Celine's POV
Lumipas ang tatlong araw. Sa tatlong araw na yon masaya naman kami ni MJ. Na aattract na ko sakanya, feeling ko mahuhulog na yung loob ko sakanya dahil sobrang tamis sakin.
Kaso pinipigilan ko yung sarili ko na mahulog sakanya. Bakit? Hindi ko pa siya ganong kakilala. Yes gusto ko siya, pero paano kung dahil sa pagmamadali ko sa nararamdaman ko madali ding matapos yung relasyon namin. Kaya hayahay muna..
Hindi alam nila Pauline o kaya ng barkada ni Vince o barkada ko na nililigawan ako ni MJ.
Wala lng trip lng naming dalawa. Sabi naming dalawa hayaan na naming matuklasan nila. Hahaha
Dati hindi ako laging nagloload sa cellphone. Ngayon laging meron dahil lagi kaming mag katext ni MJ.
Nagkita kami nung nakaraang araw, pero kahapon hindi. Dahil kahapon umalis kami nila Kuya. Buong araw nga lng kaming mag katext e.
Hanggang ngayon mag katext kami, hindi ako pwedeng umalis ngayon kasi walang maiiwan na tao dito sa bahay.
Kaya ang ginawa ko tnxt ko si Pauline na pumunta dito sa bahay at ang sabi sige daw.
Mayamaya lng dumating na si Pauline. Gustong gusto ko ikwento sakanya yung samin ni MJ kaso yung usapan namin. Hahaha
"Baklaa! Bakit ba? " tanong ni Pauline sakin.
"Wala akong kasama dito sa bahay e. Gusto kong manood ng movie." Sabi ko naman.
"Ay wala pala kaming stocks ngayon. Hindi pa nag gogrocery si Mommy." Pahabol kong sabi.
"Papuntahin ko si Vince dito? Papadala ko pagkain. Ano, pwede ba?" Sabi naman ni Pauline. Ang mag ligaw talaga oh, hindi mapaghiwalay.
"Sige. Sabihin mo Pizza ha, tyaka ano pa ba masarap? Hmm Pringles tyka Ridges." Sabi ko kay Pauline.
"Ang mamahal naman non. " Sabi ni Pauline.
"Oo na. Babayaran ko kamo sakanya." Sabi ko nag crave ako doon e.
"Uy nag reply na. Pwede daw ba niyang isama si MJ? " Aba't naka ngisi pa habang nagtatanong tong si Pauline.
"Sabihin mo bawal. Hahha" sabi ko na natatawa.
Ilang minuto ang nakalipas naghahanap ng CD si Pauline. Ako naman naka upo sa sofa hindi pa niya tinitingnan yung cellphone niya kaya hindi pa niya sinasabi kung ano reply ni Vince.
May nag text naman sakin.
Fr: MJ
Miss na kita. Pumayag ka ng sumama ko :(
Hahahaha. Sht pagtripan ko kaya tong si MJ.
To: MJ
Neknek mo! Miss miss daw. Haha
Si MJ mismo yung nag palit ng name niya sa contacts ko. Abnormal nung huling nagkita kami hiniram niya yung cellphone ko dahil may titingnan lng daw siya. Tapos nung pag uwi ko nag text siya at sinabi niyang pinalitan niya daw. Wag daw ako magkakamali na palitan yon.
Kaya naman ang ginawa ko hindi ko na pinalita. Ok lng naman sakin yon crush ko naman e.
Fr: MJ
Dali na. Dadalhan kita MGA pagkain.
At alam neto na hobby ko ang pagkain. Weakness ko pa naman yon. Kaya naka capslock pa. Abnormal talaga tong si MJ.
Hindi na ko nag reply at sakto naman na nakahanap si Pauline ng CD. 3 Idiots yung tittle. Sabi niya intayin na daw natin sila Vince.
"Anong sila?! May kasama pa si Vince? " tanong ko.
"Oo magkasama kasi sila ni MJ. Nag basketball sa Gym sa Plaza. Dumaan lng daw sila sa Groceries saglit tapos dito didiretso dito." Sabi naman niya
Bat nagpapaalam pa tong si MJ. Akala ko napagtripan ko yun pala sa ayaw at sa gusto ko pupunta siya dito.
Nagpaalam naman sakin na lalaro siya pero nakakapag text pa sakin. Ewan ko dun, baka pa sub sub siya. May saltik kasi minsan yon.
"Ahh. May magagawa pa ba ako?" Tanong ko.
"Wala na. Kaya sit and relax ka na lng diyan" Sabi ni Pauline.
Nag chikahan kami ni Pauline habang hinihintay sila.
Tumunog yung cellphone ko.
Tumatawag si MJ...
"Hello?, ano?, bakit?"
"Ahh. Sige."
" Sino yon?" Tanong ni Pauline.
"Si MJ. Lowbat daw si Vince. Sunduin daw natin sa may gate." Sabi ko.
"Ayieee. Haha sige tara na." Sabi naman ni Pauline.
Sinundo namin sila sa may gate kasi nga baka hindi sila papasukin ni Guard.
"Kuya Levi! Bisita po namin yan, boyfriend ko po" sabi ni Pauline sa guard at tyaka niya tinuro si Vince.
"Dalaga na talaga tong si Pauline. Ikaw naman Celine? Wala ka pa bang manliligaw? "Sabi ni Kuya Levi. At tyaka ko tiningnan na ng aasar.
"Kuya Levi! Ikaw ha." Sabi ko naman.
"Ayan Kuya oh! Si MJ na lng bagay naman sila diba? Yiiiieee" Pang aasar naman ni Pauline.
"Oo nga Celine bagay kayo ni Pogi. "
"Nako Kuya Levi at Pauline! Kuya una na po kami ha? " Pag papaalam ko.
"Sige." Sagot naman sa amin.
Pumasok na kami ng bahay at yung lovebirds nandoon agad sa baba ng sofa namin. May carpet na naka latag doon. At doon lagi sila umuupo kapag nanonood kami ng movie.
Habang nanonood kumakain kami ng dala nila. Inaasar pa nga kami ni Vince. Dinamihan daw kasi ni MJ lahat nung mga gusto kong kainin, at libre na lng daw iyon.
Ako naman at si MJ ay ngiti lng ang sinasagot. Dahil tutok kami si pinapanuod pero habang nanonood ay mag katext kami.
Mukha kaming tanga pero I find it cute. Nag aasaran pa nga kami e.
Inabot na kami ng hapon sa kakapanood ng iba't ibang movie. Yung Pizza na nga lng ang ginawa naming lunch e.
Sabi ni Pauline pag tapos netong last movie, uuwina sila Vince at MJ. Ayoko pa nga sana e, kasi naman nag uusapna kami ni MJ.
Paraparaan din namankasi siya. At yung dalawa walang paki alam samin, dahil may sarili silang mundo.
Ngayon naman iniwan namin saglit sila Pauline at Vince sa Sala. At kami ni MJ ay gagawa ng meryenda.
"Ano ba gusto niyo? Sandwich o cake na lng?" Tanong ko.
"Hmm. Sandwich saken tapos sakanila cake." Sagot niya.
"Bakit naman? " tanong ko.
"Syempre mas gusto ko yung gawa mo kesa sa cake na hindi naman ikaw yung gumawa" sagot niya.
"Cake na lng Miggyyy tinatamad ako gumawa e. Next time na lng. Sige na pleasee" Tyaka ako nag pa cute
"Oo na. Sarap sa tenga ng Miggy" sabi naman niya.
Kinuha ko yung cake sa ref. At tyaka nag slice ng apat at inilagay sa plate. Tapos nag timpla naman si MJ ng juice.
"Hoy bat ang tagal niyo?" Tanong ni Pauline sakin.
"Matagal na ba yon? " tanong ko sakanya.
"Nako. Kayo ha ayieeee" pang aasar niya.
"Baliw kaen na oh" yaya ko naman sakanila.
Kumain kami at pagkatapos non ay inaantok ako, siguro kasi ang di kong nakaen. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..