ONE - [Raikko]

44 1 0
                                        

  Ako si Raikko...  narito ako ngayon sa aking kwarto at naghahanda na para sa klase. Suot ang bago kong uniporme , inaayos ko na ang buhok ko. Hmmm... ano ba ang gagawin ko ngayong araw na ito. Bago kasi sa akin ang lahat, eh. 

  Lumakad ako sa bintana ng kwarto ko at tanaw ko ang lawak ng village na ito. Hmmmfff... Ang lamig ng simoy ng hangin. Teka lang, anong petsa na nga ba ngayon? Tumingin ako sa kalendaryo at tiningnan kung anong petsa na nga ba ngayon. Ang awkward ng kelandaryo kasi picture ni Heart Evangelista na nakapose. Ew. Nevermind. December 17 na pala ngayon. & days matapos ang December 10. (Uh, mama, ano bang meron sa December 10? Ang sagot niya, birthday ko daw. Kaya pala.) So, 16 years at 7 days old na pala ako. 

  Raikko! Bilisan mo diyan! Naghihintay na si Manong Berto sa labas. Ah oo nga pala, si mama iyon. Siya ang nag-aalaga sa akin siguro ilang taon na. Nandiyan na po ako

  Pagbaba ko ng hagdan ay sinalubong agad ako ni mama O eto anak baon mo, wag kang magkapagod ha. Bilisan mo mahuhuli ka na nandiyan na si Manong sa labas.  Napakaloving ng mama ko diba? Mainggit kayo. HAHA. 

   Pagkalabas ko ay nasa loob na ng sasakyan si manong kaya sumunod na rin ako. Pagkalabas namin ng gate ay nakita ko pa si mama sa gate  na sumisigaw. Anak mag-ingat ka. 143! Aw... how sweet. Kaya ayun, sumilip ako sa bintana ng kotse at nag 143 rin sa kanya. 

  Ang swerte mo talaga ser Raikko. Mahal ka ng mama mo. biglang nagsalita si manong. Oo nga manong kaya gagawin ko ang lahat para kay mama. sagot ko. 

                                                                               ~pain~


Davao City High... haaay.. ang laki ng shool na ito kaya magiging mahirap ito na matunton kaagad ang room ko. Nga pala, may card pala sa bag ko na binigay ni mama kasabay ng baon kanina. Kinuha ko iyon at binasa. N-18 IV- M. Ano to? Some sort of code? Aha! Pupunta na lang ako sa admin para ma locate ko kaagad ito. 

                                                                               ~pain~

 Pagkapasok ko sa admin office biglang nabigla yung babae. Oh Raikko nakabalik ka na pala. I, I mean the office wasn't told that you'll be back by this day. Nga pala, ba't ka pumunta? Huh?She knows me? Wait.. artista ba ako sa school na ito o kilala ako dito? Uh... ano bang sasabihin ko? Shall I lie? Ma'am nakalimutan ko kasi saan ito.  Sabay abot sa card. Oh my dear have you forgotten this room? This is where you used to be. Nevermind it seems you forgot this. 5th floor ng N building dear. sabi niya sabay balik sa card. Kelangan ko nang makaalis sa lugar na ito. Thank you po. 

   Whew. That was weird. I mean, how does she know? *inhale... exhale* okay Raikko, stay positive. Saan ba ang N building? 

                                                                               ~pain~

 Habang naglalakad ako sa grounds papuntang N building, may kumuha ng atensyon ko. Isang babae na naka braid at isang lalaking matangkad na medyo singkit na kumakain sa canteen. Mukha silang magsyota. Wait, bakit ba ako napatigil? Continue Raikko..

  9 am na at malamang recess na nila ngayon kasi nagkalat ang mga estudyante sa grounds. 

   Habang naglalakad ako sa harap ng N15 papuntang N18, may gumulat sa akin.  Hi Kuya Raikko!! Hello kuya! uh... weird na talaga ha. Ba't nila ako kilala? Pero ang weird pa ay ginantihan ko pa. Hi!. 

                                                                               ~pain~

   Hinintay ko muna na tutunog ang bell para papasok na ako. New student kasi ako dito. 

  5 mins. passed...

   Haay salamat at nag ring din. Ah! ayan na si ma'am .

Kumatok ako sa pintuan.  

Uh.. good morning m--

Raikko Tierre, right? tanong ng ma'am na naka eyeglass at naka school teacher uniform with shawl pa. 

Y-yes ma'am. Bakit niya alam pangalan ko? Ah.. oo nga pala. May masterlist pala galing sa administrator's office baka naisulat na nila kaagad ang pangalan ko. 

Come in. Sabi niya habang nagsusulat sa pisara. Maaaring elite school eto pero typical pa rin ang pisara nila. Rectangular na dark green at medyo maputi dahil sa mga chalk na ginagamait pansulat ng mga guro at minsan pa ng mga bandal ng mga estudyante sa pisara na minsan Matt love Andrea... at iba pang mga salita na kapag dadaan ang crush nila ay makikita agad nila sa pisara ang nali-link sa kanila. 

Pumasok ako sa room habang nagsusulat pa rin si ma'am. Habang naglalakad ako sa pinaka unang aisle ng room, napansin kong parang kakaiba ang tingin sa akin ng mga magiging kaklase ko. Para silang kakain ng taong buhay sa di tamang oras. May isang upuan na nakapuwesto sa likuran ng classroom at tanging iyon na lang ang available at siyempre, dun na lang ako uupo kesa makatabi ko pa sila na [parang lalamunin ka lang nila. 

Okay class, to you, Raikko, my name is Ma. Cristina Laguna and I'll be your english teacher until you bid goodbye to your alma mater. And one thing, I encourage you to speak in english because english is the lingua franca, got it? Haay.. salamat at natapos rin siya sa pagsusulat niya. Teka.. ano yang nasa pisara? Lesson na kaagad? 

Paglingon ko sa may harapan, nakita ko ulit yung dalawang parang mag syota na halatang di nakikinig. Hmm.. classmate ko pala sila. Okay.

That Was So Last YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon