CHAPTER 15

5 1 0
                                    

~~~ YVES POV~~~
Nasa Korean Restaurant kami ngayong tatlo at dito napiling kumain ni Tiffany at dahil sa katakawan niya halos lahat ng nasa lamesa maubos na niya.

" hindi mo naman sinabing malakas pala to sa kainan pero hindi halata sa katawan- bulong  sakin ni Kaius na nasa tabi ko.

" Hindi ka naman nagtanong ano nagsisisi kana ba?-  tanong ko sa kaniya.

" no I'm not actually it was really fun- natatawang sambit ni Kaius sakin habang nakatingin kay Tiffany na nasa tapat namin.

Fun? Anong nakakatuwa sa katakawan ng babaeng to?

Palagi siyang gutom ewan ko ba sa kaniya may alaga yata siya sa tiyan niya na palaging nagbibigay ng signal kapag gutom na siya.

"You won't be happy after seeing her full - sabi ko kay Kaius kasi alam ko na susunod nito eh.

" Ang sarap ng pagkain nila--- sumakit tuloy tiyan ko Hehehe Sandali lang ah punta muna ako sa comfort room- paalam niya kaagad samin ni Kaius.

I knew it! TSK.

Magdudumi na naman siya .

" Sinasabi ko na nga ba TSK, ang babaeng yun ang hilig niyang kumain ng madami pero pagkatapos naman ay dudumi lang din siya- sabi ko pa.

" Hindi mo ba alam na yun ang way ng mga babae kaya sila mas lalong curvy? Kasi nga palagi silang nagdudumi--- teka nga sino ba sa atin dito ang may ari ng hospital ha? Mukhang mas maalam pa yata ako sayo tungkol sa healthy thingy, eh- sagot naman sakin ni Kaius.

"Ano ba trabaho ko? Doctor?- pamimilosoponh tanong ko kay Kaius.

" abogado ka nga sabi ko HEHEHE -  sabi  naman niya sakin kaya napasmirk nalang ako sa kaniya. " Yves yung sinabi ko kay Tiffany kanina totoo yun gagawan ko ng paraan para magkita sila ng idol niya para naman sumaya yung tao palagi mo nalang kasi siyang pinapagalitan - dagdag niya pa.

" Madami ka bang pera pambayad ha? Kung makapagpangako naman to."

" Anong akala mo sakin mahirap? Hoy Yves wala yata sa lahi namin ang nauubosan ng pera no! --- pero mas mapera ka naman ngayon satin ikaw nalang bumayad para naman makabawi ka sa ginawa mong kalupitan kay Tiffany-  sabi  ni Kaius sakin at bigla nalang nag-isip ang utak ko dahil sa sinabi niya.

"Pumayag ka nalang kasi para naman makabawi ka.",

" Ayaw ko nga bahala ka ikaw ang nangako sa kaniya kanina diba? Kaya panindigan mong hayop ka!- sabi  ko naman sa kaniya at bigla nalang kaming natawa pareho dahil sa nasabi ko sa kaniya.

" Maiba nga pala ako Yves ano okay na ba kayo ng brother mo?- tanong  ni Kaius sakin kaya naman napawi kaagad ang mga ngiti ko sa labi. " Nasabi mo na kay Maddy about sa pangangaliwa ng kuya mo?- tanong niya pa.

" I don't want to be the cause of their arguments that's why I didn't tell Maddy about it- sagot ko.

" Siguro kung na sayo lang napunta si Maddy I'm sure masaya ka rin ngayon hindi ka naka fierce palagi- sagot naman ni Kaius.

" Paano mo naman nasabing magiging masaya ako? Tsk Kaius hindi ako magiging masaya kapag napipilitan lang yung tao na pakisamahan ako ayaw ko ng ganon- sagot ko kay Kaius.

" Ang sakit nun dude mismo kapatid mo pa ang umagaw sayo sa mahal mo tsk, buti nalang talaga wala akong kapatid-  sabi  ni Kaius sakin at uminom siya ng drinks.

Paano kaya nalaman ni Yexel ang tungkol samin ni Maddy?

Sino ang nagsabi sa kaniya about it?

Ang nakakaalam lang nun ay ako si Kaius at si Maddy at wala ng iba pa.

PROTECTED BY A MAFIA BOSS  ( COMPLETED ☑️ ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora