RIZELLE

325 26 16
                                    

Note:

Here it is! Grabe, magdadalawang buwan na bago ako nakagawa ng update. Author niyo pagod na hahaha. Nakailang take ako para sa ending kasi hindi ako satisfied sa nagagawa ko at iniisip kong baka madisappoint kayo huhu. Bilang pambawi, hinabaan ko talaga ang chapter na ito. 5000 'yong word count nito, just thought I'd let you guys know. Anyway, I really tried my very best to come up with this kaya sana magustuhan ninyo. That's all. Adios!


"S... SANDALI nga. Lumingon ka ba? Teka! Lumingon ka nga! I... Imposible, lumingon ka talaga!" hindi makapaniwalang saad ko nang tuluyan akong makalapit sa harap niya.

"Malamang na lilingon ako. Sa lakas ba naman ng boses mo, sinong hindi mapapalingon?" Nabura tuloy 'yong ngiti sa labi ko nang marinig ko 'yong sagot niya. Panira naman 'to. "At sinong tinatawag mong panget diyan, ah?" kunot noong dagdag niya.

"Sino pa bang tao dito kung hindi tayong dalawa lang?" bulong ko.

"Malay ko ba kung tinatawag mo pala 'yong sarili mo," bulong niya pabalik.

My mouth gaped wide open with those piercing words. Grabe na siya, ah? Akala niya 'di ko narinig 'yon? Akala niya ba 'di masakit? Bakit? Sobrang panget ko na ba? Siya nga 'yong panget diyan, eh. Kasi siya nga si PANGET, 'di ba?

"Tatawagin ko ba 'yong sarili kong panget kung sa'yo nga ako nakaharap?" medyo inis na tanong ko.

"So are you saying that..." Humakbang siya papalapit habang ibinabalandra sa mukha ko 'yong mukha niya. "...I'm ugly?"

"Ha?" Tila nilayasan yata ako ng isip ko at napadpad sa kung saan kasi wala akong maisip na sabihin.

Parang natauhan yata ako. Si Dylan Chester Villafranca nga pala ang kausap ko. Sikat na singer na kinahuhumalingan ng mga kababaihan, siyempre kabilang na ako r'on,  tapos sasabihan ko ng panget?

"Anong ha?" natatawang tanong niya pabalik.

"Ha?" Wala pa rin sa katinuang tanong ko. Napabalik lang ako sa reyalidad nang makita kong pigil ang ngiti niya nang humakbang siya papalayo. "Ha... Hahaha. H... Hindi, ah!" deny ko kahit na kakasabi ko lang naman kanina noon.

"Anong hindi? Kakasabi mo nga lang kanina sa'kin."

"Ahh, oo nga! Aalis na pala ako kasi nagmamadali ako! Hahaha," may pagkamot pa sa batok na pahayag ko bago dahan-dahang pumihit patalikod.

"Hindi ba pumunta ka rito kasi may hinahanap ka?"

Hindi ko magawang lumingon dahil nahihiya pa rin ako sa mga sinabi ko kanina.

"M... Mukhang wala naman kasi dito 'yong hinahanap ko kaya aalis na lang ako." Naglakad ako papalayo at tila problemado habang pikit matang hinahampas ang noo. "Ang tanga-tanga mo, Riz! Hindi ka na nahiya!"

"Sandali!" Napatigil ako nang hawakan ni Dylan ang braso ko.

Agad rin siyang napabitaw nang tingnan ko 'yong kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"I'm sorry for being nosy but... who exactly are you looking for? Maybe... I can help?"

"I... I'm looking for..." Matagal akong napatitig sa mukha niya.

He was smiling, waiting for me to speak up. Those innocent stares he's giving me, it's making my knees go weak. It's as if he's really clueless. I'm starting to lose hope if he's really the one I was looking for the whole time.

"I'm looking for a guy named Harrison." His eyes didn't change. "Do you know him?" I asked, a little bit hopeful.

"Harrison? Harrison what? What's his full name?" Hindi napigilang bumagsak 'yong magkabilang balikat ko sa pagkadismaya. "And who is he? Why are you looking for him?"

Ayy, Nasend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon