CHAPTER 31

9 1 0
                                    

~~~ TIFFANY'S POV ~~~
Pinapahinga muna ako nina direk dahil sa nangyari sakin kahapon kaya naisipan kung puntahan si Yves sa condo niya since magaling na naman ako.

Iba pa rin talaga kapag siya na mag-alaga kasi lalakas ulit ang katawan ko eh.

Naka disguise ako ngayon para walang makakakilala sakin kapag umaalis ako, pagdating ko sa condo hotel niya ay nakasalubong ko ang isang babae na pamilyar sakin kaya binaba ko ang shades sa eyes ko at tinignan siya ng maigi.

Parang kilala ko tong babaeng to ah?

Hmm!!! saan nga ba kami nagkita nito?

Bigla namang sumagi sa isipan ko nung nasa korea ako at nasa isang mall kami dun sa korea ni Ely at nagkaagawan kami ng shoes nung babaeng yun.

Teka!? Hindi kaya siya yun?

Omy!!! Siya nga!

Aba akalain mo nga namang ang ganda ng OOTD niya, pero keri lang hindi pa rin siya kakabog sa OOTD ko mga bebs.

Mas nilakasan ko naman ang confidence ko dahil ang ganda ng suot ko ngayon isama mo pa ang shoes na pinag-agawan namin dun sa korea pero ako yung nanalo saming dalawa.

TIFFANY LANG SAKALAM.

Nagtake ako ng elevator papunta sa condo unit ni Yves para surpresahan siya.

Pagkalabas ko naman ng elevator ay dumiretso ako sa condo niya at nagdoorbell kaagad at doon ko na tinanggal ang shades ko.

"I told you to go--- Tiffany?- gulat niyang sabi sakin.

Niyakap ko naman siya kaagad dahil namiss ko siya.

" W--Why are you here?- takang tanong niya sakin kaya bumitaw na ako sa pagyakap sa kaniya.

" Are you surprised? - nakangiting sabi ko naman sa kaniya.

" Ye--Yeah - nabubulol na sagot niya.

Pumasok naman ako sa condo jiya at nakita ko dun si Mavy at naglalaro ng toys niya.

" Hi Mavy- bati ko naman sa kaniya.

Nung narinig niyang may tumawag sa kaniya ay kaagad siyang tumigil sa paglalaro niya at nilingon ang kinaroroonan ko at nung marealize niyang ako yung tumawag sa kaniya agad siyang tumayo at tumakbo papalapit sakin at niyakap ako ng napakahigpit.

" Tita Tiffany I miss you po- saad niya naman, ang sarap naman sa tengang marinig yun mula sa kaniya.

" I miss you too Mavy- sabi ko naman sa kaniya.

Nakita ko namang nakangiti si Yves sa aming dalawa pakiramdam ko tuloy para kaming magpamilya HAHAHA. Wala lang feeling ko bakit ba?

" Bakit ka ba nandito? Diba dapat may taping kayo ngayon? - biglang pagsusungit na tanong niya sakin.

"Pinapahinga nila ako ---

" Sana nagpahinga ka nalang dun paano kung magkasakit ka ulit? Tigas talaga ng ulo mo- inis na sabi niya naman sakin, Ang kyut niya naman mainis HAHAHA.

NAKAKAKILIG.

" Magaling na kaya ako magaling kasi ang doctor ko eh - sabi ko naman at sabay bulong ng. " Ang love mo lang kailangan ko para gumaling ako - banat ko pa at sabay kindat na ikinabigla niya.

PROTECTED BY A MAFIA BOSS  ( COMPLETED ☑️ ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora