[Seven] FRIEND- (Janizz's POV)

13 0 0
                                    

O sige, sige!!  1,2,3 Smile!!!!!

Sige pa! One more! 

O sige ba!!! Andres, dalhin mo yung cake.. 

O sige ate!

Ngayon, say Happy Birthday Antoine! 

O sige, okay na!!!!  Kainan na!!!

Hays... ang saya nila kahit 19 lang sila. Yung iba kasi, nagbakasyon with their families. 

Ako pala si Janizz {pronounced as Janice}. Yung comment sa akin ng iba, malaki ang mga mata ko at matangkad daw ako. Pero ngayon di na raw. Di ko alam kung lumiit ba ako, tumangkad sila, o hindi talaga ako tumangkad ng ilang inches. Ngayon pala ang birthday ng bestfriend kong si Antoine. 

Hoy Janizz, halika rito! Sigaw ni Brione. [ Lalaki ho siya. Yung name niya lang ang girl]

Pumunta agad ako sa kanila at nag usap na kami. 

Masaya ang araw na ito kahit konti lang ang mga kaklase ko. Kahit na di ako yung celebrant, masay pa rin ako. XD 

Nga pala guys, ilang araw na lang, back to regular classes na tayo. Yehey!!! Magkikita na naman tayo. 

Naku ikaw Janizz, ikaw lang ang natutuwa sa klase. Ano ba't ang sipag mo? Tanong ni Brione. 

Halak, baka gumagaya na iyan kay Denai. Aiming for honors din! Kutya naman ni Antoine.

Si Denai Gumamela pala yung, parang constant peace officer ng klase. Kada busy hours at makikita kang natutulog o walang ginagawa, papagalitan ka niyan. And one thing. HUWAG SIYANG  TATAWAGIN SA PANGALAN NIYANG GUMAMELA. Ayaw niya talaga. Sabi niya, pinatay na daw niya yung mga magulang niya matapos maibigay ang pangalan na Gumamela. 

Naku ikaw Antoine, nakakailan ka na sa akin  ha. Porket birthday mo ngayon, gaganyanin mo na ako? Sagot ko.

WOOAAHH!!!!!  Biglang sulpot na sigaw ni Grasel. 

Si Grasel Ann naman yung dancer namin. Kaso, mataba nga lang. Pero kahit mataba siya, pretty pa rin siya sa mga taong gutom. Gusto niya daw maging accountant since she's good in math. [WOW. May nagkakagusto sa math]

Guys, sayaw naman tayo diyan!!! Anyaya ni Grasel. 

Magsolo ka! Sagot ni Antoine. 

Uy guys!!!! Sigaw ni Shane. 

Ano ba Shane? Tanong ko.

Pasingit muna sa gitna. Sagot niya. 

Si Shane pala, laging sumusingit sa gitna. Isa rin sa mga characteristics niya, nasasaniban siya kung magrereport siya sa klase. Parang di siya yung Shane na alam namin. Kaya kung magrereport siya, para kaming nanonood ng Exorcism of Shane Milan. 

That Was So Last YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon