Chapter One

34 0 0
                                    

Celine's POV

"Happy Fiesta sa inyo Sophie! Thankyou sa pag invite." Sabi ko ng paalis na kami ng barkada sa bahay nila Sophie.

"Thankyou din!" Sabi naman ng iba.

"Thankyouuu soooo din! Next year ulet ha. Ingat kayo." Sabi naman ni Sophie samin

"Guys! Dito daan ko. San kayo? "

Pa kanan kasi ako at sila naman yata pakaliwa. Dadaan kasi ako sa bahay ng boyfriend ng pinsan ko.

Si Pauline ang super close ko samin. Halos parang bestfriend ko na nga siya e. Kaya close din kami ng boyfriend niya so dadaan ako sakanila kasi fiesta nga. Ininvite kasi ako, nahihiya naman akong tumanggi.

"Celine dito kami sa kabila e." Sabi ni Joseph.

"Para kayong sira ulo! Samahan natin si Celine. Dami daming sira ulo diyan paglalakadin niyo mag isa." Sabi naman ni Justine bestfriend ko yata yan. Hahaha

"Oo nga." Sang ayon naman ng ibang barkada.

"Tara na" sabi ko naman. Alam ko kasing di papayag yan si Justine na umalis ako ng walang kasama.

Kaya nag lakad na kami. Ng nakarating kami sa may kanto papunta kila Vince. Sabi ko dito na lng at susunduin ako. Buti na lng at pumayag sila agad.

To: Couz Pauline

Baklaaa! Dadaan ako diyan kila Vince. Sunduin mo ko. Hahaha mwahh.

Sinend ko sa pinsan ko. Ayaw ko naman kasi na mag punta doon mag-isa. Nahihiya kasi ako.

*bzzzzzzt*

Fr:Couz Pauline

Busy kami masyado ni Vince. Papasundo na lng kita.

Shocksss! Ayoko nga!! Wala nga kong kakilala doon e.

To: Couz Pauline

Ayokoo! Tae ka naman. Hahaha Ikaw na lng. Daliiii na!

Fr: Couz Pauline

Oo na.

Hindi na ko nag reply kasi umoo naman na tong si Pinsan.

Habang papalapit ako ng papalit sa bahay nila Vince text na ko ng text. May madilim kasi na part papunta kila Vince kaya nagpapasundo ako at nahihiya din naman kasi ako.

To: Couz Pauline

Asan kana ba?!

Uy.

Dalian mo. Malapit nako.

Intayin kita dito sa may Puno ng mangga.

Mga text ko na hindi nirereplyan ni Pauline.

Hay nako! Antagal naman. Natanaw ko yung kapatid ni Vince na si MJ. Papalapit saken. Shet!

*bzzzzzzt*

Fr: Couz Pauline

Pinasundo kita kay MJ. Madaming ginagawa dito e.

Agad naman akong nag reply.

To: Couz Pauline

Lukreng ka! Mamaya pag nakita kita sasabunutan kita. Hahahaha nakakahiya tuloy.

"Sunduin daw kita." Sabi niya sabay tawa ng konti.

"Ah. Ay sorry ha. Baliw na kasi si Pauline e. Pinasundo pa ko sayo." Sabi ko naman ng nakayuko, nahihiya ako e.

"Ok lng. Sige tara na" Sabay talikod niya..

Hindi ko alam kung sasabay ba ko o ano. Kaya naman sumunod na lang ako sakanya, nasa unahan ko siya at ako naman ay naka buntot sakanya.

"Ayyyyy!" Malapit na kami sa bahay nila Vince ng natapilok ako.

Akala ko mababagsak ako sa putikan yoon pala nasalo ako agad ni MJ.

Iniwasan ko kasi yung putik kasi madudumihan yung suot kong sapatos.

"Ay sorry." Sabi ko naman na pilit kong tinatayo yung sarili ko. Nakakahiya naman kasi, kaso masakit.

"Ok lng. Kaya mo na ba? " Tanong naman niya saken.

"Ay oo. Hindi naman grabe yung tapilok ko e." Sagot ko ng pilit tinatago ung sakit sa mukha.

Binaba niya na ko. Muntik na nga akong madapa kasi sobrang sakit pala. Hindi naman talaga sprain pero masakit siguro kasi nabigla.

Napahawak tuloy ako sakanya. Pero hindi naman niya tinanggal.

Hanggang maka dating kami kila Vince. Nakaalalay padin siya saken.

"Ayieeee. Bat ka nakahawak diyan kay MJ?" Baklang to! Si Pauline inaasar ako. Abnormal lang

"Baliw ka na talaga! Natapilok ako doon oh." Turo ko sakanya sabay kurot.

"MJ oh! Masakit ah!" Sumbong naman niya kay MJ na nasa likod ko.

"Ate Pauline pasok na ko. May inuutos pa yata si Mama e.

"Sige thankyou ha." Sagot naman ni Pauline

Pinapakain ako ni Vince ng Dinner pero ayaw ko na. Nabusog na ko kila Sophie e.

"Wag na busog ako e. " Sabi ko naman.

"Dali na. Eto oh inabutan ako ng plato." Nahihiya naman akong tumanggi kaya ang ginawa ko dessert lng ang kinuha ko.

Kumakain ako ng coffee jelly ng mag salita si Pauline.

"Insaaan! Bagay kayo ni MJ no?" Pang aasar sakin ni Pauline.

"Asa ka naman. " sagot ko. Pero oo nga parang may spark samin dalawa. Ewan ko! Hayaan ko na nga iyon.

"Oo nga. Parang may gusto pa nga sa'yo iyon." Sabi naman ni Pauline ng naka ngiti.

"Oo nga Celine bagay kayo ni MJ. Ayieeee!" Singit naman ni Vince

"Hay nako! Kayong mag ligaw tigilan niyo ko!!!" Sagot ko ng malakas sakanila. Buti na lng at maingay dahil may videoke, at hindi nadinig ang boses ko.

Nagkukwentuhan yung mag ligaw sa harap ko ng mahagip ko ng tingin si MJ. Tung unu! Ang pogi pala niya.

Pogi naman talaga siya hindi ko lng pinapansin kasi mas matanda ako ng isang taon sakanya. 2nd year college ako 1st lang siya.

Pero kung titingnan halos mag kasing tanda lng kami. Ang tangkad tangkad niya kaya.

"Uy tulala ka." Pang- aagaw atensyon ni Pauline.

"Lukreng. May inisip lng ako. Bakit ba? " Sabi ko ng natatawa.

"Baliw ka na yata. Wag naman sana. Tutulungan ko lng si Vince sa loob. Dito ka muna ha? Gusto mo pasamahan kita? " Sinabi niya habang naka ngiti.

"Wag na. Bilisan mo na lng ha."

Iniintay ko si Pauline ng may umupo sa may table namin.

"Hi miss. Iniintay mo si Ate Pauline" Sabi niya ng naka ngiti. Kitang kita yung dimples niya. Cute!

"Ayy oo." Sagot ko naman ng naka ngiti.

"Uy kayo ha! " singit ni Vince at umalis na dahil busy nga. Habang tumatawa.

Nginitian ko na lng yung lalaking nasa harap ko. At itinuon ang aking pansin sa aking cellphone.

"Pauleng! Uuwi na ko at baka gabihin ako. Lagot ako kay Mami. 9:30 na oh." Sabi ko at pinakita ang wrist watch ko.

"Mauna ka na. Alam naman ni Mami ko na gagabihin ako e." Sagot niya.

"Sige. Wag mo na ko ipahatid! Kaya ko na. Keribelss na 'ito" Sabi ko naman.

"Assuming be! Sige. Bye, ingat ka" Sabi naman niya.

Binilisan ko yung lakad ko para makarating agad sa terminal ng tricycle.

Pasakay na ko ng may tumawag sakin.

"Celine. Ingat ka ha"

FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon