Noong panahon na nandito pa ang aking ama, para saakin matatawag ko na ang aking buhay at pamilya ay perpekto. Pero simula ng mawala siya doon na nagkagulo, at ang tanging alam ko lang ay ang makatakas sa kamay ng pamilya ng aking ina.
It was almost 2 years ng mawala si papa, pero nagsisikap parin ako na makapagtapos para may mapatunayan ako sa kanila. Isang taon nalang ang aking tatahakin graduate na ako sa kolehiyo.
Pagod na pagod akong naglalakad papunta sa parking lot ng aming paaralan. May kinuha kasi akong mga papeles at may ipinasa rin akong mga requirements. Nagmamadali akong makapasok sa aking kotse upang maka uwi na dahil ramdam ko na ang aking pagod.
Ilang gabi din akong hindi nakatulog at ilang araw akong walang pahinga para sa thesis ko at mga requirements na ipinapagawa saamin.
Nang makapasok na ako sa aking kotse. Agad akong nangalumbaba at napayuko. Ang dami-daming bagay ang pumapasok ngayon sa aking isipan. Katulad na lamang ng bakit ako ngayon naghihirap, bakit ibang-iba na ang aking buhay kesa noon.
Binalewala ko nalang ang mga iyon, dahil uuwi pa ako. Nasa mansion kami ng aking lola ngayon nakatira, kaya nagtatampo ako kay mama dahil ibenenta niya ang bahay namin.
Ayaw na ayaw kong ibenta iyon, dahil lahat ng alaala namin noong bata pa ako ay naroon. Doon ako lumaki at doon ko nasaksihan kung gaano kasaya ang aming pamilya noong nandito pa si papa.
Pinagsabihan ko si mama na kahit iyon nalang ang itira niya para saamin pero mas pinili nalang niyang makitira sa kaniyang ina. Bago ako dumiretso ng bahay, dumaan muna ako sa isang cafe para bumili ng pagkain at maiinom.
Pumasok ako ng cafe at nakita kong may ibang estudyante na kumakain at nag uusap-usap. Napangiti nalang ako, at the same time nalulungkot din. Wala kasi akong kaibigan o kahit sinong taong mapagsasabihan ko ng problema at mga rants ko sa buhay.
May bestfriend ako noong high school, sobrang close naming dalawa kaso noong nag college na kami nagmigrate sila sa US. Minsan nag-uusap kami through social medias.
Naglakad na ako patungong counter. Ngumiti muna ako sa mga staff bago sinabi kung ano ang bibilhin ko. "Thank You." Nagbayad lang ako at umalis na rin agad. Nagmamadali akong pumasok sa aking kotse at pinausad na ito.
Napansin kong makulimlim na pala, kaya kailangan ko nang magmadali baka ano na naman ang masabi nila saakin.
Habang nagmamaneho ako, narinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Saan kana? Alam mo bang gumagabi na ha? Umuwi kana rito, bilisan mo! May pag-uusapan tayo." Galit at pasigaw na utos ng aking ina.
Ano na naman bang problema? Ano na naman ang nagawa ko?
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil alam kong galit na siya. Maya-maya'y nakarating na ako sa bahay. Yung kaninang nararamdaman kong pagod ngayon ay napalitan na ng kaba at pag-aalala.
Pagpasok ko palang ng sala, nanout agad sa aking pakiramdam ang galit na mga titig nila saakin, naka upo na si lola at si mama sa couch. Napalingon din ako sa kabilang side ng inuupuan nila. Napataas ang aking kilay ng makita kong nandoon din nakaupo si Stacey, pinsan ko.
"Anong meron Ma?" Agad kong tanong sa kanila kahit kakapasok ko palang ng bahay.
Napansin ko ang matatalim nilang titig saakin. At napadako naman ang tingin ko sa babaeng ngayon ay naka ngisi na parang alam niya na ang mangyayari. What now Stacey?! Ano na naman ang ginawa mo?!
"Sabihin mo ang totoo, saan ka galing? Sabi ni Stacey nakita ka niya sa mall kanina. Pumasok ka ng sinehan kasama ang isang lalaki. Ganiyan kana ba lumandi ngayon ha?!" Galit na galit na sigaw ni mama saakin. Nanlilisik pa ang kaniyang mata habang ito'y titig na titig sa mga mata ko.
