CHAPTER 41

9 1 0
                                    

~~~~~~ ENRICO'S POV ~~~~~
ANO KAYANG GAWIN KO SA ISANG TO?

HMMM??

Nakatali si Yves sa upuan ngayon habang wala pa rin siyang malay.

Kinuha ko yung cellphone niya atsaka tinignan ko kung mabubuksan ko ba pero hindi ko naman mabuksan kasi may password.

Lintik na yan! Uso ba yang password na yan?

" Boss gigisingin ko na ba yan?-  tanong sakin ni Alex.

"Yeah please-  sagot ko naman at umupo sa tapat ni Yves para kapag gumising siya ako agad ang makita niya.

Inaalog-alog nila si Yves pero hindi ito gumising kaya naka decide silang buhosan nalang ito ng tubig.

Napagising naman si Yves at sinalubong ko agad siya ng isang masarap na ngiti na may halong pang-aasar din.

" Hayop ka!! Pakawalan mo ako at magtutuos tayong dalawa -  sabi naman niya agad sakin habang gustong-gusto na niyang makawala galing sa pagkakatali niya sa upuan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! MASAYA BA DYAN?-  sarkastikong tanong ko sa kaniya.

" DAMN YOU ENRICO!!! KAPAG NAKATAKAS AKO DITO MAGSISISI KA!!-  galit na sigaw niya.

" NAKAKATAKOT NAMAN YAN YVES HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-  natatawang sabi ko pa sa kaniya, atsaka nilapitan ko siya. " PANONG TAKAS?-  pang-aasar ko naman sa kaniya.

Galit siyang nakatingin sakin habang ako naman ay tinawanan pa rin siya atsaka biglang sumeryoso para sakalin siya.

"Alam kong ikaw ang pumatay kay Mr. Valdez!!- galit na sigaw ko sa kaniya habang sinasakal ko siya. " PINAGMANEHO MO SIYA AT TINANGGALAN NG BRAKES ANG KOTSE NIYA PARA KAPAG MABABANGGA SIYA MAMATAY SIYA KAAGAD!!! HUH!! ANONG AKALA MO HINDI KO ALAM ANG TUNAY MONG PAGKATAO HA! KUNWARI ISA KANG DIYOS SA HARAPAN NG MARAMING TAO PERO ANG TOTOO NIYAN IKAW  AY ISANG DEMONYO ANG NABABAGAY SAYO AY IBALIK SA PINANGGALINGAN MO!!-  sigaw ko naman sa kaniya habang may pangigigil ang mga kamay kung nakahawak sa leeg niya.

" SIGURODUHIN MO LANG NA MAPAPATAY MO AKO NGAYON DAHIL KUNG HINDI BUONG BUHAY MO YUNG PAGSISISIHAN!!-  galit na pananakot niya pa sakin.

Dahil sa tindi ng galit ko ay sinuntok ko siya ng dalawang beses sa mukha niya kaya nahulog siya sa sahig sa lakas ng pagsuntok ko.

Nakatali pa rin siya sa upuan at ang buong akala ko ay masasaktan siya sa ginagawa ko pero mukhang kinukulangan yata siya at gusto niya pa talagang masaktan lalo.

" Turuan niyo nga ng leksyon yan para matauhan-  utos ko naman sa mga tauhan ko. Atsaka umupo ulit sa kinauupuan ko kanina .

" Masusunod boss-  sagot naman ni Alex sakin, kitang-kita rin sa mga mata niya na kanina pa siya nangigigil na makasakit sa katawan ni Yves kaya pagbibigyan ko siya ngayon.

Napatingin ulit ako kay Yves at doon pa nila pinagsisipa si Yves ng maraming beses. Ini-enjoy ko naman ang nakikita ko ngayon dahil kulang na kulang pa yan sa ginawa niya kay Mr. Valdez.

Ano kaya kung patayin ko rin siya? Para fair ang labanan diba?

Hmmm?

" MATUTO KANG GUMALANG SA NAKAKATAAS SAYO!!-  sigaw naman ni Alex sa kaniya na sinang-ayunan naman ng ilang mga tauhan ko.

Tinignan ko si Yves at nagtitiis siya sa sakit na nararamdaman niya may mga dugo na ring lumalabas sa bibig niya kaya mas lalo akong sumaya.

" Masakit ba Yves?-  pang-aasar na tanong ko pa sa kaniya habang may halong pagtawa na rin sa huli.

PROTECTED BY A MAFIA BOSS  ( COMPLETED ☑️ ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora