Maaga akong nagising dahil balak ko sanang magluto para kay lola. Sabi niya kasi saakin masarap daw akong magluto ng Pochero kaya gagawa ako ngayon. Mabilis akong kumilos at inayos ang aking sarili sa aking CR.
Pababa palang ako sa hagdan ng makita kong busy na naman ang mga maids. Siguro naghahanda sila para sa party mamaya. Nagpatuloy nalang ako sa pagbaba ng hagdan at naglakad papunta sa kusina.
"Magandang umaga ho Señorita, kakain na po ba kayo?" Rinig kong tanong ng isang maid sa akin. "Ahm hindi po, gusto ko sanang magluto para kay lola, pwede po ba?" Balik kong tanong sa kaniya.
"Oo naman po, magpatulong nalang po kayo sa paghahanda ng mga sangkap para sa lulutuin niyo Señorita," sagot ulit ng maid.
"Ay wag na po. Ako nalang kaya ko naman, ipagpatuloy niyo nalang ang inyong ginagawa sa paghahanda para mamaya." Sagot ko sa kaniya at bahagya akong ngumiti.
Nag bow naman siya saakin, "Sige po señorita, aalis na po muna ako." Pagpaalam niya saakin at tumalikod na nga siya at lumabas ng kusina.
Tumungo na ako sa mga malalaking cabinet para hanapin ang mga sangkap na kailangan ko at ang iba naman ay nasa ref nakalagay. Tahimik lamang akong nagluluto habang pabalik-balik ang mga maids sa kusina at sa storage room siguro ay sa dirty kitchen sila magluluto, sa sobrang daming lulutuin hindi ito magkakasya sa kusina.
Nang makita kong kumukulo na ang niluluto ko, kinuha ko ang sandok at tinikman ito. Ng malasahan ko ito at sakto na ang lasa, in-off ko na ang stove at inihanda ang mesa dahil ipapatawag ko na si lola sa itaas.
Habang nag-aayos ako nakita ko ang isang maid kaya sinabihan ko siyang tawagin si lola at kakain na kami. "Sige po Señorita." Sagot ng maid sakin.
Hindi nagtagal nakita kong papasok na si lola sa kusina kaya binilisan ko ang lakad at sinalubong siya ng halik at yakap. "Good morning po lola. Sabay na po tayong kumain dahil nagluto ako ng Pochero, alam ko kasing masasarapan ka nito." Masiglang bati ko sa kaniya.
"Aba'y oo naman, talagang masarap yang luto mo. Alam naman natin yan," sagot ni lola. "Sinarapan ko talaga ito lola. Atsaka gusto ko po kayong makasabay kumain ngayon." Sabi ko sa kaniya.
Mahina lamang kaming nagtawanan at iginiya ko na siya sa kaniyang upuan at nilagyan ng pagkain ang kaniyang plato.
"Lola... marami po bang tao mamaya? Nakita ko kasing sobrang busy ng mga katulong eh," tanong ko sa kaniya.
"Lahat ng kakilala ko dito sa Kapatagan aba'y inimbitahan ko na. Para naman maging masaya ang party na ibinigay ko sa iyo." Masayang sabi ni lola.
"Naku, lola pwede naman sanang tayo nalang. Masaya naman na ako na nakauwi ako dito kaya ayos lang sana kahit walang party." Sagot ko sa kaniya. Nakita ko lang na mas lumapad pa ang ngiti ni lola. Naku, itong si lola talaga ang lakas ng trip.
Naalala ko dati noong umuwi kami ni papa dito, nagtaka kami bakit ang daming tao yun pala nagpaparty siya dahil umuwi daw kami. Hindi naman kami pwedeng sumalungat happiness niya kasi iyan.
"That's my happiness apo, that's why I'm always throwing a party here," sabi niya sabay ngiti. Tumango nalang ako at nginitian din siya.
"Oo nga pala lola, I really like the gown you gave to me. Sobrang elegant even though its just simple." Sabi ko. "Pinagawa ko talaga iyon Talla, doon sa matagal na nating designer wala parin kasi siyang kupas, maganda parin ang gawa niya." Sagot naman niya.
"Honestly, excited akong soutin iyon mamaya La, but at the same time it makes me sad. Naalala ko kasi iyong pinaka huling time na nagsout ako ng gown iyong buhay pa si papa. But dont worry, I'll promise that I'll make myself happy." Ngitian ko siya at ipinakitang sincere ako sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Thrill of the Chase (#1)
Narrativa generaleThe life of Catalleya Monique Villamonte was indeed perfect. She's beautiful, kind, intelligent and also talented. She also have caring and loving family in short she is what we called one of those lucky people in this cruel world, but that was befo...