Celine's POV
Paano ba to? Tanong ko sa sarili ko. Medyo mahirap naman kasi. Lahat sila nakangiti lang hindi ko alam kung bakit.
"Ang boring kasi don." Sabi ko agad.
"So dito pala hindi? Kumakain kana din pala ng Calamares." Pambabara ni Ate Pauline na nasa tonong nang aasar.
"Oo. Kanina lng nag try ako. Hehehehe masarap pala" Pilit kong tawa.
"At nakikipaghati na din si MJ sa Calamares na favorite niya?" Pag sabat naman ni Vince.
"Alam ko kasi hindi yan namimigay pag Calamares ang usapan. Favorite niya yata yan." Pang bubuking ni Jayson.
"Masama bang mag share? Diba ano, share your blessings daw!" Sabi naman ni MJ nahalatang nahihiya na naiinis.
"Tama na nga yan nagugutom na ko!" Sigaw naman ni Jinx
Natawa naman kaming lahat dahil sa pabigla niyang sigaw.
"Tara na nga!" Yaya ulet ni Jinx
Tinigilan na kami ni Pauline at Vince dahil nga nagugutom na si Jinx.
Kumain kami sa may isang Sizzlingan Restaurant na malapit dito sa Plaza.
Kaunti lng ang nakain ko dahil busog ako pero siya andami pa din. Katabi ko kasi sa upuan si MJ, anlakas niya pala kumain.
"Bili tayo ng ice cream doon?" Turo ni Pauline sa katapat netong sizzlingan.
"Kami na lng bibili" sabi ni Vince.
"Alam mo na yung samin ni Celine" sabi ni Pauline
Aalis na si Vince ng sumama si MJ sakanya.
"Sama ko. Gusto ko din" At sinama naman siya ni Vince.
Vince's POV
Himala at sumama si MJ dito? Kadalasan kasi hindi yan sasama sa ganito. Yung uutusan kami o kaya may bibilin kaming pagkain o ano.
Ramdam ko na may gusto yang si MJ kay Celine. Lalaki ako at alam ko kung bakit naiiba ang isang ugali ng lalaki pagdating sa babae.
Promise madami na kong napansin na nag bago kay MJ.
Tinanong kasi ni Pauline si Celine kung bakit maunti lng ang kinain at sinabi nito na kumain sila ng isaw pa pala ni MJ.
Ang alam ko hindi kumakain yon dahil daw may tae ng manok yon. Ngayon walang arte arte? Tapos nakipag share ng Calamares? Pinaka madamot yon sa lahat ng madamot basta Calamares ang usapan. At pinaka tamad sa tamad kung aayain mo naman bumili at babalik ka din sa lugar kung saan nasaan kayo.
"1 gallon po na ice cream yung flavor po half double dutch and half rocky road po." Sabi ko sa tindero.
"Yun lng po? Habang nilalapag ang inorder ko.
"Hmm. Presto ice cream din po. Flavor is cookies and cream and coffee jelly flavor." Dagdag ko.
Yung presto ice cream yun yung ang ice cream ay naka palaman sa biscuit na parang oreo ang lasa nung tinapay.
Binayaran ko na din agad. At noong pabalik na kami tinanong ako ni MJ.
"Vin bat dinagdagan mo pa ng Presto Ice cream?" Vin lng tawag sakin niyan e ang bait! Hahahaha Vin as in palayaw ko kase yon.
"Favorite yon ni Celine e. Diba nagpapabili din siya, e di yung favorite niya na yung binili ko. Favorite na flavor na kasi yung binili ko kay Pauline e. "
Ang unfair ko naman kapag ka ganon. Aasarin nanaman na ako non e. Sabay kamot ko sa ulo ko. Nako Celine! Kung hindi ka lng mahal na mahal ni Pauline.
Celine's POV
Andyan na sila Vince. May dala silang dalawa ni MJ na Ice cream.
"Celine oh pinagpipilitan yan ni MJ na bilin e.Porket sinabi kong favorite mo. " Abot sakin ni Vince nung Presto Ice cream.
"Ayieeeee!" Sabay sabay nilang sabi.
"Gago! Ikaw bumili niyan e" Sabi naman ni MJ.
"Nako MJ! Kung gusto mo tong si Celine ligawan mo na. Maagawan ka pa! Daming manliligaw kaya niyan!" Gatong naman ni Pauline.
"Baliw ka! Wala no!! " Sabay hampas sa kanya.
"Nako MJ baka maunahan ka pa ng iba diyan." Sabay sipol ni Jayson habang naka ngisi kay Karl.
"Tigilan niyo nga kami ni Celine. Utak niyo mga brad ha." Sabi naman ni MJ.
"Oo nga para kayong mga sira" Pagkampi ko kay MJ
"Uy nagkakampihan sila" Pang aasar ni Pauline.
Kaya tumawa na lng sila. Ako naman nag make face si MJ naman halatang naiinis na.
Walking distance lng yung bahay nila Pauline sa bahay namin.
Ang kaso mauuna yung bahay namin sa bahay nila. Hahatid ako ni Pauline kasama si Vince dahil hatid sundo yang si Pauline ni Vince.
"Bye. Ingat kayo ha?." Paalam ng barkada samin nila Vince
"Oh bat di ka sakanila sumama? " tanong ni Vince kay MJ.
"Ah e sasamahan kita" Sagot niya
"Sabihin mo kung gusto mong ihatid. Dinadahilan pa ko" sabi ni Vice naman.
"Oo na! " Sagot naman ni MJ
"Haba ng hair!" Sabi naman ni Pauline at tyaka tumili.
Sumakay kami ng jeep papunta sa amin. Papasok ka muna sa kanto bago ka makapasok sa compound namin. Medyo nasa unahan ng compound yung bahay namin. Buong angkan namin doon nakatira kaya madami kami doon. Kaya walking distance yung saamin kila Pauline.
Bumababa kami ng jeep at pumasok sa kanto. Binilisan ni Pauline at Vince maglakad kaya magkasabay kami ni MJ na naglalakad.
"Malayo pa ba yung bahay niyo kila Ate Pauline?" Tanong niya sakin.
"Hindi naman. Isang compound kasi kami, kaso sobrang dami namin kaya madami ng bahay. " Sagot ko naman sa tanong niya.
"Ahh. Pag hinahatid kasi namin ni Vin si Ate Pauline sa ibang way kami doon bungad na agad yung bahay nila."
"Ah. Eh kasi dito talaga ung pinaka front na lahat. Pero sabi kasi ni Tito Paul papagawan daw nila ng gate doon sa dulo dahil nga medyo malayo yung sa kanila diyan sa may kanto."
"Ah kaya pala. "
Nakarating na kami dito sa may tapat ng compund. Chamba! Bukas pa yung gate hindi na namin kailangan utuin si Manong Oscar na wag kaming isumbong kay Lolo.
"Yung iba naman diyan rest house lng ng iba kong tita at tito dahil yung mga bussiness nila nasa ibang lugar na" pag kukwento ko sakanya. Para kasing namangha siya
"Ahh. Akala ko lahat diyan ay may nakatira e. Pag nandoon ako kila Ate Pauline hindi halatang madami pang bahay ang naka tayo."
"Wala ah. Pag nandoon ka ga hindi masyadong halata. Kasi natatakpan ng matataas na puno."
"Hoy kayong dalawa dadaldal na lng kayo diyaan? " tanong ni Ate Pauline.
"Ay sorry Ate" sabi ni MJ.
"Bastos neto oh. Jukonly!" Sabi ko ng natatawa.
"Sorry na? Hahaha Umuwi kana Celine. Pagagalitan nanaman ako ni kuya Carlo dahil gabi ka nanaman nakauwi." Sagot ni Pauline.
"Oo na. Bye Guys! Thankyyy sa time" Tyaka ko sila bineso. Nag wave sakanila at pumasok na ng bahay.