Nasa isang gelato stall ako ngayon nakaupo sa kanilang upuan. Ako na lang mag-isa kasi nagshopping sila. Puro babae kaya, pinili ko na lang na dito maghintay. Nakiki wifi ako sa store kaya nakapag facebook ako. Maraming friend requests akong natanggap at inaccept ko naman lahat sila.
Natapos lang ang pag fa-facebook ko nang may kumuhit sa akin. Paglingon ko ay yung babaeng laging kasama ng lalake sa skwelahan. Yung parang magsyota. Nabigla ito nang makita niya ako.
Uh-uh sorry.
Tapos tumakbo ito papuntang ibang store. Bakit niya kaya ako biglang kinuhit?
Pumunta na muna ako sa cr para magbanyo. Ang laki ng cr nila dito at may magaganda pang paintings. Pagkakita ko ng pirma sa painting nalaman ko na sa kaklase ko na 'to. Kay Peter Rick.
Pumasok ako sa isang cubicle kasi ayokong jumingle sa labas. Pagkatapos kong umihi, bigla kong naalala ang babaeng kumuhit sa akin kanina sa store. Bigla akong nahilo at sumakit yung ulo ko. May biglang lumitaw na mga larawan sa utak ko. Isang babaeng nakabraid ang buhok at nagsasalita. Yung isa pang larawan, tumatawa siya. Napasigaw naman ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
AHHH!!!! ARGHH!!!!!!! TULONG!!!! at matapos iyon ay nawalan na ako ng malay.
~pain~
Pagdilat ko ng mga mata, ay nasilawan ako sa puting liwanag. Di naman ito heaven. Wala naman akong sakit para ikamatay kaagad ng ganoon kadali. Dinilat ko ang mata ko at sa pagbangon ko, nasa clinic lang pala ako.
Nasaan ako? - though alam ko na clinic ito pero saan na clinic?
Mall clinic ser. Nakita ka ng staff namin na nakahandusay sa sahig ng cr.
Anong nangyari sa akin?
Minor headache lang ser.
Chineck ko kaagad ang pitaka ko. Baka kasi nanakaw.
Nga pala ser, nakita namin 'to .
Inabot niya sa akin ang pitaka ko. Ba't nila kinuha? Pati yung cellphone ko, nasa kanila.
Nakita ko sila Kyla sa may labas ng clinic, sumisilip. Paglabas ko ng clinic ay sinalubong nila ako.
Raikko? Okey ka lang ba?
May masakit ba sa iyo?
Iba' ibang tanaong ang tinapon nila sa akin.
Relax guys!! Okey lg ako. Minor headache lang daw ang nangyari. No probs!
Naku! Umuwi na nga lang tayo baka mapagalitan pa kami ng mama mo. - bigla siyang siniko ni Buttercup sa giliran niya.