3

7.5K 291 44
                                    

"Ayos naman ba ang ugali sayo ng boss mo, Leon?" Tanong ni nanay at pinagsandok ako ng kanin


"Siya nga po ang naghatid sa akin kahapon dito sa bahay, nahihiya nga lang akong papasukin siya dito dahil alam niyo naman.....maliit lang bahay natin at malayo sa bahay ng mga Humania" hinampas ako nito sa braso kaya napangiwi ako



"Ikaw talaga Leon kinahihiya mo ba ang bahay natin?!" Umusog na ako ng muli nanaman niya akong hahampasin sa braso "kahit maliit ang bahay natin ay pinaghirapan ito ng tatay mo, nagtrabaho siya para maipatayo ito"


"Nay naman hindi naman sa kinahihiya ko" ngumuso ako at sumubo na


"Aba kumakain ka na diyan hindi mo pa tinatawag yung tatay mo, hala siya puntahan mo siya sa harapan at patigilin mo muna sa pagsisibak ng kahoy" tumayo ako at lumabas sa maliit naming kusina



Day-off ko ngayon kaya wala ako sa opisina, pinunasan ko ang kamay ko sa likod ng aking suot na shorts bago magtungo sa labas.....sa kahoy lang kasi kami nagluluto nila nanay at hindi sa stove o kalan para na din makatipid minsan ay gusto kong tumulong na magsibak ng kahoy sa harapan ng bahay pero sabi ni tatay kaya naman na niya wag na daw akong makialam pa kaya hindi na din ako nangulit pa at kay nanay nalang ako tumulong magluto



"Tatay kakainin na daw---" napaawang ang aking bibig ng makita si Boss Ariyo na walang pang itaas na damit at nagsisibak ng kahoy



Halos mahulog ang shorts na suot ko sa nasisilayan ko ngayon, pawis na pawis siya at basang basa ang kaniyang buhok habang si tatay naman ay nasa gilid niya at tumatango tango pa mukhang tinuturuan niya si Boss Ariyo na magsibak, shining shimmering abs....ang hot niya ngayon dumadagdag siya sa init ng panahon suot suot din niya ang extra slippers na binili ko sa palengke ng isang araw at naka jeans pa din ito at dahil nakatuwad siya ng bahagya ay nakikita na ang Calvin Klein brief niya


Hindi pa ako kumakain pero busog agad ako....



Iwinaksi ko ang mga naiisip at mabilis silang nilapitan, pinigilan ko ang pagtama ng itak na hawak ni Boss Ariyo sa kahoy na nakatayo sa kaniyang harapan, sunod sunod ang paglunok ko ng tumambad sa akin ang magandang dibdib ni Boss Ariyo na puno puno ng pawis....his pink nipples, his collar bone.....



"Anak huwag mo masiyadong titigan iyang si Ariyo baka matunaw" napasinghap ako at mabilis na lumayo kay Boss Ariyo na nakangisi na ngayon



"T....Tatay naman bakit mo siya hinayaang magsibak?" Suway ko kay tatay



"Siya ang nagsabi sa akin na turuan ko siya kaya tinuruan ko siya, sa katunayan nga ay siya lahat ang nagsibak ng mga kahoy na iyon" tinuro ni tatay ang mini kubo namin sa gilid kung saan nandoon lahat ng mga kahoy



Ang dami...ibig sabihin kanina pa nandito si Boss Ariyo? Hindi man lang sinabi sa akin ni nanay na may bisita?


"Tatay Boss ko siya hindi niyo dapat--" pinigilan ako ni Boss Ariyo na magsalita kaya tinikom ko kaagad ang aking bibig



"Walang kasalanan si Tito Noly and i enjoy doing this i feel more manly" he flex his muscle kaya nag iwas ako ng tingin



"K.....Kumain na tayo hinihintay na tayo ni Nanay" tinapik ni tatay ang balikat ni Boss Ariyo bago umalis sa at pumasok sa loob ng bahay



"B....Bakit ka po pala nandito Boss Ariyo?" Nang tignan ko siya ay nagpupunas na siya ng kaniyang katawan gamit ang damit na hinubad niya kaya mabilis pa sa alas kwatrong kumuha aoo ng malinis na tuwalya at inabot iyon sa kaniya


"Bawal ko bang ma miss ang secretary ko and stop being too formal just call me Ariyo" lumapit ito sa akin at nilagay ang kamay sa aking ulo "your too cute for my early morning"



Napatayo ako ng maayos at halos hindi makagalaw ng akbayan niya ako, wala pa siyang suot na damit hindi ba niya alam ang distance? Kung alam niya lang ang iniisip ko ngayon ay baka lumayo siya agad sa akin, hinila na niya ako ng hindi na niya kaya pang mahintay na gumalaw ako, his too near....ramdam ko ang buhok niya sa kili kili dahil sa balikat kong naka expose dahil naka sando lang ako, kahit na pawis siya ay talagang hindi pa din nawawala ang mabango niyang amoy i think natural na iyong amoy niya



"Naku kumain ka na Hijo....." pinaghila ni nanay si Boss----i mean Ariyo ng upuan kahit na gawa lang iyon sa kahoy at halos pinagdaanan na ng isang daang taon "kunan mo si Ariyo ng damit at baka lamigin siya"



"Oo nga anak" singit naman ni tatay



Pumasok na ako sa kwarto ko at humugot ng isang shirt sa cabinet ko, inamoy ko pa iyon dahil nakakahiya naman kapag ibigay kong hindi maganda ang amoy, bumalik na ako sa kusina at ibinigay iyon sa kaniya agad naman niya iyong sinuot at napangiti na lamang ako ng hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan dahil hindi naman kami mag ka size kaya talagang maliit para sa kaniya



"Ang ganda naman ng mga mata mo Ariyo Hijo..." nanay said "talagang pang mayaman"



"Mayaman talaga siya nanay" sabi ko naman



"Ikaw talaga Leon..." nanay pinched me kaya napangiwi ako



"Bakit ka nga pala nabisita dito? Pasensiya na kanina hindi ko naman alam na Boss ka pala nitong anak ko" sabi naman ni Tatay nakataas ang isa niyang kamay at nagkakamay lang na kumakain kaya napakamot ako sa aking batok



Kahit talaga may bisita hindi man lang si tatay nahihiya sa postura niya kung paano siya kumain



"Im here because i want to see your son, Tito Noly" sagot naman ni Ariyo kaya nilingon ko ito "why are you looking at me like that?" He asked me


"Wala po" tumawa ito at ginulo ang aking buhok



"Ayy naku mabilis mahulog ang loob ng anak ko...." pinanlakihan ko ng mga mata si tatay, talagang binuking ako!!



"Are you falling right now Leon?" Mahina lang ang pagkakasabi niya sakto lang para marinig ko dahil katabi ko lang naman siya "because if you are falling right now.....im going to make you mine, no more guys or even girls allowed to talk to you because baby im telling you right now im a possesive man"


Napaatras ako ng pisilin nito ang hita ko sa ilalim ng lamesa



"Just kidding you look so tense...." tumawa ito halos mabilaukan na, sana mabilaukan na siya dahil ako ngayon ay parang mamatay na dahil sa lakas ng tibok ng puso ko



(Please vote and comment)


Ariyo Humania(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon