CHAPTER 1

33 2 0
                                    

~~~ Yves Pov ~~~

naramdaman ko naman na wala ng flash ng cameras kaya tumingin ako muli sa kanila yun pala hinarangan yun ni Kaius para walang flash ang makadapo sakin.

" put down your cameras and let's talk nicely and not this way- kalmadong saad ni Kaius sa kanila.

" at bakit ka naman namin susundin? palabasin niyo na kasi yang babaeng yan para walang problema- galit na sigaw nung lalaking reporter kay Kaius.

sinilip ko naman yung babae sa loob ng kotse ko at nakadapa siya sa likuran.

pumasok ulit ako sa kotse ko at hinawakan ang kamay nung babaeng yun na ikinagugulat niyang tumingin sakin.

" kriminal ka ba ha! bakit ka nila gustong palabasin sa kotse ko? - tanong ko sa kaniya.

" excuse me no! hindi ako kriminal sa ganda kong to kriminal lang tingin mo? hell--

hindi ko siya pinapatapos dahil inilapit ko siya sa mukha ko habang may galit na tingin pa rin sa kaniya.

" get out ayaw ko madamay sa gulong dulot mo.

tinignan niya lang ako at hindi man lang siya gumagalaw sa kinauupuan niya.

may biglang kumatok naman sa kotse ko at doon pa siya gumalaw at nakita kong may isang lalaki ang kumaway sa babaeng ito.

binitiwan ko naman siya at lumayo sa kaniya.

" hoy mr. sungit kapag makita mo ako sa susunod talagang pagsisihan mo to isang kagaya ko tinanggihan mo! cheee dyan kana!

pagkasabi niya nun ay saka na siya lumabas rito at doon ko rin napagalaman na kasama niya pala yung kumatok kanina at maraming body guards sa paligid na nakabantay sa babaeng yun at saka pa siya pumasok sa loob ng Van.

tsk! kahit magkita pa kami ng ilang beses wala akong pakialam.

" dude tara na sibat na tayo.

inayus ko naman ang upo ko at nagsuot ulit ng seatbelt.

" Sayang maganda pa naman ang isang yun, sana nagpakilala na rin ako sa kaniya.

" tsk! maganda na ba yun? parang hindi nga eh- sabi ko naman.

" Siya si Steffany Miranda, Tifanny ang tawa---

" The hell I care to this Girl Kaius let's just go - sabi ko naman at pinaandar ulit yung kotse ko.

" alam mo magku-kuwento pa rin ako sayo dahil siya ang babaeng tinutukoy nila na kailangan ng katulad mo- sabi naman ni Kaius sakin.

siya ang artistang tinutukoy nila ?

tss!! mas lalo tuloy akong hindi papayag dahil sa attitude din ng babaeng yun nakakairita.

" Yves look si Ms. Tiffany natanggal siya bilang isang artista at wala ng gustong kumuha sa kaniya dahil sa mali-mali niyang nagawa kaya halos ng mga tao sa paligid niya hate na siya at yung nakita mo kanina isa na sila dun- sabi pa ni Kaius sakin.

" Problema na niya yun bakit pa siya mandadamay ng iba pinasok niya yan kaya manigas siya! - galit na sabi ko.

" wag ganyan Yves oo alam ko naman na may galit ka sa babae dahil sa nangyari sayo pero this time naman sana pumayag kana imagine kung hindi mo nagawang protektahan ang dad mo noon sa iba mo nalang gawin diba? mas mabuti pa yun.

" Good? tsk! yun na nga ang palaging tumatatak sa isipin ko marami na akong na po-protektahang tao pero mismo ang sarili kong ama hindi ko na protektahan at yun ang pinakamasakit sa lahat! - galit na talagang saad ko.

PROTECTED BY A MAFIA BOSS  ( COMPLETED ☑️ ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora