Chapter Six

2 0 0
                                    

Celine's POV

Late na akong nagising kanina. Nag chikahan kami ni Mommy dahil hindi kami nag kita kahapon.

2:30 na ng hapon hindi pa din ako nag tetext kay MJ. Actually wala naman talaga akong pupuntahan o kaya planong aalis ngayon. Kaso nahihiya ako kay MJ. Ewan ko kung bakit. Kainis! Gusto ng puso ko pero etong utak ko sinasabi na wag na.

Pero dahil mas naniniwala lagi ako sa puso. Game ako! Friendly date lng yan!!! Wag kang mag assume Celine!! Sabi ko sa sarili ko.

To: Miguel James Reyes

Hey! Game na ko. Hehehe saan ba tayo? :P

Wala pang isang minuto nag reply na agad.

Fr: Miguel James Reyes

Akala ko hindi ka na papayag. Susunduin na lng kita sainyo. Ngayon na ha.

To: Miguel James Reyes

Wag na! Sa kanto na lng namin :) Teka lang magbibihis pa ako.

Fr:Miguel James Reyes

Sige na nga sa kanto ha. Take your time. Papunta pa lng naman ako.

Hindi na ako nag reply at nagbihis na lng. Nagsuot ako ng isang Pink na poloshirt tyaka shorts tapos doll shoes na black tyaka kinuha ko yung black kong sling bag.

"Me aalis ako ha. Uuwi din ako mamaya" Paalam ko kay Mommy.

"Nako lalayas ka nanaman! Anong oras ka uuwi? " Tanong ni Mommy

"Maaga me. Byeee!" Paalam ko tyaka ko kiniss si mommy sa pisngi

--

Malapit na ko sa kanto ng natanaw ko si MJ. Naka poloshirt din siya na black tapos naka shorts na hanggang tuhod niya na kulay white. Tapos Vans na red.

"Oy! Matagal kabang naghintay dito?" Sabi ko kasi mukhang busy siya sa cellphone niya.

"Hindi. Kadadating ko lang din. Ganda mo naman" at tyaka nag wink sakin.

"Nye. Tara na. San ba tayo pupunta?"

"Ano bang hilig mo? "

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Para alam ko kung san tayo pupunta."

"Madami e. Manuod ng basketball. I'm a die hard fan of Purefoods. Mahilig akong manuod ng liga , kumain ng kumain , laughtrip ,roadtrip, mag adventure tyaka sa mga kinakatakutan madalas ng babae doon ako mahilig. Ano pa ba?" Tanong ko sa sarili ko. Nag iisip ako ng napatingin ako sakanya nakatitig siya sakin tapos naka ngiti.

"Ang daldal mo pala" sabi niya.

Napatikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ano ba mga sinabi ko? Tae naman. Konti lng naman yun ah. Wala pa nga yon sa kalahati e.

"Che! tara na nga. San ba tayo pupunta?"

"Tara foodtrip na lng tayo."

Sumakay kami ng taxi papuntang Intramuros. Siguro mga One and half hour yung byahe mula dito hanggang sa Intramuros.

Ng nakadating na kami doon. Niyaya niya agad ako sa stall ng Isaw kumain kami pero konti lng, dahil sabi ko madami akong gustong tikman.

Pagkatapos namin sa Isawan sa may Calamares naman. Konti lng ang kinain ko doon dahil parang gusto ko ng inihaw na Tilapia. Gusto ko ng Rice e at 'yon ang iuulam ko.

"MJ gusto ko ng Inihaw na Tilapia tapos mag rice ako. " Sabi ko sakanya ng pa cute.

"Sige. Tara" sabi naman niya.

Pagkatapos kung kumain doon inaya niya ako doon sa may Bike for rent.

Alam ko naman kung paano gamitin yun kaya nag bike kami ng sabay. Tawa nga o ng tawa kasi may tinuturo siyang tao na kalbo. At may mga logic siya na nakakatawa talaga.

Mga 30 minutes kaming nag b'bike humihinto lng kami pag ka sobrang tawa o ng tawa kasi baka mapano daw ako.

Pag hinto namin feeling ko gutom ulit ako. Kaya kamig dalawa bumalik ulit dun sa mga tindahan ng pag kain. Nag try naman ako ng quail eggs. Ang dami kong nakain kasi ang sarap.

Usapan namin hati kami sa bayad. Pero pag magbabayad na siya na daw e di siya na! Hahaha

Madami pa kaming nadaanan na iba't ibang foods, kaya busog na busog kaming dalawa. Nagyaya na akong umuwi kasi baka gabihin kami and it's already 6:00 na sa wrist watch ko.

Nag taxi lng ulet kami pauwi samin. Hahatid niya daw muna ako bago siya umuwi. Hindi naman ako manalo nalo sakanya laging may good purpose na mangyayari din sakanya ewan ko kung totoo.

Eight na ng makadating kami sa may kanto namin. Siya pa din yug nagbayad. Halos lahat siya talaga. Parang di nga nabawasan kahit piso yung wallet ko e.

"Uhmm. Thankyou sa time! Nag enjoy ako" sabi ko ng naka ngiti.

"Hmm. Thankyou Celine. May tatanong sana ko sayo e." Sabi niya ng kumakmot sa ulo. Mannerism niya na ba 'yon?

"Ano?" Maikling tanong ko.

"Pwede bang?.." Pabitin to kagabi pa!

"Pwede bang ano?" Tanong ko.

"Pwede bang manligaw? Ano tawa dito? Ano kase ang ganda mo, mabait ano pa. Ahmm di naman tanong yan. Pinapaalam ko lng" sabi niya tapos nag wink tyaka tumalikod.

Shet! Manliligaw ko? Si MJ? T*ngin*this feeling. Bat parang sobrang lakas ng tibok ng puso ko? Bat parang sasabog. Tapos may mga paro paro pang lumilipad sa tiyan ko. Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko. Buti na lng at naka talikod siya. Huminga ako ng isang malalim at..

"MJ.. " Tawag ko dahil alam kong nahihiya yan. Obvious naman nung sa una, nagtatapangtapangan lng nung huli. Tapos  biglang tatalikod.

"Anoooo?!" Sagot niya ng nakatalikod pa din.

"Aalis na ko ha." Paalam niya ng nakatalikod pa din sakin.

"May manliligaw bang ganyan? " taong ko sakanya.

Ilang miuto bago siya humarap at naka ngisi.

" So, pumapayag ka?" Tanong niya at abot tenga ang ngiti. Cuteee!

"Akala ko ba pinapaalam mo lng sakin? Hindi mo tinatanong." Sagot ko naman sakanya.

"Oo nga. Pinapaalam ko lng. " sagot niya. Aba saan to humuhugot ng selfconfidence?

"May choice paba ako?" Tanong ko.

"Wala. Hatid na kita sainyo." Sabi niya at hinawakan ako sa may pulso papasok na compound.

"Byee. Thankyou sa libre. Hehehe" nahihiya kong sabi. Pero bat ganon ako nangayon yung nahihiya?

"Walang goodbye kiss babe?" Tanong niya ng nakangisi.

"Manliligaw ka pa lng!" Sagot ko.

"Oo na. Bye. Text kita pag nakauwi na ko." Sabi niya tyaka nag flying kiss na nagpa tawa sakin. Tyaka siya tumalikod at naglakad palabas ng compound.

Umakyat muna ako sa  kwarto para magpalit ng damit. Si Mommy nagluluto ng nadaanan ko bago umakyat dito, sabi ko tawagin na lng ako mamaya.

Pag akyat ko humiga muna ako sa kama at nag isip isip.

Kakakilala ko pa lng sakanya pero bat ako pumayag na mag paligaw? Kasi crush ko na siya! Yess. Ayaw ko lng aminin alam ko sasarili ko kung may crush ako sa isang tao at pilit ko lng dinedeny.

At sinong babae ang tatanggi pag si crush ang nanligaw? Wala naman diba. Kahit sabihin natin na bawal pa o kaya mag aaral muna. Basta si crush hindi matitiis.

Siya nadin namanang nagsabi na walaakong choice dahil sa ayaw at sa gusto ko iisa lng din yung gagawin niya.

Sa panliligaw makikilala ko naman siya. Kaya ok lng siguro na hindi ako kumontra sa sinabi niya. Basta ang alam ko ngayon crush pa lng ang meron ako sakanya. 'Yon lng siguro lalalim 'tong nararamdaman ko kapag lumalim na din yung pagsasamahan namin.

FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon