Chapter Two

12 0 0
                                    

Celine's POV

Pag lingon ko yung lalaking cute na may dimples yung nakita ko. Nakatingin siya sakin pero parang hindi naman siya yung sumigaw. Kaya nginitian ko na lng.

Parang may kamukha siya, hindi ko lng matandaan kung sino. Hayaan ko na nga 'yon.

Pag kauwing pag kauwi ko nag open ako ng facebook sa laptop ko.

Wala kasi sila Mommy at sila Kuya sa bahay. Baka namiesta din.

Pag ka log-in ko may nag pop-up agad na chat sakin.

Miguel James Reyes :

Hi.

Hindi ko kilala to. Clinick ko yung pangalan tapos nag punta ko sa profile niya.

Laking gulat ko si MJ pala yon. Sht!

Ako:

Hello :) hehehe

Siya:

Pwede makuha number mo ganda.

Ako:

Ay. Hahaha sigee eto oh 0926*******

Siya:

Thankyou :)

Landi mo Celine! Bat mo binigay? Sabi ng utak ko.

E ok lng naman siguro yon malay mo para sa Emergency.

Nag log out na ko pag katapos nung binigay ko, dahil inaantok na ko. At iniisip ko din kasi kung bakit niya kinukuha yung number ko. At kung bakit ko din binigay.

Nakatulog na ko sa kakaisip ng dahilan.

--

"Good morning sleepy head." Masiglang bati sakin ni Kuya.

"Morning kuya." Bati ko sakanya.

Inaantok pa kasi ako. Buti nalng at walang pasok ngayon sa school.

*bzzzzzzzt*

Tiningnan ko yung phone ko kung sino yung nag text si Pauline. Inopen ko naman agad.

Fr: Couz Pauline

Be nood tayo mamaya sa may Plaza. Concert daw ng Silent Sanctuary. Sama ka pleaseeee. May ipapakilala ko sayo. Kamukha ni Tayuman!

Si Tayuman yung ultimate crush ko sa Liga sa may Sulucan. Sa may lugar malapit dito samin.

To: Couz Pauline

Paalam mo ko kila Kuya. Talaga?! Shocksss. Hahahaha :D

Fr: Couz Pauline

Malantod! Hahahaha mamayang 6:30 ha. Sa may 7/11 nalng tayo mag kita. Hahaha. Kasama din barkada ni Vince. Tyaka sabi ni Kuya mo oo daw basta ihahatid kita.

To: Couz Pauline

Gagita. Sige text na lng kita. Pupunta ko kila Justine .

Fr: Couz Pauline

Ayieeee. Hahahaha kire kire. Oo na

Hindi na ko nag reply. Kakain na daw kami e.

"Umuwi ka agad pag katapos ng pupuntahan niyo ni Pauline ha? " Sabi ni Kuya sakin.

"Oo na Kuya, penge allowance ha. Pretty pleaseeee" sabi ko habang nag papacute.

"Sige. Sa may taas ng ref ko iiwan ha. Yung sobra iwan mo mamamalengke si Mama mamaya. "

"Asan naba si Mama?" Tanong ko.

"Tulog pa. Nag bonding daw sila kagabi ng kaibigan niya noong high School at ginabi na ng kaka kwentuhan"

"E kaya pala. Hahahaha thanksss kuya!"

Kumain na kami. Mabilis akong kumain kasi aalis ako at pupunta kila Justine.

"Kuya dadaan ako kila Justine muna ha. Aalis na ko ngayon."

"Sige. Alis na din ako baby girl" sabay kiss sa noo ko .

Naligo agad ako at nag bihis.

Nag shorts lng ako tyaka sleeveless na kulay royal blue tapos sandals na blue din.

Kinuha ko yung allowance ko tyaka yung sling bag ko na black.

Nag jeep ako papunta kila Justine. Malapit lng kasi dito saamin 'iyon. Kaya nag jeep na lng ako.

"Justineee naman! Isusumbong kita diyan kay Mitch e" Ang arte e. Ayaw ako pansinin kasi nagtatampo at hindi ko na itxt kagabi. May usapan kasi kami.

"Joke lng. Ano ba?" Kahinaan talaga niyan si Mitch e, yung girlfriend niya. Yun nga lang LDR sila.

"Pumunta nga ko dito para mag sorry e." Sabi ko naman ng nag papaawa

"Matitiis ba kita? At tyaka panakot mo nanaman sakin si Mitch my loves. "

"Thanks bff! " sabi naman. Buti na lng hindi ako pinahirapan netong isang to. Hahahaha

"San tayo?" Tanong niya sakin.

"Ikaw bahala. Sa Mall? " pwede naman kasi ako kahit saan.

"E di tara na. Libre mo ha?" Sabi iya.

"Oo na" lagi naman kaming ganyan pag ka galit siya. Ililibre ko lng bati na kami.

Nag punta kami sa pinaka malapit na Mall.

Nung nasa mall na kami iba't iba ginawa namin. Ako ang nagbabayad sa pagkain. Si Justine naman ang nagbabayad sa mga iba't ibang trip na ginagawa namin sa Arcade.

Halos maghapon kami sa Mall. Palabas na kami ng Arcade ng nakita ko si MJ. Kasama niya yung mga classmate niya. Nakikita ko kasi sila sa Univ. na pinapasukan namin.

Nag katitigan kami ni MJ. Nauna kong nag iwas ng tingin sakanya, ewan ko kung bakit pero bat mukha kasi siyang galit. Ewan ko ba do'n.

Nakasukbit yung kamay ko sa braso ni Justine ng bigla kong tanggalin iyon ng hindi ko alam kung bakit.

Pag tingin ko sa wrist watch ko 6:00 PM na. Masyado pala kaming nag enjoy ni Justine sa Mall at hindi ko namalayan ang oras. Sabagay antagal namin sa Arcade lalo na sa basketball. Nag papataasan kasi kami.

"Justine pupunta pa kong Plaza. Inaaya kasi ako ni Pauline doon manood ng concert."

"Hatid na kita. " Sabi niya.

Kaya napagkakamalan kaming mag ligaw neto e. Sobrang weetniya sakin. Pero mas sweet pa din siya syempre kay Mitch. We're bestfriends since grade school hanggang ngayong college na kami.

Hinatid ako sa Plaza ni Justine. Ang usapan namin ni Pauline 6:30. Kaso 6:15 pa lng. So 15 minutes akong walang kasama dito?

"Anong oras ba usapan niyo?" Tanong ni Justine.

"6:30. 6:15 pa lang. Ayaw mong sumamang manood sa amin? " Sabi ko, at tinanong ko na din siya.

"Mamayang seven mag skype kami ni Mitch e. Miss ko na nga e" Sabini justine.

"Ay ganon ba. Sige uwi kana. Kaya ko na dito." Sabi ko naman sakanya.

"Hindi sige. Intayin ko na sila Ate Pauline."

Habang iniintay namin sila Pauline nag aasaran kami ni Justine. Kung sino yung naka red o kaya iba't ibang color na magustuhan namin e crush niya o kaya crush ko.

Yung mga dumadaan pa naman minsan grabe sobrang laughtrip kami.

Nagkikilitian kami ng dumating sila Pauline.

"Hmmm." Tikhim ni Vince

Pag tingin ko nakita ko si Vince at Pauline na naka ngisi, yung barkada ni Vince, si MJ at yung lalaking cute. OMG! Siya yung sinasabing kamukha ni Tayuman. Bat hindi ko napansin kagabi?

Ang gaga naman ni Pauline. Di man lng sinabi kagabi. Ay oo nga pala! Si Vince yung nakakita samin kagabi.

Kung minamalas ka nga naman. Naabutan nila kaming nagkikilitian at ako nakayakap kay Justine para tumigil tigil na siya.

Spell Awkward?

FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon