17

4.6K 164 3
                                    

Nakanganga si nanay at tatay sa harapan namin ni Boss ng sabihin nito na liligawan niya ako, nabigla din ako dahil sinabi niya agad ng walang preno akala ko ay aalis na kami pero hindi....kaya ngayon ay hinihintay ko ang sasabihin nila nanay at tatay sa amin, kinakabahan akong napatingin kay Boss--Ariyo nalang dahil yun din naman ang sabi niya sa akin nakangiti ito ng malawak walang halong yabang at walang halong peke kaya ko siya hinangaan dahil sa kabaitan at ngiti niya mas lalo pa akong humanga dahil straight forward siyang tao

Hinawakan nito ang aking kamay kaya gulat akong napatitig doon, ang aga aga pinapapula ni Ariyo ang mukha ko....saktong sakto lang ang kamay naming dalawa, maugat ang sa kaniya at sa akin naman ay sakto lang, ganito pala ang pakiramdam na mahawakan ng isang Ariyo Humania? Ang sarap sa pakiramdam natupad ang hinihiling ko

Tatay cleared his throat kaya bumalik ang tingin ko sa harap mukhang bumalik na sila sa ulirat, humawak si nanay sa braso ni tatay na mariing nakatingin kay Ariyo, baka kung ano ang sabihin ni Tatay natatakot ako na baka umayaw siya dahil akala niya ay babae ang magiging kasintahan ko at liligawan ko pero lalaki ang manliligaw ko at alam kong kahit hindi na manligaw si Ariyo papayagan ko na itong maging kasintahan ko dahil ramdam ko naman ang sincere nito at gusto kong itry at iexplore ang sarili ko

"Nay, tay?" Tawag ko sa kanilang dalawa

Kalmado lang si Ariyo hindi man lang kabahan.....

"Anak....." paninimula ni tatay "bibigyan mo ata kami ng sakit sa puso ng nanay mo dahil sa balita ng Boss mo"

"Pinapangako ko pong aalagaan ko ang anak niyo tito at pareho po naming gagawing inspirasyon ang isa't isa" sabi ng katabi ko

"Alam naman namin iyon Ariyo at hindi naman kami against sa pagmamahalan niyo" nanay said na kinangiwi ko, grabe namang pagmamahal ang sinasabi ni nanay eh manliligaw palang naman si Ariyo "ang problema nga lang ang estado ng buhay mo sa buhay ng anak ko---namin, malaki ang pagkakaiba.....ayokong dumating ang panahon na kutyain ang anak ko dahil lang sa mahirap siya at pumatol siya sayo, Gold digger ang ayaw na ayaw kong marinig na sinasabi sa anak ko dahil Ariyo Hijo pinalaki namin iyang hindi uhaw sa pera"

Napangiti naman ako sa huling sinabi ni nanay, pinalaki nila akong mabait......pero tumama din sa dibdib ko ang sinabi ni nanay na talagang malaki ang pagkakaiba namin ni Ariyo mayaman siya sobrang yaman at ako secretary lang niya at maliit ang bahay, paano kung isang araw ipakilala niya ako sa mga magulang niya at sabihing layuan ko na ang kanilang anak dahil hindi kami bagay? Dahil pareho kaming lalaki at sabihing pera lang ang habol ko sa anak nila?


"Baka nabibigla lang kalang Ariyo" sabi ni tatay

"Sigurado po akong ang anak niyo lang po ang kayang magbigay ng ibat ibang emosyon sa akin" kinilig naman ako sa sinabi ni Ariyo ".....at tungkol po sa pamilya ko ay hundred percent sure po akong tanggap nila si Leon para sa akin"

"Paano ka naman nakakasigurado diyan?" Tanong ni tatay


"Ang tito ko po ay naka asawa ng kapwa niya lalaki, ang isa ko pong pinsan ay may kasintahang lalaki....kung sino po ang tinitibok ng puso namin mapalalaki man o mapababae mamahalin po namin sila higit sa pagmamahal namin sa sarili namin" nagulat naman ako sa sinabi niya

