Chapter Eight

1 0 0
                                    

Celine's POV

Andito ko sa may Canteen sa school, kasama ko si Justine. May mga friends din naman akong girls kaso mas prefer ko si Justine atleast di ako pinaplastic. Yung iba kasi ganon..

"Justine may sasabihin ako sayo " Sabi ko ng naka ngiti.

"Ano?"

"Nanliligaw sakin si MJ."

"Ha? Ano? Sino?" Sunod sunod niyang tanong.

"Sabi ko nanliligaw sakin si MJ."

"Yung kapatid ni Vince?"

"Oo" sagot ko naman.

"Alam na nila Ate Pauline?"

"Hindi pa. Secret lng muna naten. Pag tttripan pa namin yung barkada e. "

"Sige sige. Pag ka niloko ka humanda sakin yan. " Ganyan naman yang si Justine mahal na mahal ako ayaw na nasasaktan ako e.

" Justine ayan nanaman. Hahaha"

"Subukan nga natin yang manliligaw mo." Sabi niya

"Panong subukan? "Tanong ko naman sakanya.

"Basta makisakay ka na lng sa gawin ko" tyaka siya ngumisi.

Nagugulat ako sa ginagawa netong si Justine sinusubuan niya ko ng fries tapos nag make face siya kaya natatawa ko. May dumi daw ako sa labi kasi yung ketchup na nilagay niya sa fries sinadya niya na mapunta sa gilid ng labi ko.

Pupunasan niya ng hawakan ko yung kamay niya kaso nung nahawakan ko nakadampi na yung tissue sa gilid ng labi ko kaya parang ang sweet namin tignan dahil diyan.

Nag vibrate yung phone ko sa may table namin. At kinuha yon ni Justine at peram daw.

"Justine akin na muna yan. Baka may nag text" sabi ko sakanya dahil baka nag text na si MJ tapos na siguro yung first subject niya.

"Wala hindi siya nagtext. Patext ako ha? " Akala ko pa naman nag text na.

Napasimangot ako nung sinabi ni Justine sakin yon.

Paglingon ko nakatingin siya dito.Si MJ Mukhang galit, bakit kaya?

"Phone mo oh." Abot niya tyaka siya tawa ng tawa.

"Bakit? Baliw ka na ba?" Tanong ko kay Justine. Nababaliw na yata e.

Pagbukas ko na phone ko. Ang bwisit na si Justine pinagtripan pala si MJ.

Binuksan ko yung conversation namin ni MJ.

At ang bwisit...

Nag send ng nag send ng picture namin ni Justine. Meron don mag ka akbay kami. Meron naman pasan pasan ako sa likod ni Justine. Yung Prom namin nung 4th yr na siya ang partner ko. Madami pang picture mag kasama kami.

Nung binaba ko lahat. Nakita ko yung text niya "Ang sweet niyo naman :D"

Tiningnan ko ulit yung table nila pero wala na siya.

"Gago ka Justine!" Sigaw ko dito sa katabi ko.

"Sinubukan ko lng kung totoo. Sige na nagselos na habulin mo na. " sabi niya sakin.

Pumunta ko doon sa may table nila.

"Hi. Hmm asan si MJ? Tanong ko sakanila.

"Hindi namin alam e. Umalis na nga lng bigla yon. Baka nasa room na."

Dali dali akong pumunta sa room nila. Iilan pa lng yung tao kai siguro break pa nila.

Nakita ko siya dun sa may sulok nagsusulat. Gumagawa siguro assignments.

"MJ.." tawag ko sakanya.

Aba't hindi ako pinapansin.

"MJ! " mas nilakasan ko pa yung boses ko.

"Bakit?" Hindi man lng umangat yung ulo niya para tignan ako o kaya tingnan kung sino yung tumatawag sakanya.

"Wala. Galit ka ba?" Tanong ko.

"Bat naman ako magagalit?" E di mali lng pala yung nakita ko kanina?

"Akala ko kasii. Sige una na ko." Nainis ako!! Hinabol ko nga siya, pero parang walang kwenta lng din yung ginawa ko. Kaya maka alis.

"Teka ngaaa. " Hinawakan niya ako sa may wrist.

"Ano?!" Galit na tanong ko sakanya.

"Ngayon ikaw naman galit. Sorry na ok?" Akala ko ba hindi siya galit kanina? Bwiset talaga to.

"Akala ko ba hindi ka galit?" Sabi ko sakanya.

"Hindi nga nagsese----." Huindi ko na narinig yung sinabi niyang huli dahil mahina na.

"Ano? Hindi ko nadinig." Sabi ko naman sakanya.

"Wala. Sabi ko ang sweet niyo naman." Malamig na sabi niya

"Baliwww pinagttripan lng ako non" Sabi ko sakanya.

"Weh? Bagay kaya kayo." 

"May girlfriend yon MJ"

"Oo. Ikaw?" Tanong niya sakin.

"Tangeks LDR sila ni Mitch."

Pag kasabi ko non tahimik na siya. Unupo ako doon sa may katabi ng inuupuan niya kanina.

Umupo na din siya sa tabi ko. Naka pangalumbaba ako sa may desk nakatingin sakanya at ginaya niya ko. Kaya mag katitigan kami ngayon.

Yung mga mata namin parang nag uusap dahil hindi ko mapigilan na huwag titigan yung mata niya.

Yung tibok ng pusoko ang bilis bilis.

Ano beyenn.

Nauna siyang umiwas ng tingin at tyaka ako kinurot sa pisngi..

"Aray ko!" React ko sakanya.

"Hindi kita matiis. Tara ihahatid na kita sa room niyo." Sabi niya

Pumayag naman ako dahil malapit na din naman na mag time.

Naglakad kami papunta sa room ko.

Ng makarating kami..

"Bye baby. Iloveyou" tyaka niya ko hinarap sakanya at kinissan sa Noo.

Namula naman ako sa ginawa niya kaya yumuko ako at nag bbye sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon