Napabalikwas ako ng bangon sa kama at inilibot ang aking paningin. Mataas na pala ang sikat ng araw, hindi ko man lang namalayan dahil napasarap ang aking tulog.
Medyo pagod din kasi ako dahils sa event kagabi, it was a blast!
Dahan-dahang tumayo ako at inayos muna ang aking higaan bago tumungo sa aking walk in closet at inayos na rin ang aking sarili sa CR.
Naligo ako at nagbihis ng casual ko lang na damit, shorts at t-shirt. Agad din akong bumaba para kumain ng agahan, dahil ramdam ko na rin na nagugutom na ako.
Pababa palang ako ng hagdan, dinig ko na ang mga ingay sa ibaba na parang mga taong nagku-kwentuhan. Nang tuluyan na akong maka baba ay natuon ang aking paningin sa mga taong naka upo sa aming living room kung saan nandoon sina manang Teresita, manong Nonoy at ang taong masungit na nakasayaw ko kagabi. Ba't naman kasama nila manang at manong 'yan?
I walk calmly so that I won't disturb them, sa kusina lang din naman ako kasi gusto nang kumain. Pero nakita ako ni Lola at tinawag para bumati sa mga bisita raw.
Agad akong ngumiti at tumitig kay Lola at naglakad palapit sa kaniya. Humalik ako sa pisngi niya ng nasa tabi nya na ako, agad naman akong tumuon kanila manang at manong, upang ngitian at batiin sila. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang kung sino man 'yan. Tutal naman magsusungit lang din naman.
"Gising kana pala señorita, kumusta ang iyong tulog?" tanong ni manang Teresita saakin.
"Maayos naman po manang, kayo po?" Balik kong sagot sa kaniya habang may mga ngiti sa aking labi.
"Ay naku, ayos lang din naman ang tulog namin. Napaka ganda mo kagabi señorita, nandito rin kasi kami kagabi ni manong mo." Sagot ulit ni manang.
Natahimik naman ako sandali dahil hindi ko man lang sila nakita kagabi. I felt bad kasi parang na focus ako sa ibang bagay kagabi.
"Really? Ba't di ko po kayo nakita kagabi? Saan po kayo naka upo?" Mahinang napatawa naman sila na ipinagtaka ko.
"Ay wag mo nang isipin 'yon señorita, nandito pala kami ngayon kasi naghatid kami ng mga prutas at ibang gulay. Kumain ka señorita ha, kasi napaka sariwa pa ng mga yon."
"Talaga po? Sure, kakain po ako." nakangiti kong sagot kay manang.
Tumahimik naman ako ng mag-umpisa ulit silang mag-usap nila Lola, napansin ko ring napaka tahimik ng isang naka upo sa gilid ng mahabang couch. Umiwas agad ako ng tingin ng bumaling ang titig nya saakin.
Nagpaalam lang ako sa kanila na pupunta na ako ng kusina para kumain, inaya ko rin sila ngunit tapos na raw sila at si Lola naman ay tapos na rin. Medyo binilisan ko ang paglalakad kasi parang naiilang ako. I don't even know why it just feels awkward, really awkward.
Tahimik akong kumain sa kusina, nang biglang pumasok sa isip ko ang pag-eenroll at kung saan ako mag-aaral ngayon. Maybe, I'll talk to Lola later.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at umalis ng kusina, lumabas ako ng back door dahil ayaw kong dumaan ulit sa sala. Hindi ko alam kung bakit, basta yon na yon.
Dumiretso ako ng garden at umupo sa mga upuan na nandoon. I really like it here, the atmosphere is refreshing, at nakaka relax din ang mga paru-parong nagliliparan sa iba't-ibang klaseng mga bulaklak na nandito.
Sa gitna ng garden ay may fountain din na may mga estatwa ng maliliit na angels at parang fairies. This garden is really enchanted, yon din kasi ang mga hilig ni Lola she really like these things.
Sa dulong bahagi ng garden ay may mahabang pond na maraming koi, at ibang klase ng mga isda. Dahil dito ay nadadagdagan ang kagandahan ng desenyo nitong garden ni Lola.
Natatandaan ko pa nung umuwi kami ni papa dito at dito sila mahilig uminom ng tea or wine at pag-usapan ang mga buhay nila. Or even politics issues... I missed those days.
Tahimik akong umuupo habang naka pangalumbaba sa hugis pabilog na mesa dito habang nakikinig sa agos ng tubig sa fountain.
Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito sa mansion, at kung bakit nya kasama sina manong at manang ka ano-ano ba nila siya?
At bakit ko ba iniiisip yan, napaka nonsense naman. Siguro ay kamag-anak nila sya na bago palang dito. Halata namang hindi sya taga dito eh, atsaka mestizo rin sya.
Lumilipad pa ang isip ko ng makarinig ng mga yabag na papalapit sa pwesto ko, napalingon naman ako sa bukana ng garden.
At doon ko nakita kung sino ang papalapit saakin, it's him. Why is he here? What is he doing?
"Why are you here?" Agad kong tanong sa kaniya. Hindi ko pinahalata na naiilang talaga ako.
"Your grandmother just asked me to call you, she wants to talk to you."
He said it with his plain look and cold stares, agad din syang tumalikod at umalis.
Okay?
Yun na ba yon?Tsk... ano pa ba dapat? Pagsagot ng isipan ko sa sarili ko. Oo nga, ano paba dapat?
Agad naman akong tumayo at mahinang naglakad pabalik sa loob ng mansion. Pagpasok ko ulit sa sala ay nakita kong nakatayo na silang lahat na parang naghahandang umalis na.
"Aalis na po ba kayo?" Agad kong tanong ng medyo nakalapit na ako sa kanilang lahat.
Napalingon naman sila saakin, nakita kong napangiti si manang at manong. At ang lalaking kasama nila ay tinititigan lang ako ng walang kung anong reaksiyon sa mukha niya.
"Oo señorita, kailangan din kasi naming bantayan ang mga hayop doon at ang iba pang mga tanim namin," manang Teresita answered.
Napatango-tango naman ako.
"Sige po, mag-iingat po kayo sa pag-uwi niyo."
"Kayo rin po dito señora at señorita. At kami'y aalis na."
"Salamat ulit sa mga prutas at gulay na inihatid niyo rito," Lola thanked them again with a smile on her face.
Pinanood ko lang silang makalabas ng pinto at hinintay makabalik si Lola dahil sumama siya sa labas ng bahay.
Tahimik lang akong naka-upo rito sa couch at iniisip kung ano ang sasabihin ni Lola saakin.
Bumukas ang malaking pinto at napatingin ako kay Lola na papalapit na saakin.
"Lola what is it?" I asked her.
"Saan mo pala gustong magpatuloy sa pag-aaral mo apo. Atsaka kailangan mo munang bumili ng mga kagamitan mo para sa bagong paaralan mo sa kolehiyo."
Napansin ko ang mga ngiti sa labi ni Lola, makikita talagang excited siya para saakin.
"Pinag-iisipan ko pa Lola.. hindi rin kasi madali ang pag-proseso ng mga papeles ko lalong-lalo na ngayon na graduating na ho ako." sagot ko sa kaniya.
"Sige apo, magsabi kalang at magpasama ka kay Annalice kung kailan mo planong bumili at maghanap ng magandang kolehiyo para sa iyo." She smiled.
Napatango naman ako sa sinabi ni Lola at niyakap siya. Well, i'm still lucky to have her and them as my family, I feel safe and blessed here hindi kagaya ng pamilya nila mama.
Nagpaalam ako kay Lola na sa hardin muna ako tatambay at magpapalipas ng oras. Bago ako tuluyang tumungo sa hardin, kumuha muna ako ng sariwang lanzones at mangga sa kusina na dala nina manong at manang kanina.

BINABASA MO ANG
Thrill of the Chase (#1)
General FictionThe life of Catalleya Monique Villamonte was indeed perfect. She's beautiful, kind, intelligent and also talented. She also have caring and loving family in short she is what we called one of those lucky people in this cruel world, but that was befo...