"Huy Mads?? Nakatingin sya sayo??? Omgggg!!!!!!!!!!!"
Parang tipong bumukas ang pintuan ng langit at may bumabang isang inosenteng anghel na napakaamo ng mukha at mapupungay na mga matang ngayon ay nakatitig rin sa akin.
Tall.
Dark.
HANDSOME!!!!Ramdam ko ang bahagyang pagbukas ng labi ko. Naamaze ako sa lalaking ilang dipa lamang ang layo sa akin na nakasuot ng barong na akmang akma sa hubog ng kanyang katawan. Sobrang disente nyang tignan. Lalo na pag napagmasdan mo rin yung buhok niya na parang dinilaan ng butiki sa sobrang ayos at parang hindi magugulo kahit tapatan ng electric fan na naka todo sa number 3. At lalo na yung mata nya na halos tinutunaw ka!!!
O__________O
Geez????? Ngayon ko lang narealize na mga ilang segundo na kaming magkatinginan?Pano ko ba alisin ang tingin ko sa kanya na parang hindi awkward? Pero kahit pilit kong tanggalin yung tingin ko sa kanya, parang ayaw naman gumalaw ng mata ko teh! Pano gagawin ko? Saan ako lilingon? Pipikit na lang ba ako? Huhu ano kaya iniisip nya habang magkatitigan kami??? Nakakahiya!
Looooord!!! Pano po ito?
Helpppppp!Hindi pa rin naaalis ang tinginan namin nang may isang balingkinitang babae ang lumapit kay babe.. ay este, sa crush ng mga kaibigan ko, dahilan para matanggal na ang namumuong pagtitinginan naming dalawa. Weh???
Ah basta! Buti na nga lang may lumapit sa kanya na magandang babae na maputi at mas maliit sa kanya. Tapos inabutan sya ng bottled water. Hanggang dun na lang yung nakita ko at agad na akong tumalikod dahil baka mamaya ay makasalubong ko pa sya or baka kung ano na isipin nya kung mananatili akong nag oobserve kuno sa kanya.
At paano ko nga ba nakalimutang may dalawa pa akong kasama na nasa likod ko lang pala at ngayon ay nakatingin naman sa akin.
"Wow! Muntik na kaming matunaw sa inyo, Maddison ha?" walang emosyong sabi ni Pat saktong pagharap ko sa kanila. Bakas na bakas kong sobrang na amaze rin sila nung humarap sa amin yung crush nila.
"Ang lupet mo! Nakipagtitigan ka dun sa lalaking gwapo? Sana all!!"
Nagtawanan silang dalawa habang napairap naman ako dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko.
"Ano ba pinagsasasabi nyo? Ang awkward kaya! Tara na, lumabas na tayo dito."
Dumaan ako sa gitna nila para matigil na ang tawanan nila, tapos sumunod na rin sila sakin papunta sa sasakyan.
Nagpadiretso ako sa school para humabol sa klase. Maaga pa naman para sa next subject ko at saktong oras ng lunch ng mga kaklase ko kaya naman pumunta agad ako sa cafeteria at di nga ako nagkamaling nandun ang ilan sa kanila at ang bespren kong si Joy.
"Huy!" gulat ko kay Joy na may kasamang pagkiliti sa tagiliran nya habang humihigop ng soup.
"Puuuut----"
"Oh ano? Sige? Hahahaha!""Hay nako Maddison Zamora ka! Kita mong humihigop ako dito eh!" Kunot noong sabi ni Joy. Galit na galit, kala mo naman!!!
Nilagay ko na muna yung gamit ko sa katabing upuan ni Joy at dumeretso na sa counter para umorder. As usual, sisig inorder ko. Super sarap talaga kasi ng luto nila sa sisig. Tapos pag nachambahan mo pa na natimplahan mo ng masarap yung sauce! Ay puchaks (pucha+chaka= puchaks)!!! Solid!!!
Nang makaorder na, bumalik ako kay Joy na ngayon ay mukhang asar pa rin dahil sa pangingiliti ko kanina.
"Ano? Hindi kayo pinakain dun sa kanta nyo?"
Tanong ni Joy habang may laman pang pagkain yung bunganga nya. Ganyan yan talagang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Everything I Never Had
Romancethelivingtaro©️ All rights reserved Sabi nila, ang namumuhay sa musika ay namumuhay rin sa pag-ibig. I'm in love with my passion, singing. Sabi ng mudra ko, three years old pa lang daw ako, kumakanta na ako. Laging nag pperform kahit nung kindergar...