Bago ako natulog inayos ko na lahat ng gamit at mga damit ko. Hindi naman ganoon kadami ang mga gamit ko dito, at mabuti rin iyon. Nang matapos ko ng ayusin at ilagay sa aking maleta ang mga damit ko, pumunta ako maliit kong cabinet at binuksan iyon
Umupo ako sa sahig para pumantay ako sa cabinet. Napangiti nalang ako ng makita ang mga albums ko, mga bagay na ibinigay nina mama at papa. Itong cabinet nato ay puno ng aking mga sentimental things.
Una kong kinuha at binuklat ang isang album. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha, family picture naming tatlo iyon. Ako, si papa at si mama, hinaplos ko larawan na mas lalong nagpa iyak saakin. Bakit ba umabot sa ganito ang buhay ko iyan palagi ang aking katanungan.
I can't even remember kung may nagawa ba akong kasalanan sa kanila.
Noong namatay si papa nagsikap parin ako kahit durog na durog ako noon. Pinilit kong maging maayos para hindi ko mapabayaan ang pag-aaral ko. Dahil iyon ang gusto ni papa, makapagtapos ako at maging mabuting anak sa kanila.
Pinusan ko ang aking mga luha at mabilis na inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ko ng ilagay lahat sa maleta. Kinuha ko ang cellphone at nagpa book ng flight. Uuwi na ako sa probinsya, alam kong mas maaalagaan ako doon.
Hindi naman siguro ito pagiging selfish diba?
Kasi nagtiis naman ako, ginawa ko naman ang gusto nila. Nagtimpi ako sa lahat ng mga ginagawa nila saakin. Bakit ba ayaw nila akong tantanan, lalong-lalo na si Stacey wala naman akong ginawa sa kaniya.
Sa loob ng halos dalawang taon, palaging ganoon ang set-up namin. Palaging ako ang may kasalanan at palaging ako ang ginagawan ng kamalian. Kaya ngayon, ayoko na. Gusto ko ng umalis, dahil ramdam ko naman na pag-umalis ako iyon lang ang ikakasaya nila. Ang mawala ako sa paningin nila.
Nang matapos na akong magbook ng flight. Agad kong tinawagan si Lola Rossa, siya ang ina ni papa. Naka ilang ring palang pero sinagot niya na agad. "Hello apo? How are you?" Agad na tanong ni lola Rossa sa kabilang linya. Ramdam niya nang may mali saakin, She's the best.
"Lola... uuwi na ako diyan. I can't do this anymore. Punong-puno na po ako." I said to her while holding my tears. Parang mababasag na rin ang boses ko sa pagpipigil na huwag umiyak sa kaniya.
"Hindi na ako magtatanong kung ano ang nangyari, pagdating mo nalang dito. Matulog kana apo, bukas kana ba uuwi?" Malambing na tanong ni lola saakin.
"Opo La... nagpabook na ako ng flight bukas na bukas, uuwi na ako riyan." Hindi ko na napigilan at humikbi na nga ako. I can't hold my tears anymore sobrang naninikip ang dibdib ko.
Narinig ko ring napahikbi na si lola sa kabilang linya, she's too emotional. "Sige apo, matulog kana. Ipapahanda ko ang kwarto mo dito. At maghahanda ako sa pag-uwi mo." Humihikbi si lola pero bakas din sa boses niya ang kasiyahan.
"Okay po...tatawag nalang po ako ulit bukas La. Thank You po." Umiiyak ako habang nagsasalita pero pinipilit kong maging masaya para mapanatag naman ang loob niya.
Narinig ko ang marahas na pagbuga ng hangin sa kabilang linya. "Sige apo... mag-iingat ka ha. Hihintayin ka namin dito." She said. Narinig ko ang tunog na natapos na ang aming tawag.
Tiningnan ko muna ang mga gamit ko sa loob ng kwarto kung ayos na ba at wala na akong naiwan. Napangiti naman ako dahil sa kalungkutan na aking nararamdaman. Saksi ang kwarto na ito sa lahat ng paghihirap at mga pangyayari saaking buhay.
Napailing nalang ako, umupo na ako sa aking kama at humiga na doon. Bago ako tuluyang nakatulog, I saw a scenes flashing in my mind, mga pangyayari sa buhay ko kung saan masayang masaya kami. Dahan-dahang pumipikit ang aking mata and that moment everything went black.
BINABASA MO ANG
Thrill of the Chase (#1)
Ficção GeralThe life of Catalleya Monique Villamonte was indeed perfect. She's beautiful, kind, intelligent and also talented. She also have caring and loving family in short she is what we called one of those lucky people in this cruel world, but that was befo...