masama ba iyong pagiging seloso niya ehh wala namang kami?" Tumango tango ito sa akin


"Bakit mo pa pinatatagal edi sagutin mo na!! Total naman hinahangaan mo siya at malapit na iyon sa pag kagusto"


Namula ako ng maalala ang sinabi nito sa akin kagabi, liligawan niya ako.....pero lasing siya kagabi baka hindi naman iyon totoo but mostly ang mga lasing nasasabi lahat ng nasa isip at mga tinatago kaya---pwede namang umasa diba?


"Oh bakit ka natahimik diyan?" Kino asked


"Nandito ka pala Kino wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni nanay at naglapag ng supot ng pandesal sa harapan namin


"Binibisita ko lang itong kaibigan ko tita" tinuro ako ni Kino at dumukot agad ng pandesal "atsaka day off ko ngayon"


"Sige kumain lang kayo diyan at maglilinis pa ako ng kwarto namin"


"Hindi mo day off ngayon Leon bakit nandito ka pa din" tumayo ako at hindi sinagot ang tanong niya


Pumasok ako sa loob ng mwarto ko at binuksan ang aking phone kahit na naka charge, hindi muna ako papasok dahil kulang ang tulog ko at baka hindi ko magawa ang trabaho ko kapag pumasok pa ako ngayon


Hinanap ko ang number ni Denisse dahil wala naman akong number ni Boss



Nilapat ko ang aking phone sa tenga ko



"Napatawag ka Leon?" Denisse said


"Paoisabi nalang kay Boss Ariyo na hindi ako makakapasok ngayon" tumili ito kaya nailayo ko ang phone ko tapat ng aking tenga


"Oh my god o sige gagawin ko para naman makalapit na ako sa kaniya ulit.....pero bakit hindi ka papasok?" Tanong nito sa akin


"W....Wala lang basta sabihin mo iyon ahh?" Umoo ito kaya binaba ko na ang tawag


Humiga ako sa aking kama at niyakap ang isa kong unan, napahawak ako sa aking labi ng maalala ang paghalik ko sa noo niya kagabi....
He smell so nice, hindi ka magsasawang amuyin siya, pumikit ako at ngiti ni Boss ang bumungad sa akin....


"Im.......im in love?" Mahina kong tanong sa sarili


I groaned, matutulog na sana ako ng tumunog ang aking phone kaya kaagad ko itong kinuha, unknown number kunot noo ko itong binuksan at binasa ang message


It's me Ariyo.....take care and eat, lastly save my number hindi sa iba ka tatawag pwede mo naman hingin number ko bakit sa babae pa talaga ikaw tatawag, tsk pumasok ka bukas o ako ang papasok sayo?!


Natawa ako at hindi ko maiwasang kagatin ang yakap yakap kong unan



Leon: i save your number Boss



Ariyo: then good make sure na simula ngayon sakin ko na sabihin lahat ng gusto mong sabihin, magpapadala ako diyan mamayang lunch ng pagkain



Leon: salamat po Boss



Ariyo: anything for my Cub


(✌napipiga na utak ko sa pagsusulat ng make out make out sa isa kong story kaya baka mild lang ang gawin ko dito....pero depende naman kung ano ang takbo ng utak ko)


Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon