"Please Janizz... kahit ito man lang bago siya pumuntang Paris"
"Ah.. ano bang sinasabi mo? Nakikipagbalikan ka ba??" tanong ko. Narito kami ngayon sa Stock Room. May gusto kasing kumausap sa akin, eh.
"HINDI!! Ibig kong sabihin, kahit ikaw, simulan mo nang ibalik yung pagsasamahan niyo habang.. habang nawala yung galit niya sa'yo at di ka pa niya masyadong kilala. "
"Pero Jane, di ko alam kung anong gagawin ko. Baka mamaya, biglang bumalik ang lahat ng alaala niya." Sabi ko.
"Hahayaan mo na lang ba na ganito?" tanong niya
Huminga muna ako nang malalim. "Jane, napag usapan na namin ito, kinumprontahan ko na siya tungkol dito, pero sadyang, ang laki ng galit niya sa akin." Sagot ko.
"Kung 'yan talaga ang gusto mo" Agad ding umalis si Jane.
Kinagabihan ng araw na iyon, habang nasa bed ako, naalala ko yung sinabi niya. Ano ba? Papansinin ko ba siya? Ayoko na kasing maulit yung nangyari eh. Baka masaktan ko lang siya ulit.
~moving on~
Narito na ako ngayon sa room ng school. Bago pa man ako pumunta dito, nakapagdesisyon na ako.
Pagpasok ko ng room ay medyo marami na sila. Yung 68, busy sila sa paguusap ng kanilang ka party goers sa labas. Si Junieva naman, ayun, nagbabandal sa chalkboard. Nagsimula nang magsiliparan ang mga papel. Hudyat na, nasa room ka nga ng IV- M.
Hinintay ko siyang dumating. Saan na nga ba siya? Mag aalas otso na.
7:45 na nang makarating siya sa room. Halatang pagod at gusto pang matulog.
Minasdan ko muna siya nang mabuti. Parang nakikinig siya sa pinag uusapan nila M at Peter Rick ha?
Nang ilang sandali pa ay may biglang sumigaw. "MAY ASSIGNMENTS NA BA KAYO?"
Nabigla siya sa narinig at halatang walang assignment. Eto na... eto na Janizz.. Pagkakataon mo na 'to.
Tumayo na ako at kinuha ko yung libro ko na may answers. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang libro. Lumingon naman ito sa mukha ko at parang nagtataka.
"May answers na rin yan, kaya kumopya kana"
"Ah... Okay.. Salamat. "- Raikko
Pagbalik ko sa silya ko, ay nawala na yung kaba ko.
Bigla naman akong nilapitan ni Jane ngunit tinignan niya lang ako at ningitian. Parang nasisiyahan siya. Para sa akin, okay naman yung ginagawa ko. Kaya nung hapon ng araw na iyon, napagdesisyunan kong ibalik ang loob ko kay Raikko nang sa ganoong paraan, mabawasan ang mga kasalanan ko sa kanya.
Workshop time namin noon nang mapansin kong mag isa lamang si Raikko na parang may ini-internalize siya. Kaya nilapitan ko na siya at niyayang mag snack.
Sa buong araw na iyon, pakiramdam ko ang lapit na namin ni Raikko. Sana ganito na lang palagi no? Sana di na lang bumalik yung alaala niya. Sana...
~moving on~
"Henry, kamusta ka na?" Pagkukumusta ng mama ni Raikko, si Liza
"Liza, lubayan mo na kami. Natapos ko naman yung pinagagawa mo diba? Pati anak ko, nadamay na rin. Kaya please, layuan mo na kami" Isang sigaw mula sa telepono.
"Ang OA mo naman Bert, nagungumusta lang naman. Nga pala naipadala ko na pala yung pera kahapon. Enjoy." Sabi ni Liza na parang nasa good mood ito.
"Sa'yo na iyon !" Sabay baba ni Bert sa telepono.