Napataas naman ang kilay ko sa pagtataka at sa inis. Ano na naman bang kwento ang pinang-gagawa niya. Ganiyan na ba talaga siya ka desperada para sa kaniya mapunta lahat? Bakit niya ba ako ginaganito, wala akong ginawang masama sa kaniya.
"Galing ho ako sa school. May ipinasa akong requirements. Ano na naman bang kwento ang ginagawa mo Stacey?" Nagpipigil parin ako dahil may natitira pa akong respeto sa kanila. Kaya mahinahon lang ang pagsasalita ko.
"Ang landi mo talaga! Nandidiri akong tawagin kang anak! Kung pwede nga lang lumayas kana dito! Nagmamaang-maangaan kapa." Napatayo na si mama at dinuduro-duro na ako.
Hindi ko alam kung saan niya ba kinukuha ang lakas ng loob para sabihin ang ganiyang mga salita. Anak niya ako, ako ang anak niya pero bakit di niya man lang ako pinapaniwalaan.
"Ma... baka nagkamali lang si Stacey. Hindi talaga ako iyon. Buong araw akong nasa school. Ngayon lang talaga ako naka labas noong pauwi na ako." Mahinahon ko paring sagot sa kanila. Agad akong tumingin sa direksiyon ni Stacey, at bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa nakikita niyang pangyayari ngayon.
Alam kong kailangan kong depensahan ang aking sarili, pero sa kanilang tatlo alam kong talo agad ako. Kaya hinahayaan ko nalang kung ano man ang gusto nilang isipin at sabihin saakin.
"Talagang kami pa ang pinagloloko mo ha?... ganiyan kana ba ngayon, walang respeto saamin. Pinapaaral ka nang maayos kaya pag-aaral ang atupagin mo!" She shouted in anger.
Dahil sa frustration na aking nararamdaman, parang gusto ko nalang silang talikuran at umakyat na sa aking silid. "Bakit Ma? Nirespeto mo ba si papa... ilang buwan palang siyang namatay pero may kinakasama kanang ibang lalaki agad?" Hindi ko alam na iyon ang lalabas saaking bibig, hindi ko na kaya ang pangmamaliit nila saakin. Hindi ko na kaya.
Malakas at malutong na mag-asawang sampal ang natamo ko kay mama. Napagtanto ko na lamang na namamanhid na ang aking magkabilang pisngi.
"Walang hiya ka! Wala kang karapatan para sumbatan ako! Lumayas ka dito! Wag na wag kanang titira at babalik pa dito! Ayaw na kitang makita!" Galit na galit na sigaw ni mama saakin. Agad siyang tumalikod at umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon.
Napatingin naman ako kay Stacey, mas nakita kong lumapad pa ang kaniyang ngisi at bago siya tumalikod at umalis she even winked at me and she also flips her hair.
Napatulala nalang ako sa nangyari ngayon. Hindi ko alam na ito na ang pinakamalalang mangyayari sa loob ng bahay na ito.
"Ganiyan ang nangyayari sa mga anak na walang respeto sa magulang. Akala mo ba kaya mo talaga ang sarili mo? Go to your room and start packing up your things and after that leave this house." Iyon ang huling mga salitang narinig ko saaking lola. Bago siya umalis.
Naiwan naman akong tulala at tahimik na umiiyak sa sala. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. At hindi ko rin maigalaw ang aking mga binti upang pumunta na saaking silid. Bakita ganun, bakit parang hindi man lang nila ako kilala at parang aso lang ako na tinataboy nila? Ni hindi ko naramdaman na pamilya nila ako.
My life sucks. Right?
Dahan dahan akong naglakad at umakyat sa hagdan. Doon ko na lamang narinig ang mahihinang hikbi na lumalabas saaking bibig. I need to leave this house tomorrow morning. Ayaw ko na dito.
Im sorry Pa. But Ill give up this relationship with them. Hindi ko na kaya.

BINABASA MO ANG
Thrill of the Chase (#1)
General FictionThe life of Catalleya Monique Villamonte was indeed perfect. She's beautiful, kind, intelligent and also talented. She also have caring and loving family in short she is what we called one of those lucky people in this cruel world, but that was befo...