RIZELLE

536 45 25
                                    

"ASSUMING KA! Hindi naman talaga sa'yo nakatingin. Nasa likod mo kaya 'yong kinakawayan niya."

"HOY! AKO TALAGA 'YONG KINAWAYAN NIYA!"

It's been a month mula nang magkita kami ni Harrison— Billie pala. He finally asked for my number that time and told me to meet him at a certain cafè. I wore my best clothes to make a good impression. I even put on make up, which I absolutely hated before.

Nagagawa nga naman ng pag-ibig.

By the time I finally reached the cafè, I hesitated and suddenly felt nervous.

Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung panget pala 'yong nasuot kong damit? Paano kung bigla siyang umalis dahil doon?

I know it was stupid of me to have thoughts like that kasi huli na dahil nandito na ako sa mismong cafè. Masisisi niyo ba ako? This is my first time meeting up with a guy I just met through chat.

I heave a sigh and was about to turn back when someone called my name.

"Riz?" Dahan-dahan pa ang ginawa kong paglingon sa likod ko dahil na rin siguro sa kaba. "Ikaw nga, Riz. It's me... Harrison."

There I saw him, holding a bunch of red roses while smiling at me. He chuckled when he saw my reaction. I was surprised to see who Harrison is.

It's Billie! Billie Morayta, 'yong kaband mate ni Dylan. How...

He told me that he's using Harrison as his dummy account. 'Yon daw ang madalas niyang gamitin kaysa sa isa niyang account. But since he finally revealed his self to me, 'yong Billie na raw ang imessage ko at 'wag na 'yong Harrison.

He also told me that he'll start courting me. Medyo nagtaka lang ako ng kaunti kasi...

Hindi ba nga, nililigawan niya na ako? Para saan pala 'yong binigay niya sa aking walang kapares na sapatos? 'Yong love letter? 'Yong concert ticket? Ano, trip niya lang ako bigyan n'on?

Anyways, after that, he always make sure to meet me up after classes. We went out for dates or just hang out for fun. Lulubusin niya na raw ang araw na hindi pa pinapakilala ni Dylan na isa siya sa kabandmate nito dahil panigurado ay dudumugin na sila ng tao.

During the first week of hanging out with him, I had fun. It was really fun. But somehow...

Parang may kulang.

Parang may mali.

I don't know but... there's something inside me that misses something.

And I realized...

I keep crying over unreasonable matter. After he send me home, after he keeps on saying I love you every time our conversation ends and even before I go to bed... I found myself crying without knowing why.

Bakit hindi niya ako tinatawag na Barney? Bakit hindi niya ako inaasar kagaya ng madalas niyang gawin sa chat? Hindi naman sa gusto kong asarin niya na lang ako ng asarin pero kasi... parang iba siya.

Siguro masyado lang akong nag-iisip ng kung ano. Malay mo naman, iba pala siya sa chat at sa personal. Kasi meron namang ganon, 'di ba? May kakila—

"ANG KULIT MO! AKO NGA KINAWAYAN N'ON!"

"ARAY!" sigaw ko nang tumama ang siko ni Johanna sa mukha ko.

I glared at them real hard kaya napalunok tuloy sila ng 'di oras habang alanganing ngumiti sa gawi ko.

"Ano kasi..." pabulong na saad ni Johanna.

"Panira naman kayo ng moment, eh! Nag-eemote ako dito tapos ginugulo niyo ako! Ano bang ginagawa niyo?!"

Ayy, Nasend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon