[FOUR] Two Story

24 0 0
                                    

  ~pain~

Pagkatapos naming kumain ng lunch, nagyaya si Renz na pumunta ng baybayin. Nagbihis muna ako bago pumunta sa baybayin. Medyo mainit ang panahon kaya nagsando lang ako't shorts. Sumakay kami ng tricycle papuntang baybayin. Nilibre ako ni Renz kaya nakatipid ako. Pero ang deal niya'y ako daw ang bibili ng makakain namin. 

Nang makapunta na kami ng baybayin, parang nawala yung stress ko. Ang lamig at lakas ng hangin. Ang laki ng alon at wala masyadong tao. Napakatahimik dito. Nabigla lamang ako nang biglang nag vibrate yung phone ko. Pagbukas ko, may nagtext. Si Jane? Ba't kaya? Nagpaalam muna ako kay insan para pumunta sa isang nipa house at matext 'tong si Jane.

Ba't napatext ka?

Nandito ka ba ngayon sa El Nido?

Ha? Ba't mo alam?

Di ko pa alam. Kinoconfirm ko pa nga. Nandito ka ba?

Oo, bakit?

Magkita tayo bukas. Alas diyes ng umaga dito sa may airport. 

Ba't sa airport? Akala ko ba nandito ka na?

Pupunta pa ako diyan. Bukas pa kasi flight ko. Nandito pa ako sa Clark. 

Ah.. ganun ba? Okay

Di na siya nagreply. Tinext ko siya ulit para magtanong. 

Ba't mo ba ako gusto makita?

May pag-uusapan tayo.

Akala ko ba pagbalik ko na galing sa bakasyon ko?

Basta. Kailangan kitang sabihan. Ikaw lang ang pupunta bukas, ha?

Bakit?

May pag- uusapan tayo eh. Gusto mo may ibang makarinig? Ang awkward kaya. 

O sige na. Bye. 

Simula nang makilala ko 'tong Jane na ito, di ko alam kung may pagkaloka loka ba ito o sadyang napaka energetic lang. Nagyon naman, parang isang seryosong tao. Pupuntahan pa niya ako dito? Para saan?

Di ba talaga yan makapaghintay?

Insan! Halika! Maligo tayo! Ang sarap maligo dito, oh!- tinawag na ako ni Renz. Maliligo? Wala kaming gamit na dala-dala. 

Wala tayong damit! Baka magkasakit pa tayo! Uuwi tayo ng mansion na basang basa?

Okay lang! May kakilala ako diyan sa may kanto! Manghiram na muna lang tayo. - di na ako makatanggi kasi naliligo na ito, eh. Alangan namang sasabay ako sa kanya na basang basa? Mas mabuti nang basa kami pareho. Tutal, may mahihiraman pala eh. Hinubad ko muna ang sando ko para may pagtaguan ako ng cellphone ko. Baka kasi nakawin. Tinago ko ito sa may itaas ng nipa hut tsaka tumakbo papuntang dagat. 

That Was So Last YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon