Chapter 2

12 2 0
                                    

Napatingin ako sa aking orasan habang nakahiga lamang ako dito saaking kama. Kaninang umaga pagkatapos namin kumain ng breakfast agad na umalis si Annalice dahil may aasikasuhin daw siya na pinapagawa ni Tito.

3 : 30 pm

Bumangon ako sa'aking kama at pumasok sa walk in closet ko. Pupunta ako sa rancho, nagbihis lang ako ng nababagay sa pupuntahan ko. Naka sout ako ng shorts at long sleeves na itinali ko sa taas ng aking pusod ang mahabang tela nito sa harap at nag combat boots lang ako.

Bumababa na ako sa first floor at hindi ko doon nakita si lola kaya tinanong ko ang isa sa mga maid namin. " Nasaan po si Lola?" I ask calmly. "Nasa itaas ho sa kwarto niya." Sagot naman ng maid namin. Agad akong tumango at pumunta kung nasaan naka pwesto ang elevator papunta sa kwarto niya.

I know maybe this is weird because this house was old and ancient, pero hindi ko rin alam paano napalagyan ni lola ito ng elevator. This mansion just rocks it all. Walang-wala lang ito sa mansion ng mga Salvidores. Aminado akong isa rin sa mga malalaking bahay ang mansion na iyon pero I like this house kesa naman doon.

Kumatok ako ng pintuan ng makarating na ako sa itaas at tumapat na ako sa kwarto ni lola. Itong third floor ay may tatlong kwarto and may parang maliit ding sala at may bar counter dito. Maganda din ang desinyo dito sa third floor.

"Lola? Magpapa-alam po sana ako na pupunta ako sa rancho." Pagpaalam ko sa kaniya. Pinihit ko naman ang door knob nang marinig kong pinapapasok ako ni lola. "Yes sure apo. Just be careful, atsaka nandoon naman ang ibang tauhan natin sa farm malapit lang doon sa rancho." Sagot ni lola saakin. Agad akong napangiti at tumango sa kaniya. I just give her a quick hug at nagmamadaling umalis.

Nang makababa na ako ng mansion agad akong umikot ng bahay at pumunta ng parking lot. Medyo nagulat naman ako, last time i check lola just had only 4 cars and 1 motorbike and then now bat ang dami na, nagbebenta ba siya ng sasakyan? Napansin ko ring napakalaki na ng parking lot niya dito.

Mayroon siyang 13 cars at 3 motorbike or bigbike? So in total of 16? I just cant believe her. Anyway ang kinuha kong sasakyan ay motorbike lang para hindi hassle. Sinaksyan ko ang motorbike na napili ko itong black and red ang combination ng kaniyang kulay. Dahan-dahan ko naman itong pinausad at nahintay lang ako ng ilang saglit at bumukas na ang gate.

Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ko dahil naaliw ako sa mga tanawin at sa napakalaking farm dito. Medyo nasa mataas na bahagi kasi itong mansion ni lola, so kitang-kita ko ang nasa ilalim na medyo bangin. Napangiti nalang napakagandang tanawin this is the main reason I really wanna go home here. Ang mga tao ay napahumble atsaka maalaga. This is where I belong I am a Villamonte kung pwede nga lang na tanggalin ang Salvidores sa aking pangalan ipapatanggal ko ito. Teka pwede naman talaga diba? Matagal nga lang siguro ang pagprocess.

Napahinto naman ako saglit ng makita ko na ang parang gate ng rancho na may signage na El Rancho de Villamonte napangiti nalang ako ng makita ko ito at hindi ko alam pero sobrang kasiyahan ang aking nadarama. Pina andar ko na ulit ang motorbike at huminto sa malaking barn dito sa rancho medyo pinasok ko lang ang motorbike para hindi masyadong kita sa labas.

Agad kong napansin na parang may nakatingin saakin kaya napalingon ako. "Señorita kayo po pala iyan." Napangiti naman ako ng makita ko ang isang taong kilalang-kilala ko nasa mid 50's na ata itong si manong Nonoy, palayaw niya lang kasi talaga ang alam ko atsaka yan din kasi ang tawag ng ibang tao dito sa kaniya.

Isang siyang tauhan at magsasaka na pinaka pinagkakatiwalaan ng pamilya namin. Manong Nonoy is such a loyal man, atsaka pamilya din ang turing niya saamin. "Hello po, Manong. Kumusta ho kayo?" Tanong ko naman sa kaniya. Nakita ko ang kasiyahan sa kaniyang mga mata at narinig ko din ang kaniyang masayang boses. "Ayos lang naman ako ija. Atsaka masaya parin dito sa Kapatagan." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni manong.

Thrill of the Chase (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon