CHAPTER 19

11 1 0
                                    

~~~ YVES POV ~~~
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang pinangako ko sa sarili kung tutulongan ko si Tiffany na linisin ang pangalan niya sa pilipinas ng hindi niya nalalaman kaya bumangon ulit ako para kunin ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko ring Abogado.

" attorney De Guzman napatawag po kayo?-  tanong ni Attorney Bautista sakin.

" May ipapagawa sana ako sayo habang wala ako dyan sa pilipinas-  sabi ko pa sa kaniya.

" Ano yun?."

" Alam kung alam mo ang case ni Tiffany Miranda na nakapatay siya ng tao which is yung kaibigan niyang artista rin diba?."

" Opo, hindi ba dinismiss na yung case niya?."

Dinismiss na yung kaso niya? Paano?

" how is it happened?-  takang tanong ko naman sa kaniya.

" Hindi niyo po ba alam yun?.

"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?-  sarkastikong tanong ko naman sa kaniya.

" Sorry po, ganito kasi yung nangyari matagal ng na dismiss yung kaso ni miss Tiffany Miranda sa kadahilanang naniniwala ang pamilya nung biktima na walang kasalanan ang suspect dahil wala din namang ipinapakitang evidence  na si Miss Tiffany talaga yung pumatay sa kapwa niya actress-  sabi pa niya.

" Then if na dismiss na yung case bakit marami pa ring nagtatanong sa kaniya about her case especially medias?-  tanong ko naman sa kaniya.

" Secret dismissal kasi yung nangyari itinago nila ito sa publiko dahil gusto nilang pahirapan ang actress, satin-satin lang to Attorney ha, wala din kasing nakakaalam na iba sa sekretong yan-  sabi niya pa sakin.

" Bakit pa nila kailangang e sekreto kung gayong naniniwala naman ang parents ng biktima na walang kasalanan si Tiffany?."

" Ginawa yun ng korte suprema na itago muna dahil gusto nilang malaman kung sino talaga yung tunay na suspect sa likod ng krimeng ito-  sagot niya naman sakin.

" Pero dahil sa ginawa nila may taong nahihirapan, hindi ba nila naisip kung gaano masasaktan yung pinagbibintangan nila, kung pinagpatuloy pa ang maling ginagawa nila!!-  galit namang sabi ko.

" Sinong humawak sa kaso ni Miss Tiffany? I want to know-  tanong ko sa kaniya.

" Si Attorney Rodney  Valdez yung humawak sa kaso ni Miss Tiffany -  sagot niya sakin.

PROTECTED BY A MAFIA BOSS  ( COMPLETED ☑️ ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora