Marco Ongpin sent you a friend request.
Nanlaki ang mga mata ko at inilapit ang phone ko sa aking mukha.
"What. The. Fudge." sabi ko sa sarili habang hawak pa rin ang phone ko at titig na titig dito.
Damang-dama ko ang malakas na pintig ng puso ko na parang anytime ay sasabog na. Nakabibingi rin ang katahimikan na parang mas lalong nagpapakaba sa akin. Ang daming katanungang tumatakbo sa isip ko habang pinagmamasdan pa rin ang screen ng phone ko.
Bakit niya ako in-add?
Naalala kaya nyang ako yung nakipag titigan sa kanya?
Paano niya ako nahanap sa Facebook?Siguro ay nakita niya ako sa isa sa mga shared photos namin nina Pat at Cha. At naalala niyang ako yung nakatitig sa kanya noong pagkatapos ng funeral mass ng kanyang ama? Hay ewan ko! Kung anuman ang dahilan ng pag-add niya sa akin, siya na lang ang nakaaalam non.
Bumangon ako sa pagkakahiga at mahigpit pa ring hawak ang aking cellphone. Muli kong tinignan ang notification ko.
Marco Ongpin sent you a friend request.
Ano ba to? Panaginip ba to o totoo? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Halu-halong kaba, confusion, at saya ang nararamdaman ko.
Kinakabahan ako kasi baka nga naalala niya yung pagtititigan namin. Nacconfuse ako dahil hindi ko alam bakit nya ako in-add. Never naman kaming nag usap. Ang tanging naging connection lang talaga namin ay ang eye contact lang talaga. Pero parang naglulundag ang mga paru paro sa tiyan ko dahil sa tuwa. Eh kasi ba naman, kanina lang ay gusto ko rin syang i-add pero nag aalangan ako, tapos eto sya, nag send ng friend request. Kaloka diba???? Or OA lang ako?Mga ilang minuto ako nakatingin lang sa phone ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Juskoooo magkakajowa na ba me? Eme!!!!
Syempre may girlfriend siya no. For sure mahal nila ang isat isa. At sino ba naman akong kakinisan at kagandahan para mag isip isip ng mga ganyan? Di hamak na wala man lang akong laban dun sa jowa niya. So shutup na Maddison at wag nang mag assume dahil in the end, baka wala naman talagang intensyon to at gusto lang talagang makipag kaibigan.
Accept or Ignore?
Grabe lang Maddison at pinag iisipan mo pa talaga? Ang kapal naman ng mukha ko para magmaganda kung iiignore ko siya. Palay na nga ang lumalapit, tutukain ko na lang. Cheret!Bago ko pa sya iaccept ay tinignan ko muna ulit kung siya nga ba talaga ang tunay na Marco Ongpin na nakita namin sa funeral mass noong isang araw.
Stalk.
Stalk.
Stalk.
Jusko mamsh! Siya nga talaga to. Tapos lumitaw na sa mutual friends namin sina Pat at Cha.
Halos nakailang dasal na ako at tanong kay Lord kung dapat ko ba tong iaccept kasi hindi talaga ako mapakali. Makalipas ang mga ilang minutong pag stalk sa iilan lang naman na public posts ni Marco, bumalik ako sa pinakatuktok ng Facebook profile niya para iconfirm na ang friend request niya.
Respond to Friend Request ✔
You are now friends with Marco Ongpin
Omg!!!! It's official!!!! Waaaah kahit paano ay masaya ako dahil friends na kami kahit Facebook lang naman. Wala rin kaming ibang mutuals liban sa dalawa kong kaibigang in-add lang din nila kaninang hapon. Nakita ko na rin ang mga private posts nya na naistalk na rin namin kanina. Hays typical na ginagawa ng isang tao pag nag aadmire sa crush niya. Tamang stalk lang.
Pero wait? Crush ko na rin ba sya? Siguro nga. Jusko naman Maddison no? Di pa ba obvious?
Oo na sige na. Crush ko na nga rin siguro. Nung time na nagkatitigan kami, parang may something na magic ang nangyari na di ko mawari dahil nagkaroon kaagad ako ng connection emerut sa kanya kahit ako lang naman yata talaga ang nakaisip non at nag ffeeling lang talaga ako. Pero kakalimutan ko na lang yon dahil ang importante ay friends na kami ngayon.
Iniisip ko rin if sasabihin ko rin ba kila Cha at Pat na inadd ako ni Marco pero naisip ko na ang dami pang eexplain pag sinabi ko pa. Siguro malalaman rin naman nila sa mga susunod na araw bilang daig pa nila ang mga NBI at SOCO sa pag iimbestiga at pag stalk sa mga crush nila. Or baka nga ngayon, alam na nilang friends na kami ni Marco sa FB eh.
Halos isang oras akong nag stalk sa mga pictures niya. Halatang high class sila dahil mga pangmayaman ang mga kinakainang resto, mga resorts na tanging mga bilyonaro lang ang nakakapunta, at kabi-kabilang outings, at events kasama ang mga kilalang personalidad, artista, pulitiko, at marami pang iba. Edi sila na! Sana all na lang talaga eh!
Nakita ko rin ang ilang photos ni Marco together with his gf. Bagay na bagay sila! Ang swerte nila parehas. Maganda at gwapo at unang tingin mo pa lang sa pictures nila, alam mo nang may forever ganern! Inlove na inlove sa isat isa. Hay nako sana all talagaaaa! Kelan kaya ako magkakaron ng ganong picture tapos lahat ng makakakita, masasabi nilang super duper todamax na inlove sakin yung jowa ko? Hmmm in God's time pero sana talaga malapit naaaaa.
Ang sarap pa rin matulog today kasi nakasama ko mga kaibigan ko, tapos ang dami pa namin nakain, napagchikahan, at ngayong gabi in-add ako ng crush ko.
Ang dami ko na rin naging crush before kaso alam mo yun, habang tumatagal, nawawala rin naman. So pag tumagal rin to, for sure mawawala rin naman to kasi ganon naman talaga pag crush.Alas diyes na nang gabi nang napagpasyahan kong matulog na. Kusa na rin ako napapapikit sa antok habang nagtu Twitter, Instagram, LYKA, at Facebook. Grabe tong araw na to! Ang daming hanash talaga ng buhay at bigla ka na lang din talaga gugulatin anytime.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nang bigla ulit akong nagising nang tumunog ang phone ko na hawak ko pa rin pala.
+63917xxxxxxx is calling..
Halos mabingi ako sa tunog ng phone ko at agad ko itong sinilent at pinagmasdan ang numerong tumatawag sa phone. Nang marealize kong kilala ko ang numerong tumatawag ay agad ko itong ibinaba.
Humiga ulit ako at bumaling patalikod.
Madilim ang paligid ng kwarto kaya't kitang kita ko pa rin ang liwanag sa screen ng phone ko. Malamang ay hindi pa rin ako tinitigilan ng tawag na iyon.
Kinuha ko itong muli at bumangon. Pinagmasdan ko ulit ang tumatawag. Ano na naman kayang kailangan nito ngayong dis oras na ng gabi?
Nang tumigil ang pag tawag ay nakita ko ang 6 missed calls and 43 messages nya:
Nandito ako sa labas.
Please answer me, Maddison. Kahit ngayon lang.
I need you. Gusto ko lang ng kausap please.
Wala na si mama. I wanna talk to you so bad. Kahit ngayon lang please, Maddison.
Iyon pa lamang ang mga nababasa ko at lumitaw ulit sa screen ang numerong tumatawag.
+63917xxxxxxx is calling..
Napabuntong hininga ako at sinagot ang call.
"Sige na, bababa na ako, Hans."
Really, life is full of surprises today.
XxxHi everyone! Please vote or comment if you enjoy the chapter. 🤗 thank you and Happy New year everyone!!
BINABASA MO ANG
Everything I Never Had
Romancethelivingtaro©️ All rights reserved Sabi nila, ang namumuhay sa musika ay namumuhay rin sa pag-ibig. I'm in love with my passion, singing. Sabi ng mudra ko, three years old pa lang daw ako, kumakanta na ako. Laging nag pperform kahit nung kindergar...