"Hmmm.....sa tingin ko ay wala na kaming magagawa pa ng asawa ko" tatango tangong sabi ni tatay "ipangako mo sa amin lalo na sa akin na hindi uuwi ng bahay tong panganay ko na umiiyak dahil sayo....dahil sa oras na saktan mo siya o lokohin buong tao sa bayan na ito ay susugod sayo"

Pinalo naman ni nanay ang braso ni tatay kaya napangiwi ito at kinatawa ko ng mahina

"Huwag mo ngang tinatakot si Ariyo ng ganun!!" Suway ni nanay "Ariyo, Leon aalis na kayo diba? Huwag magpagabi...."

"Iuuwi ko pong walang galos ang anak niyo" yumuko pa si Ariyo kaya hinila ko na ito

Nang makapasok na kami sa kotse ay agad siyang bumuga ng hangin tila ba nakahinga na siya ng maluwag, tinignan ako nito saka nginitian he fished my hand and kissed the back of my hand

"Nakakatakot tingin ng tatay mo sa akin baby, hindi ako prepared" sabi nito

"K...Kasi naman binigla mo d...din sila"

"Come on baby i love you at hindi ko na kailangan pang patagalin ito, ayoko naman na ipakikilala mo lang ako kapag mag kasintahan na tayo...." nagsimula na itong magmaneho, magkahawak pa din ang kamay namin dalawa

Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko kay Ariyo....


Ilang minuto ang biyahe hanggang makarating na kami sa destinasyon, nauna itong bumaba at tsaka pinagbuksan ako ng pintuan kaya namumula akong lumabas ng kotse niya, pinasadahan ko ng tingin ang paligid, nasa mamahaling restaurant kami at ang suot ko ay simpleng shirt na puti at shorts saka slippers na bigay sa akin ni Kino....nakakahiya kung sana dito ang sinabi niyang pupuntahan edi sana nakapaghanda ako

"Baby let's go inside" hinila ako nito ngunit napatigil lang siya ng makitang kinukuha ko ang kamay kong hawak niya "don't start me baby"

"H.....Hindi bagay ang damit ko sa loob A....Ariyo"

Napabuntong hininga ito kaya napayuko ako


"Im sorry" i said

"Don't be baby, wait balik muna tayo sa kotse" nagtataka man at tumango na lamang ako

Binuksan nito ang likod ng kotse niya at kinuha doon ang isang puti ding shirt, agad akong nag iwas ng tingin ng hubadin niya ang kaniyang polo....buti at kami lang ang tao dito kung hindi baka kiligin na ang mga babae kay Ariyo

"Done" nilingon ko na muli siya

Parehas na kami ng suot pinalitan din niya ng slippers ang balck shoes na gamit niya kanina, i feel so overwhelmed kaya hindi ko mapigilang mapayakap sa kaniya natawa ito at hinaplos ang buhok ko

"Parehas na tayo ng damit kaya pumasok na tayo" tumango ako saka hinayaang hatakin niya ako papasok sa loob

Napapatingin sa amin ang mga tao ngunit hindi ko nalang sila binigyang pansin kami lang ang naiibang suot dito puro kasi silang lahat naka dress at suit....sa bagay this is a luxury restaurant, umupo kaming dalawa ni Ariyo sa dulo, hinayaan ko na siya ang mag order sa aming dalawa dahil bago palang ako sa mga ganito

"Feel comfortable now?" He asked

"Salamat ulit"

"Kahit ano namang suotin mo bagay sayo, be confident baby...."

"B...Bagay din sayo ang suot mo ngayon" pinipilit kong huwag mautal ngunit hindi ko magawa, sanay akong tratuhin siyang Boss ko eh

"Thanks for the compliment i appreciate it" he winked at me saka nagsimula na kaming kumain ng mailapag na ang order niya para sa aming dalawa


(Da moves da moves ka Ariyo? Pinakilala mo agad sarili mo eh kahapon mo lang naman sinabing liligawan mo si Leon, ang bilis mong lalaki ka!!")

Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon