Celine's POV
Napabitaw ako kay Justine at lumayo na kaunti. Abnormal naman mga utak neto. Hahahaha gara ng mga tingin e.
"Guys meet Justine. Bestfriend ko" Pakilala ko sa barkada ni Vince kasi medyo close ko naman na sila.
"Nice to meet you pare!" Sabay sabay nilang sabi. At nakipag bro hug isa isa
"Nice to meet you din mga pare. " sagot naman netong katabi ko. At nakipag bro hug din
"Tara sama ka samin. May extra ticket pa naman na isa e." Sabi ni Jayson
"Pare pasensya na. Pero kailangan ko na din kasi umuwi e. Sa susunod na lang siguro. Hinintay ko lng kayo, ayaw ko naman kasi na iwan mag-isa dito si Celine." Sagot naman niya at sabay akbay saken.
"Ah ganoon ba? Salamat naman at di mo iniwan dito mag isa si Celine" Sabi ni Pauline.
"Syempre naman Ate Pauline. Una na ko mga Pare. Ate pauline. Ingat kayo" Paalam niya samin.
"Sige. Ingat ka" Sabi namin ni Ate Pauline.
"Ingat ka. Bye" Tyaka kiniss ako sa cheek. Abnormal 'tong si Justine
"Ang tamis!" Sabi naman ni Ate Pauline.
"Baliw! " sabi ko naman
Nag wave ako sakanya. At noong hindi na namin siya natatanaw pumasok na kami sa may entrance.
"Hoy Celine! Iba na kayo ni Justine ha! Anong hindi mo kinukwento sakin? " Sabi ni Pauline sakin.
"Pauleng!! Baliw ka ba? May Mitch yon. Kaya linisin mo yang utak mo. " Sagot ko naman sakanya.
"Pakiss kiss pa" Pang aasar niya.
"We're bestfriendss! Ganon lng talaga 'yon sakin" Pag dedepensa ko sa sarili ko.
Hindi na sumagot si Pauline dahil inaayos namin yung isang row ng upuan para samin. Lahat naman close ko e pwera lng yung kamukha ni Tayuman at si MJ. Dahil pag nakakasama ko yung barkada ni Vince ay wala sila.
Nasa left ko si Pauline at si Tayuman kalokalike sa may Right.
"Celine si Karl nga pala" Pakilala niya. Ohhh Karl pala ang pangalan niya.
"Karl si Celine" Dagdag ni Pauline.
Tinanguan ko na lng si Karl at tinuon ang pansin sa stage dahil may sinasabi yung emcee.
At ang pagkakaintindi ko hindi makakadating ang Silent sanctuary dahil na cancel yung flight nila. May refund naman daw yung ticket. At may banda sila naininvite.
Nagsisimula na yung tugtugan at nag paalam ako na bibili lng akong pagkain. Nag insist pa nga si Karl na samahan ako. Sabi ko wag na dahil kaya ko naman.
Lumabas ako doon pumunta doon sa may medyo malayo ng kaunti doon sa pinag dausan ng concert. Nabobored kasi ako e. OP naman ako doon sa mag ligaw. Yung katabi ko naman tahimik. Kaya napili kong lumabas.
Siguro makalipas ang 10 minutes.
May tumabi sakin. Hindi ko agad nakita kung sino at ng nakita ko na ay si MJ.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay MJ. Bored na ko e, kaya kakapalan ko na mukha ko mag tanong.
Kaming dalawa lng naman tao dito. Ano bang magagawa ko? E boring na boring ako. Gusto ko ng umuwi, kaso hihintayin ko pa si Pauline dahil pahahatid ako sakanya.
"Gusto ko ng umuwi kaso si Vince ayaw ako pauwiin. Malakas saltik non e. Susumbong daw niya ako." Sagot niya naman sakin.
"Ah. Ang boring no? Gusto ko nga umuwi e. Kaso papahatid ako kay Pauline." Sabi ko naman.
"Tara! Foodtrip tayo? Balik na lng tayo doon pag malapit ng matapos." Yaya sa'kin ni MJ.
Kanina pa yung huling kain ko dahil puro Arcade ang inatupag namin ni Justine.kaya tamang tama ang pag aaya niya.
"Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin.
"Dun na lng oh." Turo ko sa may isawan. Favorite ko iyon kaso hindi naman ako maka kain dahil minsan lang ako makapunta dito. at minsan na lng din ako makakita ng nagtitida noon.
"Kumakain ka non?" Tanong niya ng may pagtataka.
"Oo. Favorite ko kaya yon" Sabi ko na ang saya saya dahil ngayon na lang ako ulit makakain non.
"Akala ko hindi kakumakain niyan. Ako kasi hindi kumakain niyan."
"Ha?! Ang sarap sarap kaya niyan!! Dali taraaa!" Hila ko sakanya samay isawan.
"Ate anim nga po" sabi ko sa tindera.
Binigyan ako ng anim. Nilagay ko don sa may sawsawan. Binabad ko kumuha ko ng dalawang stick.
Inaabot ko yung isaw at ayaw tanggapin ng lintok.
Sinubuan ko nga, na shock nung una. Pero sinubo din naman.
At ang magaling naka sampung stick siya. Samantalang ako walo lng ang kinain ko.
Babayadan ko na sana, ng sabi niya siya na daw. Pinilit ko panga siya kaso sabi niya siya na daw.
Sa tabi nung isawan may tindahan ng Calamares.
"Calamares naman tayo?" Tanong niya saakin.
"Hindi ako kumakain niyan. " Sabi ko ng nakangiwi.
"Masarap 'to!" Sabi niya sabay kuhang plastic cup at dalawang stick tyaka niya nilalagay doon yung kinukuha niya. Pag katapos nilagyan niya ng suka na may mga sili at onions na naka lutang. Pag katapos ay binayadan niya.
"Doon tayo sa may bench" Turo niya doon sa bench na katapat ng mga tindahan.
"Teka nauuhaw ako." Pigil ko bibili na sana ko ng sabi niya
"Ako na sige na mauna ka na doon"
"Sama na ako" sabi ko kaya nakasunod ako sakanya.
Pagkatapos namin bumili umupo kami doon sa bench.
"Tikman mo oh" subo niya ng calamares sakin.
"Ayokoooo!" Sabi ko sakanya at umiiling iling.
"Dali na tikman mo lng. Yung isaw nga nasarapan ako e. Malay mo masarapan ka din dito" Sabi niya
Kinain ko yung sinusubo niyang Calamares.
At hindi ko alam na ganito pala kasarap yon. New favorite ko na 'to. Nung bata kasi ako ang tigas hindi pa yata luto kaya hindi ako nasarapan. Ngayon sobrang sarap!
Isang plastic cup lng yung lagayan pero dalawayung stick. At dahil masarap ang bilis bilis ko kumain dahil uubusan niya daw ako. Baliw ata yang si MJ e.
Nag aagawan kami dun sa part ng calamares na bilog sa loob ng plastic cup. Tawa kami ng tawa ng biglang
"Andito lang pala kayong dalawa!" Sabay sabay na sabi nila Vince at ni Pauline.