HAAAAAIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE~
Ang sarap ng bagong ligo. I feel fresh!!!!! HAHAHA! Pagkahiga ko ng bed ay di ko namalayang nakaidlip na pala ako ng pagtulog.
~pain~
Huie, sorry na sa lahat!!! Please!!! I beg you!!!
Ano?! Mag so-sorry ka tapos gagawin mo na naman yung ginawa mo sa akin noon? Tama na! Ayoko na!
Bakit ka ba nagagalit? Wala ba akong karapatan??!! Ako na lang ba ang laging mag sosorry? Kung napapagod ka na, ako rin naman, eh?!
Edi, layuan mo na ako!! Ikaw lang naman ang may problema eh! Ikaw yung lumalapit!!! Lalapit ka sa akin, tapos ano? Pagkamamaya, iiwan mo ako? Pagod na tayong dalawa, tapos na ako, ikaw lang naman ang pinroproblema ito eh!!
Pasensya na...... Please....
RAIKKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
~pain~
AHH!!! *heavily breathes* Ano ba iyon? Sino ba yon? *heavily breathes*
Pagtingin ko sa sarili ko, naka bath robe pa pala ako. Bumangon na ako sa bed ko at kumuha ng damit sa cabinet.
Pagbalik ko sa bed, napaisip ako. Ano ba yung napanigipan ko? Sino yung nagsasalita? Ba't parang ako yun? Ano ba talaga iyon?
Nakatulog na ako ng medyo malalim na talaga ang gabi.
Paggising ko, 10: 47 na pagtingin ko sa orasan. Grabe pala yung pagtulog ko. Siguro alas tres na ako nakatulog kagabi. Di bale na nga. Bumaba na ako ng bed at nagtungo pababa kung saan natagpuan kong nanonood na pala ng NBA sila lolo at si Renz at ang isa pang lalaki. Sino nga pala tong isa? Siya yung---
O, ijo, gising ka na pala. Andito na yung isa mo pang pinsan, si Ryan.
Musta na Raikko?
Okay lang naman. Eto, bagong gising.
Si Ryan daw ay isa ko pang pinsan. Ewan ko kung saan ko ito pinsan. Malaki ang mga mata nito at matangkad at medyo skinny. Parang nasa 20's na ito. Pero parang binata kung pumorma.
Nagtungo na agad ako sa kusina at tiningnan kung ano ang pwede ko pang makakain dahil for sure, inubos na nila yon.
Hmmm... binuksan ko yung unang container pero wala. Pareho sa ibang container. Hay naku, masusubo ako sa lutuan ngayon ha.
Binuksan ko ang mga cabinet kaso wala talaga eh. Ang tanging pag asa ko lang ngayon ay ang fridge. Please, be magical for me. Binuksan ko ang ref at saka natagpuan kong merong pasta. Hmmm... Well lets see kung ano ang magagawa ko dito. Free Recipe at the back. Pasta y marinara.
Kumuha ako ng mga ingredients at nagsimula nang maghiwa. Kumuha ako ng pepper sa drawer. Habang pabalik na ako, medyo sumasakit na yung ulo ko. May mga imahe akong nakikita at dumudilim yung pananaw ko. Goodness! Mabubulag na ba ako? Nahihilo na ako at ang tanging naaalala ko na lang ay ang sigaw ng mga katulong sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/28840035-288-k995285.jpg)